Dating Kapamilya Actor Jason Abalos, naglabas ng sama ng loob patungkol sa ginawang pagbibiro ni Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin umanong disinfectant ang mga gasolina at diesel para maiwasan ang COVID-19.
Jason Abalos at Pangulong Rodrigo Duterte / Photo credit: PEP and Inquirer
Sa kanyang Twitter, sinabi ni Abalos na mayroon siyang kaibigan na namatay dahil sa CoVid noong 2019.
“Namatay ang kaibigan kong pediatric surgeon dahil sa covid, tapos may panahon pa kayong mag joke??,” banggit ni Jason, tungkol kay Dr. Leandro Resurreccion III na ginupo ng COVID-19 noong March 31.
“Pagbabago ang ginusto ko nong binoto kita hindi panggagago!” aniya pa.
Sa tinagal-tagal ng pagkakaupo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto, dapat ay malaman na umano ng mga Pinoy kung ano ang biro sa mga sinasambit nito.
Ito’y kaugnay sa naging pahayag ng Pangulo sa meeting nito sa Inter-Agency Task Force kung saan gamitin umanong disinfectant ang mga gasolina at diesel para maiwasan ang COVID-19..
“Kayo naman, 4 na taon na si Presidente, parang di n’yo pa kilala si Presidente. Joke only. Bakit naman tayo maghuhugas ng gasolina?” saad ni Presidential Spokesman Harry Roque.
***
Source: Kapamilya Online
Source: News Keener
No comments