Bangkay ng isang batang 140 taon na nakabaon ang kanilang natagpuang sa lupang kinatitirikan ng bahay ni Karner sa California, USA.
Nang mga panahong iyon pinasimulan na sa mga manggagawa ang nais niyang ipagawang bahay sa San Francisco. Ngunit labis na natigalgal ang mga nangungumpuni, lalo si Karner sa nadiskubre.
Aniya, simula ng tumira siya sa bahay na iyon, wala siyang kaalam-alam na may batang nakalibing sa kinatatayuan ng kaniyang tahanan.
Ayon sa NTD Television, ang pagkakakilanlan ng bata ay nananatili pang misteryo, kaya naman pinangalanan muna siyang “Miranda”. Pagkaraan ng ilang taong matinding pagsusuri sa mga lumang talaan, taong 1800s, naliwanagan din sila at nalutas ang misteryong nababanaag sa naturang kaganapan.
Kinilala ng “Garden of Innocence”, isang non-profit organization, ang labi ng bata na si Edith Howard Cook.
Ayon sa ulat medikal ng huli, siya ay nasa dalawang taong gulang at sampung buwan pa lamang nang bawian ng buhay.
Si Edith ay unang anak ng mayamang mag-asawa na nasawi noong ika-13 ng Oktubre, 1876 dahil sa severe malnourishment o malnutrition, na maaaring resulta ng hindi pagkain ng tama. Sa pamamagitan ng isinagawang DNA Test, nakumpirma na si Edith nga ang nahukay sa bahay ni Karner.
Napag-alaman din na noong mga nakalipas na panahon, ang lupa na kinatatayuan ng bahay ni Ericka Karner ay isa palang libingan, partikular na tinatawag bilang isang “Old Fellows Cemetery”. Ito ay siya palang libingan ng mga taong tinatawag na “Odd Fellows” o iyong mga tumutulong sa mga “kapus-palad”.
Noong taong 1930, nilipat ng San Francisco ang mahigit kumulang 26,000 na bangkay mula sa Odd Fellows Cemetery patungo sa Colma Green Lawn Cemetery.
Ngunit hindi napabilang ang labi ni Edith sa mga iyon. Kadahilanan sa pagkakagitla ng mga nangungumpuni at ni Karner.
Source: The Relatable
No comments