Isang babae, pineke ang pagkamatay upang matakasan ang kanyang utang na P15,000
Marami ng samahan ang nasira dahil sa mga taong hindi marunong magbayad ng utang.

Hindi na siguro mabibilang ang mga magkakaibigang nag-away dahil sa utang. Maging ang magkakapamilya ay nagkakaroon rin ng problema dahil dito.
Photo credit to the owner

Samantala, sa isang ulat ng Tribun-Medan mula sa Indonesia, nagawa raw pekein o magpanggap na patay ng isang babae upang matakasan ang kanyang utang.

Ayon sa report, may utang umano ang babaeng si Liza Dewi Pramita kay Maya Gunawan sa halagang 4.2 million Indonesian rupiah o P15,000 na ang due date ay noong Nov. 20, 2022.

Dahil hindi kayang bayaran ni Pramita ang utang sa nasabing petsa, humingi ito ng extension hanggang Dec. 6 at pumayag naman si Gunawan.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Ngunit hindi nanaman tumupad si Pramita.

Makalipas ang isang linggo, Dec 12, nakita umano ni Gunawan ang Facebook post ng anak ni Pramita kung saan sinabi nitong namatay ang kanyang ina sa isang car accident.

Ipinost din ng anak ni Pramita ang mga larawan kung saan nakabalot sa kumot ang kanyang ina habang nakahiga sa hospital stretcher.
Photo credit to the owner

Makikita rin sa larawan na mayroon pang bulak sa ilong si Pramita.

Ngunit malakas ang kutob ni Gunawan na hindi totoo ang post ng anak ni Pramita.
Photo credit to the owner

Kalaunan ay natuklasan niyang nagsisinungaling lamang ang mag-ina.

Ayon sa Tribun-Medan, galing lamang sa Google ang larawan kung saan kunwaring nasa stretcher ang katawan ni Pramita.
Photo credit to the owner

Ipinost ni Gunawan sa social media ang buong pangyayari at sa ngayon ay viral sa Indonesia.

Inamin naman ng anak ni Pramita na ginawa lamang nila ito upang matakasan ang pagkakautang kay Gunawan.

Ayon kay Gunawan, nagawa niyang pautangin si Pramita dahil kakilala umano ito ng kanyang mga kaibigan.
Photo credit to the owner

Sa katunayan ay hindi pa nagkikita ang dalawa at nagkilala lamang sa isang online group.

Sa kasamaang palad, kahit na natuklasan ni Gunawan na buhay pa si Pramita, hindi pa rin nababayaran ang perang inutang sa kanya at ngayon ay tinataguan na siya.



***

Source: News Keener

wokes Monday, January 23, 2023
Kambal na anak ng isang 19-year-old na dalaga, magkaiba umano ang ama
Isang 19-year-old na dalaga ang nanganak ng kambal ngunit magkaiba umano ang ama ng mga ito ayon sa isang article ng Brazilian news outlet na Globo.
Photo credit to the owner

Kwento ng babae, nakipagtalik raw siya sa dalawang lalaki sa magkaparehong araw siyam na buwan bago siya manganak.

Nang nasa walong buwan na ang kambal ay napaisip siya kung sino nga ba talaga ang ama ng kanyang mga anak. Kaya naman sinubukan niyang isailalim ang mga sanggol sa paternity test sa isa sa mga lalaking kanyang nakasiping noon.

Subalit, nagulat siya pagkalabas ng resulta dahil isa lamang sa kambal na sanggol ang tumugma sa paternity test. 
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Dahil dito ay kinausap rin niya ang isa pang lalaki na kanyang nakasiping noon upang dumaan sa DNA test na kalaunan ay positive ang naging resulta para naman sa isa pang sanggol.

"I was surprised by the results. I didn't know this could happen. They are very similar," sabi ng 19-anyos na babae.

Samantala, hindi raw ito imposible ayon sa attending physician ng babae na si Dr. Tulio Jorge Franco. Ang tawag raw sa ganitong pangyayari ay "heteropaternal superfecundation.”
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Matatawag raw ang ganitong pangyayari na ‘rare’ ngunit hindi imposible.

"This pregnancy happens when two eggs from the same woman are fertilized by different men. In this case, the genetic material of the parents is different and the eggs of the mother are also different. The babies develop together in the same pregnancy, but each one in its own placenta," paliwanag ni Dr. Franco.
Photo credit to the owner

Ayon naman sa Obstetrics and Gynecology by professor Amos Grunebaum, ang “Heteroparental superfecundation” ay maaring mangyari kahit sa magkaibang araw makipagtalik ang babae dahil kaya raw mabuhay ng sperm cells sa loob ng limang araw.
Photo credit to the owner

Dagdag ni Dr. Franco, hindi raw ito ang kauna-unahang pangyayari na magkaiba ang ama ng kambal. Sa katunayan ay ika-20th case na ito sa buong mundo.


