“Karma is Real”, 'yan na lamang ang nasabi sa post ni Ruby Ann Magno, na noon pala'y siyang angkas ng kapatid na motorista. Labis ring sumama ang kaniyang loob sa ginawa ng mga kalalakihang iyon.
Ayon sa kaniya, binabagtas nila ang kahabaan ng daan kasabay ng iba pa nilang kasamahan motorista, nang bigla na lamang nanggitgit at lumipat-lipat ng linya o swerving nang hindi man lang nagbibigay ng signal o senyales.
Lubhang delikado ng kanilang ginagawa kung kaya naman binusinahan ang mga ito ng kapatid ni Magno ng isang beses.
Ngunit imbis na matauhan sa ginagawang kahibangan, nagitla na lamang ang mga nakasakay sa motor, nang magdirty-finger at patawa-tawa pa ang naturang grupo, na tila nanghahamok pa.
Isang patunay ang kaganapang ito na “Digital” na nga ang Karma. Sapagkat 'di umano'y matapos bitawan ng drayber ang manibela ng kanilang sasakyan upang makapang-insulto pang lalo, ay bigla na lamang nabangga ang nakaligtaang sasakyan.
“Ayan! Anong napala nyo? Effort pa na bitawan yung manibela makapang f*ck u lang samin gamit dalawang kamay eh. Babagalan pa talaga nila kahit umiiwas na kaming madikitan sila para iwas gulo. Ayan, bunggo ka tuloy.“, tanging nasabi ni Magno sa kaniyang post.
“Okay din talaga yung ‘di mo papatulan sa daan yung mga ganyang siga. Karma mismo ang lalapit sakanila.”, dagdag niya pa.
Kinakailangang mag-ingat sa daan at umiwas gunawa ng karahasan, kung hindi nais na mangyari ang mga masamang kaganapan. Iwasan ang padalos-dalos na desisyon at 'di pag-iingat sa pagmamaneho, sapagkat 'di lamang pawang mga sarili ang maapektuhan. Sundin ang batas sa daan, hindi dapat pinapaandar ang kalokohan sa daan, tanging sasakyan lamang.
Sa mga ginagawang bagay na wala namang dahilan at tunay ring walang katuturan, madalas ang nagiging resulta, aksidente.
Source: The Relatable
No comments