Talaga nga namang napakamahal ng sibuyas ngayon sa ating bansa. Mas mahal pa ito sa isang kilo ng isda, manok at baboy.
Photo credit: Jonelito Razona
Habang gumagawa ng paraan ang gobyerno upang makontrol ang presyo ng sibuyas sa ating bansa, mukhang matatagalan at marami pang titiising panahon ang ating mga kababayan.
Ilan sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng sibuyas at dahil sa inflation rate ng ating bansa. Nandyan din ang mga hoarder kung saan itinatago ang sibuyas at ilalabas lamang nila kapag wala ng maibenta sa merkado.
Samantala, isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang nag-viral matapos niyang ipakita ang kanyang pasalubong sa pamilya pag uwi ng Pilipinas.
Photo credit: Jonelito Razona
Photo credit: Jonelito Razona
Sa Facebook post ni Jonelito Razona, in-upload nito ang kanyang mga larawan habang nag-iimpake ng gamit sa isang maleta na gagamitin pauwi ng Pinas.
“Maiwan man ang mga chocolate at gamit ko wag lang itong sibuyas,” caption niya.
Halata namang nagbibiro lamang si Razona sa kanyang Facebook post dahil umano sa restrictions. Ang punto lamang niya ay talagang napakamahal ng sibuyas sa ating bansa kung saan mas mura pa ang chocolates.
Photo credit: Jonelito Razona
Photo credit: Jonelito Razona
“Ang presyo ng tsokolate sa Pilipinas ay nagkakahalaga ng $3 o P150, if i-compare mo sa presyo ng sibuyas na halos times 7,” sabi niya.
Ang presyo ng sibuyas ngayon ay umaabot umano sa P600-700 kada kilo.
Hiling ni Razona ay magmura na ang presyo ng sibuyas sa ating bansa katulad noon dahil ito ay basic ingredient sa pagluluto nating mga Pilipino.
***
Source: Jonelito Razona | Facebook
Source: News Keener
No comments