Alamin ang buhay ng dating Darna na si Nanette Medved at ang ginagawa niyang pagtulong sa mga mahihirap

Isa sa mga gumanap bilang Darna noon ay ang napakagandang aktres at model na si Nanette Medved. 
Nanette Medved / Photo credit to the owner

Marahil ay hindi siya kilala ng mga kabataan ngayon dahil dekada ’90 nang siya ay sumikat at makilala.

Ang ina ni Nanette ay si Mei-Chi, mula Taiwan; ang kanyang ama naman ay si Raymond, mula Russia.
Nanette Medved / Photo credit to the owner
Nanette Medved / Photo credit to the owner

Taong 1999 naman siya ikinasal sa businessman na si Chris Po, ang president at CEO ng Century Canning Corp.

Nagkaroon ng iba’t ibang pelikula o proyekto si Nanette noon dahil na rin sa taglay nitong ganda at talento.

Nakasama rin niya ang mga kilalang artista at personalidad sa showbusiness kagaya na lamang ng yumaong “Da King” na si Fernando Poe Jr.

"Ang Dalubhasa" ang huling pelikula ni Nanette bago ito magretiro sa showbiz.
Fernando Poe Jr. at Nanette Medved / Imahe mula sa palabas na "Dito sa Pitong Gatang" (1992)
Fernando Poe Jr. at Nanette Medved / Imahe mula sa palabas na "Dito sa Pitong Gatang" (1992)

Sa mga hindi nakakaalam, si Nanette ay nagtapos bilang Summa Cum Laude sa kursong Finance and Entrepreneurship sa Babson College, Massachusetts.

Masasabing naabot na ni Nanette ang tugatog ng kanyang karera bilang artista noon. Ngunit dumating ang panahon na mas pinili niyang makatulong sa mga nangangailangan at nag-focus sa pagpapatayo ng ilang kumpanya katulad ng Generation Hope Inc. at Friends of Hope Inc.
Nanette Medved / Photo credit to the owner
Nanette Medved / Photo credit to the owner

Naglalayon ang mga ito na matulungan ang mga pampublikong paaralan na may iilang estudyante na kapos at hirap sa buhay. 

Kasama rin sa kanilang programa ay ang pagsuporta sa mga magsasakang Pilipino.

I did it because it was something close to my heart. I wanted to help the poor,” saad ni Nanette.

Maliban sa pagtulong sa ating mga kababayan, layunin din ni Nanette na pangalagaan ang kalikasan kaya naman itinayo niya ang Plastic Credit Exchange Inc. (HOPEx).
Nanette Medved / Photo credit to the owner
Nanette Medved / Photo credit to the owner

Layunin nitong tulungan ang mga kumpanya, negosyante at simpleng indibidwal na maging responsable sa paggamit at pagtapon ng plastic.

Noong 2017, nagsama sila ng aktres na si Solenn Heussaff upang gumawa ng limited edition na damit gamit ang 100 percent na recycled plastic. Ang kikitain o malilikom mula dito ay gagamitin upang makapagpatayo ng mga public schools sa buong bansa. 
Nanette Medved at Chris Po / Photo credit to the owner
Nanette Medved / Photo credit to the owner

Dahil sa kanyang kabutihang loob, kinilala si Nanette ng Forbes bilang isa sa mga “Heroes of Philanthropy” noong taong 2017 at hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin siya sa kanyang adhikain na makatulong sa mga nangangailangan.

Talaga nga namang matatawag nating tunay na Darna si Nanette dahil sa kanyang malawak na papel sa loob at labas ng showbiz. Dahil sa kanya ay marami ang nabigyan ng pag-asa sa buhay.


***

Source: News Keener

No comments

Seo Services