Photographer, Isinugal Ang Buhay At Tumalon Sa Whirlpool Para Makita Ang Nangyayari Sa Loob Nito


Minsan, karamihan satin ay nagtataka at nagtatanong kung bakit nga ba nangyayari ang isang phenomena. Kahit na mayroong mga eksperimento ang inilabas para ipaliwanag ang ganitong uri ng pangyayari, ito ay mahirap pa din intindin ng karamihan sa atin at mas lalong lumalawak ang ating kuryusidad na malaman kung ano nga ba talaga ito.

Ngunit, isang photographer ang naglakas loob na lapitan dahil sa kaniyang kuryusidad na makita kung ano ang nangyayari sa loob ng whirlpool kung kaya naman napagpasyahan niya na mag-langoy papalapit dito kasama ang kaniyang camera.

Ang whirpool ay ang mabilis na pag-ikot ng tubig sa dagat at ang karamihan sa ganitong pangyayari ay hindi gaanong kalakas ngunit may pagkakataon na ito ay delikado kahit na sa mga magagaling na swimmers. Siguro, karamihan sa atin ay hindi kayang lapitan o makita ito sa malapit o kung ano ang nangyayari dito.


Ang kaniyang nakita ay talagang nakakagulat at hindi kapani-paniwala.

Si Jacob Cockle ay isang British photographer na kilala dahil sa kaniyang mga videos na ititampok ang mga underwater exploits sa iba't ibang lugar.

Siya ay naging mas sikat nang kumalat ang kaniyang videos na nag-dive sa delikado at nakakatakot na whirlpools.


Ang mabilis na pag-ikot ng whirlpool sa dagat ay umakit sa "adventurous spirit" ni Jacob. Naeenganyo din siya kung ano nga ba ang nangyayari at ano nga laman sa loob nito.

Makikita sa video na ang whirlpool ay nagiging delikado na sa paglipas ng ilang minuto ng kaniyang video. Makikita din ang pagtalon na ginawa ni Jacob upang lapitan ang swirlpool.

Ang camera ay nakapokus lamang sa nangyayari sa whirpool at ito ay tila isang buhawi sa ilalim ng dagat. Mabuti na lamang at hindi natangay si Jacob ng whirlpool dahil sa lakas ng epekto sa paligid nito.


Minsan, ang ating kuryudidad talaga ang nagdadala sa atin na malaman kung ano ang mga bagay bagay at kahit delikado ay susuungin natin para lamang makamit natin ang hinahanap ng ating kuryusidad.


Source: The Relatable

No comments

Seo Services