***
Source: Philstar

Source: News Keener

wokes
Green soldier napikon sa komento ng netizen: "Mukhang kulang ka sa utak o pansin?"
Tila napikon ang content creator at mime street performer na si Jhonwel Reyes o mas kilala bilang ‘green soldier” ng Baguio City.
Photo credit to the owner

Sa Facebook post ni Reyes, ibinahagi nito ang kanilang larawan ng kanyang asawa na kuha para sa maternity shoot ng photographer na si Eliza Consul.

Suot ni Reyes ang kanyang trademark na green soldier at naka-green naman ang kanyang asawa.

Marami ang bumati sa kanila ng congratulations ngunit mayroon din namang mga nagbiro at sinabing color green din ang kanilang baby paglabas nito.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

“Pag labas din po ba ng baby nyo color green?” komento ng netizen na si Karen Gerenoso.

Tila nainis o napikon naman si Reyes sa sinabi ng netizen.

“Ganda mo sana Kaso Mukang kulang ka sa utak o sa pansin?” sagot ni Reyes.


Marami ang nagulat at nadismaya sa sagot ni Reyes. Anila, pikon daw ito sa biro ng ibang tao samantalang pagpapatawa ang trabaho nito bilang mime street performer.

“Dinamdamdam masyado nagbibiro lng naman siguro ung tao,” sabi ni Kenneth Aldave.
Photo credit to the owner

“Nag theme kayo ng green tas trademark mo dn. Ngayong nagsidejoke iyakin ka.” sabi naman ni Philip Almanzor.

“Iyakin yarn?hahahaha..masyadong mayabang feeling entitled na agad nakilala lang ng konti kaya ang bilis din nawala e.dapat lang.” komento ni Albert Vincent.

“Ok lang kahit Hindi nyo kami bigyan maski konting Respeto sa Simpleng kaligayan namin, Pero sana Naman Wag ninyong Idamay Baby ko,” sagot naman ni Reyes.


***
Source: Daily BNC News

Source: News Keener

wokes Saturday, January 21, 2023
Mga waiters, nagbigay ng reaksyon ukol sa kontrobersyal na icing issue ni Alex Gonzaga
Talagang hindi maka-move on ang mga netizens sa nangyaring pagpahid ng icing ni Alex Gonzaga sa noo ng waiter na si Allan Crisostomo.
Photo credit to the owner

Kanya-kanyang reaskyon ang mga netizens at kahit mga celebrities at social media influencers ay nakisali na rin.

Ayon sa iba, masyadong OA ang reaksyon ng ilang affected na netizens. Anila, hindi naman ito big deal pero masyadong pinapalaki.

Subalit, ano nga ba ang masasabi ng mga waiters, naging waiters at iba pang nakapagtrabaho sa service industry?
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Ang sabi ng netizen na dating waiter, “normal lang” ang magpahiran ng icing sa isang birthday party, magkakilala man o hindi.

“Bday party yan, so ung ginawa ni Alex Gonzaga natural lang, kakilala mo mn yn o ND. Masyado lng kasi talga minamasama NG iba.Naging waiter din nman ako before, Kung sken mngyare yan, Mas mararamdamn ko n part ako NG party na un kahit waiter lng ako.”
Photo credit to the owner

Sang-ayon din ang isang female netizen na dating waitres sa ginawa ni Alex. Aniya, icing lang naman iyon at madali lamang tanggalin.

“As a waitress dati for me ha opinion ko lng its not a big deal for ako kahit hnd pa yan artista or normal na tao lng tas pahiran ako ng cake its ok cake lng yan wipe out mo lng tissue mag hilamos tangal na.”

“Maka pag react mga tao akala mo naman sila ung pinahiran,” dagdag niya.

“Mas Malala pa nga ung iba customers ung mga feeling elite na tao maka mura mura sa mga waitress and waiter un ang nakaka humiliate nakaka baba ng pag katao.”
Photo credit to the owner

Ngunit para sa TikTok content creator na si Marvin “Kuya Marvin” Curbot, sobra raw ang ginawa ni Alex. Hndi raw dapat ito ginagawa dahil baka i-normalize ng iba.

“It’s not bad to have fun with service crew, waiter… Hindi masamang biru-biruin sila, hindi masamang makipagkulitan sa kanila,” punto niya.

“Pero yung ginawa ni Alex Gonzaga is too much, actually it’s too much na.”
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

“Maraming customer na akala mo normal na lang sa kanila na i-humiliate ka, na porke't nabayaran ka, na porke't customer sila, puwede nilang gawin lahat ng gusto nilang gawin sa iyo.”

