Tatlong Dahilan Bakit Napakamahal Ng Mga Louis Vuitton Bags


Hindi naman na lingid sa kaalaman nating lahat na mayroon talagang mga produktong banyaga na tulad ng mga bags na mapapa WOW ka talaga sa presyo. Minsan nga ay mapapanganga ka sa presyo ng mga ito dahil kung susumahin mo ang orihinal na presyo nito ay pang isang taon na income ang katumbas nito.

Ilan sa mga sikat at mamahaling bags ay ang mga may tatak na Birkin Bag, Chanel, Gucci, Balenciaga, Coach at Prada.

Oops! Makakalimutan ba natin ang isa din sa maituturing na luxury at branded bag na may tatak na LV o Louis Vuitton?


Malamang ay isa ka din sa mga namali ng pronounciation habang binibigkas ang tatak na Louis Vuitton. Maliban sa spelling at pronunciation ng brand na ito ay talagang mahirap din intindihin ang napakamahal na presyo nito.

Alam niyo ba na ang pinakamahal na presyo ng bag na ito ay nagkakahalaga lang naman ng $55, 500 o tumataginting na mahigit kumulang na 2.8 Million. Nakakalaglag panga talaga ang presyo nito, ngunit hindi ba kayo nagtataka kung bakit ganito ito kamahal?


Narito ang maikling history ng Louis Vuitton:

Ang tatak na LV ay nagsimula pala ito noong taong 1837. Sa bansang Paris, France ito nagsimula at siyempre nagsimula lamang ito sa mabibilang sa kamay na mga customers. Sa ideya ng pagkakaroon ng maleta para pagbbiyahe ang naging konsepto nito.

Kaya naman noong taong 1854 ay nagbukas ang unang store ng bag na ito at noong taong 1896 ay nagawa ang Louis Vuitton monogram icon na may disenyong floral na may letter L at V na ginawa ni Georges Vuitton. 

Narito naman ang tatlong dahilan kung bakit napakamahal ng presyo nito:

* MATAAS NA MANUFACTURING COST

Ito ay dahil sa ginagawa ito sa bansang France kaya malaki talaga ang halaga ng pagmamanufacture nito lalo na at malayo ito sa mga sinusupplayan nitong bansa. 

* PROUDLY HANDMADE ANG PARAAN NG PAGGAWA


Manpower Labor ang naging paraan ng paggawa nito. Handmade o tahing kamay ng mga talentadong tao ang gumagawa ng mga naturang bags. 

* LIMITED EDITIONS ANG MGA BAG


Kaya pala mahal ang mga ito dahil limitado lang ang mga edisyon ng mga bawat disenyo ng bags na ito. Hindi sila nagpproduce ng maramihang suplay kaya naman napapangalagaan nila ang kalidad ng mga bags na kanilang itinatahi at ibinibenta. 

Source: The Relatable

No comments

Seo Services