Raffy Tulfo iminungkahi sa gobyerno na pag-aralan ang Mobile Legends addiction

Nais ni Filipino broadcast journalist at Youtube Megastar Raffy Tulfo na magkaroon ang gobyerno ng pag-aaral patungkol sa Mobile Legends addiction upang malaman kung maaari ba itong ipagbawal sa ating bansa.
Photo credit: GameBreak - Gaming Realm PH

Sa isang episode ng Wanted sa Radyo noong July 17, 2020, nakatanggap nanaman sila ng reklamo tungkol sa isang relasyong nasira dahil sa sobrang paglalaro ng Mobile Legends.

Ayon sa nagreklamo, iniwan raw siya ng kanyang asawa matapos nilang magtalo dahil sa kanyang sobrang paglalaro. Ayon sa kanyang asawa, wala na raw siyang ibang ginagawa kundi ang maglaro ng Mobile Legends maghapon.



Matapos kausapin ni Tulfo ang mag-asawa, naglabas siya ng kanyang opinyon at una munang humingi ng paumanhin sa mga gamers ng Mobile Legends kung masasaktan sila sa kanyang sasabihin.

"Totoo yan, Ilan na ang napabalita na mga tao na hindi na kumakain hanggang sa namatay, Na-depress, Nasira ang pag-aaral, Nagkahiwalay, Nasira ang pamilya because of ML. Marami pa yan, Marami pa siguro na hindi lang nababalita."

"Siguro baka yung gobyerno gumawa ng paraan, ipag bawal na siguro 'to."

Ani Tulfo, dahil marami rin ang kumikita at naging mayaman sa paglalaro ng Mobile Legends, para sa kanya ang dapat maging deciding factor ay "Mas marami bang nasisira ang buhay dahil sa ML o mas maraming gumaganda ang buhay?"

"Dapat pag nag ML kayo, past-time lang. Wag yung all out na halos wala na kayong makain," dagdag ni Tulfo.


Iminungkahi ni Tulfo sa gobyerno na pag-aralan ang addiction sa Mobile Legends upang malaman kung mas marami ba itong naidudulot na mabuti o masama.

"Pagaralan siguro ng ating gobyerno, Pag aralan. Pakiusap lang please," sabi ni Tuflo.

Panoorin ang video sa ibaba magsimula sa 1 hour and 38mins:


***

Source: News Keener

No comments

Seo Services