Binanggit niya ang kasabihang “the customer is always right” kaya ang ibang waiters, “pangiti-ngiti” na lang kahit na “binalasubas” na ng customer.

Banat ni Marvin, “Paano kung halimbawang buhusan ka ng drinks ng customer dahil wala lang, trip niya lang?
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

“Paano kung yung sauce na kinakain niya ipinahid niya sa uniporme mong kulay puti?

“Hindi ka puwedeng mag-react. Bawal mag-react. Bawal kang magalit kasi crew ka, e.

“Hindi ka puwedeng magalit. Hindi ka puwedeng gumanti kasi anumang mangyari, baka posible matanggal ka pa sa trabaho."

“May possibility na i-normalize na lang yung ganon pag kumain din sila sa resto, kasi walang palag yung crew.

“Walang palag yung staff. Walang palag yung waiter, which is mali.

“Kahit man lang bilang tao, respetuhin natin sila. Igalang pa rin natin yung ginagawa nila.”

Samantala, isang dating part-time waiter sa isang Chinese restaurant ang nagbahagi rin ng kanyang saloobin patungkol sa isyu.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

“Being a waiter is hard, you always need to make sure na satisfied si customer sa part mo.

“In my experience as a part-time waiter, very minimal ang chance na di ka maka-encounter ng mga ganoong customers.

“One time I had a customer na humihingi ng soup. Hindi ko lang naibigay sa kanya ng ilang minuto dahil sa dami ng tao.

“Inirapan ako, tinaasan ng boses, at hindi na tinanggap yung sabaw na binibigay ko.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

“May times na gusto mo sila kausapin at i-explain yung sarili mo, pero mas pipiliin mo na lang manahimik at intindihin sila para di na lang lumaki.”

“Nalulungkot kasi madami sa atin ang nagsisikap at nagkakanda-kuba-kuba sa pagtatrabaho para lang may pantutustos sa sarili at sa pamilya natin.

“Tapos may mga unexpected na tao ang tatrato sa atin na ikalulungkot at ikakababa ng araw mo.”

Para naman sa media editor ng PEP na dating nagtatrabaho bilang delivery boy ng isang restaurant, depende raw sa relasyon ng waiter at customer ang sitwasyon.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Nagbahagi siya ng isang karanasan, pero inaming may pagkakamali siya sa insidente dahil late niyang naihatid ang order ng customer, na hiniya siya.

“Napahiya ako kasi inismiran ako at sinabihan sa [harap ng] maraming tao.

“Inintindi ko na lang din. Stressful trabaho niya sa bank.

“Naririnig ko nga mga milyones ang usapan nila ng kausap niya sa phone.

“Tapos parang di siya tumatayo sa upuan niya. Tapos darating yung food niya na-late at malamig.”

Ano naman ang point of view (POV) niya sa isyu ni Alex at ng waiter?
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

“Yung ginawa ni Alex, kung kakilala naman niya yung waiter o kabiruan, ok lang siguro.

“Pero kung di mo naman kakilala o di kayo close, bad yun.

“May experience din naman kami ng mga kasama ko noon na may kabiruan kaming customers. Nagkakabardagulan kami. Nagkakagawaan din ng small favors.

“Depende rin kasi sa relationship niyo.”

Samantala, humingi na ng sorry si Alex kay Allan at ayon sa kanila, “laging kabiruan” ng pamilya Gonzaga ang waiter.

Narito pa ang ibang komento ng mga netizens:




***
Source: PEP

Source: News Keener

wokes
Alamin ang buhay ng dating Darna na si Nanette Medved at ang ginagawa niyang pagtulong sa mga mahihirap
Isa sa mga gumanap bilang Darna noon ay ang napakagandang aktres at model na si Nanette Medved. 
Nanette Medved / Photo credit to the owner

Marahil ay hindi siya kilala ng mga kabataan ngayon dahil dekada ’90 nang siya ay sumikat at makilala.

Ang ina ni Nanette ay si Mei-Chi, mula Taiwan; ang kanyang ama naman ay si Raymond, mula Russia.
Nanette Medved / Photo credit to the owner
Nanette Medved / Photo credit to the owner

Taong 1999 naman siya ikinasal sa businessman na si Chris Po, ang president at CEO ng Century Canning Corp.

Nagkaroon ng iba’t ibang pelikula o proyekto si Nanette noon dahil na rin sa taglay nitong ganda at talento.

Nakasama rin niya ang mga kilalang artista at personalidad sa showbusiness kagaya na lamang ng yumaong “Da King” na si Fernando Poe Jr.

"Ang Dalubhasa" ang huling pelikula ni Nanette bago ito magretiro sa showbiz.
Fernando Poe Jr. at Nanette Medved / Imahe mula sa palabas na "Dito sa Pitong Gatang" (1992)
Fernando Poe Jr. at Nanette Medved / Imahe mula sa palabas na "Dito sa Pitong Gatang" (1992)

Sa mga hindi nakakaalam, si Nanette ay nagtapos bilang Summa Cum Laude sa kursong Finance and Entrepreneurship sa Babson College, Massachusetts.

Masasabing naabot na ni Nanette ang tugatog ng kanyang karera bilang artista noon. Ngunit dumating ang panahon na mas pinili niyang makatulong sa mga nangangailangan at nag-focus sa pagpapatayo ng ilang kumpanya katulad ng Generation Hope Inc. at Friends of Hope Inc.
Nanette Medved / Photo credit to the owner
Nanette Medved / Photo credit to the owner

Naglalayon ang mga ito na matulungan ang mga pampublikong paaralan na may iilang estudyante na kapos at hirap sa buhay. 

Kasama rin sa kanilang programa ay ang pagsuporta sa mga magsasakang Pilipino.

I did it because it was something close to my heart. I wanted to help the poor,” saad ni Nanette.

Maliban sa pagtulong sa ating mga kababayan, layunin din ni Nanette na pangalagaan ang kalikasan kaya naman itinayo niya ang Plastic Credit Exchange Inc. (HOPEx).
Nanette Medved / Photo credit to the owner
Nanette Medved / Photo credit to the owner

Layunin nitong tulungan ang mga kumpanya, negosyante at simpleng indibidwal na maging responsable sa paggamit at pagtapon ng plastic.

Noong 2017, nagsama sila ng aktres na si Solenn Heussaff upang gumawa ng limited edition na damit gamit ang 100 percent na recycled plastic. Ang kikitain o malilikom mula dito ay gagamitin upang makapagpatayo ng mga public schools sa buong bansa. 
Nanette Medved at Chris Po / Photo credit to the owner
Nanette Medved / Photo credit to the owner

Dahil sa kanyang kabutihang loob, kinilala si Nanette ng Forbes bilang isa sa mga “Heroes of Philanthropy” noong taong 2017 at hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin siya sa kanyang adhikain na makatulong sa mga nangangailangan.

Talaga nga namang matatawag nating tunay na Darna si Nanette dahil sa kanyang malawak na papel sa loob at labas ng showbiz. Dahil sa kanya ay marami ang nabigyan ng pag-asa sa buhay.


***

Source: News Keener

wokes Friday, January 20, 2023
Seaman na pauwi ng Pinas, sibuyas ang pasalubong sa kanyang pamilya
Talaga nga namang napakamahal ng sibuyas ngayon sa ating bansa. Mas mahal pa ito sa isang kilo ng isda, manok at baboy. 
Photo credit: Jonelito Razona

Habang gumagawa ng paraan ang gobyerno upang makontrol ang presyo ng sibuyas sa ating bansa, mukhang matatagalan at marami pang titiising panahon ang ating mga kababayan.

Ilan sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng sibuyas at dahil sa inflation rate ng ating bansa. Nandyan din ang mga hoarder kung saan itinatago ang sibuyas at ilalabas lamang nila kapag wala ng maibenta sa merkado.

Samantala, isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang nag-viral matapos niyang ipakita ang kanyang pasalubong sa pamilya pag uwi ng Pilipinas.
Photo credit: Jonelito Razona
Photo credit: Jonelito Razona

Sa Facebook post ni Jonelito Razona, in-upload nito ang kanyang mga larawan habang nag-iimpake ng gamit sa isang maleta na gagamitin pauwi ng Pinas.

“Maiwan man ang mga chocolate at gamit ko wag lang itong sibuyas,” caption niya.

Halata namang nagbibiro lamang si Razona sa kanyang Facebook post dahil umano sa restrictions. Ang punto lamang niya ay talagang napakamahal ng sibuyas sa ating bansa kung saan mas mura pa ang chocolates.
Photo credit: Jonelito Razona
Photo credit: Jonelito Razona

Aniya, ang ilang chocolates sa Pinas ay nagkakahalaga lamang ng P150.

“Ang presyo ng tsokolate sa Pilipinas ay nagkakahalaga ng $3 o P150, if i-compare mo sa presyo ng sibuyas na halos times 7,” sabi niya.

Ang presyo ng sibuyas ngayon ay umaabot umano sa P600-700 kada kilo.

Hiling ni Razona ay magmura na ang presyo ng sibuyas sa ating bansa katulad noon dahil ito ay basic ingredient sa pagluluto nating mga Pilipino.


***

Source: News Keener

wokes
Seo Services