Saan nga ba nagmula ang Santo Niño?
Naitanong ninyo na ba sa inyong mga sarili kung saan nga ba nagmula ang Santo Niño? Bakit parte na ito ng kasaysayan ng Pilipinas? Totoo nga ba ang mga himala nito?
Photo credit to the owner

Ang Santo Niño ay isang kristiyanong imahe ng banal na sanggol na si Hesukristo. Ito ang naging pangunahing santo patron ng lalawigan ng Cebu. Bilang isang imahe lamang ay hindi ito sinasamba bagkus ay pinahahalagahan ng marami dahil sa mga sinasabing himala nito. 

Ayon sa aming pananaliksik, noong dumating si Ferdinand Magellan sa Cebu noong 1521, si Rajah Humabon, kasama ang kaniyang asawa na si Amihan gayun din ang mga 800 na mga katutubo ay ninais na mabinyagan bilang Katoliko. 
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Ibinigay ni Magellan ang imahen ni Santo Nino sa asawa ni Rajah Humabon at pinangalanang Juana. Ang pangyayaring ito ay hindi lamang nagpakilala kay Santo Niño sa mga taga-Cebu kung hindi ay ito rin ang naging isang napakahalagang karanasan: ang representasyon ni Reyna Juana, hawak ang imahen ni Santo Niño na binabasbasan ang kanilang mga tauhan upang mailayo sila sa sakit at masamang espiritu at maging importanteng bahagi ng sayaw ng Sinulog.

Noong dumating si Miguel Lopez de Legazpi at ang kaniyang mga tauhan sa Cebu noong 1565, isa sa mga sundalo ang nakatuklas ng isang kahon na may imahen ni Santo Niño. Ito ay napapaligiran ng bulaklak at mga pigurin ng mga anito. Ayon sa mga mananalaysay, ang mga pagbabago, mula sa pagsayaw ng Sinulog at pagbubunyi kay Santo Nino ay naganap sa loob ng 44 na taon sa pagitan ng pagdating ni Magellan at Legazpi. 
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Idineklara ng Augustinian order na ang naturang imahen ay milagroso at itinatag nila ang simbahan kung saan ito nadiskubre. Ipinangalanan ito sa San Agustin church at di maglaon ay pinalitan ito ng Basilica Minore del Santo Niño. Ang debosyon sa Santo Niño ay tumagal at sumulong sa kultura ng Pilipinas sa pagdaan ng mga siglo lalo na sa rehiyon ng Visayas.

Katunayan, taon-taon, sa buwan ng Enero, ang lalawigan ng Cebu ay nagkakaroon ng pista ng sinulog na nagtatampok ng sagradong imahen ng Santo Niño at sa himig ng "Pit Senor!" at "Hala, Bira!" ay yayanigin ng tambol, palakpak, at hiyawan ng mga tao ang buong lungsod. Maraming pilipino ang namamanata at nagdedebosyon sa paniniwalang maghihimala at tutuparin ng Santo Niño ang kung ano mang hilingin nila.


***
Source: Pinoy Classic

Source: News Keener

wokes Friday, August 19, 2022
Jobelle Salvador binatikos matapos sabihing kamukha ni Agot Isidro ang isang namamalimos na babae sa C5
Hindi nakaligtas sa pambabatikos ang aktres na si Jobelle Salvador matapos niyang mag-komento sa larawan ni Agot Isidro no nakita niya sa Facebook noong August 5, 2022.
Jobelle Salvador and Agot Isidro / Photo credit to the owner

Nakasaad sa Facebook post niya: “Si Agot ba ito?? My friend told me to check kasi daw kamukha daw nu’ng namamalimos na babae sa C5 na nag-nga-nga-nga..no offense but is this really her?”

Kalakip nito ang larawan ng singer-aktres na si Agot Isidro.

Hindi raw inakala ni Jobelle na babatikusin siya ng mga netizens dahil lamang sa kanyang pagtatanong.
Photo credit to the owner

Dahil dito, binura niya ang kanyang Facebook post. Gayunpaman, sumagot pa rin si Jobelle sa mga bumabatikos sa kanya.
Agot Isidro / Photo credit to the owner

“I don’t need you to comment on this kasi ide-delete ko lang kayo. I don’t need to know your opinion kung kokontra lang kayo at manggugulo.

"Una sa lahat, wala akong pakialam kung wala akong project d’yan sa Pinas dahil bragging aside, $$$ at ¥¥¥ ang kinikita ko mga hunghang!!

“Nakaka-siguro ako na mas masarap ang buhay ko kung ikukumpara niyo ako sa iniidolo niyo…
Jobelle Salvador / Photo credit to the owner
Jobelle Salvador / Photo credit to the owner

“Sige na maganda na s’ya, mayaman na s’ya, magaling na artista!! E di wow!! I do respect her as a ‘human being’ and everyone’s opinion on everything.

"Sorry to Agot kung naka-offend ako but that was not my intention…”

Samantala, muling ibinalik ni Jobelle ang kanyang deleted Facebook post dahil, diumano, hindi siya tinatantanan ng mga taong nagagalit sa kanya.

Saad niya, “Ayaw niyo akong tigilan, o sige ito ibabalik ko na. Ito ‘yung ini-issue niyo sa akin e.
Agot Isidro / Photo credit to the owner
Agot Isidro / Photo credit to the owner

"Sa mga hindi nakakaalam, bina-bash ako ng oposisyon just because I wanted to confirm if this was Agot. Binahiran nila ng politika ang pagtatanong ko."

Siguradong ang tinutukoy na "oposisyon" ni Jobelle ay ang mga tagasuporta ni dating Vice President Leni Robredo at dating Senator Kiko Pangilinan, na sinuportahan ni Agot nitong nagdaang eleksyon.

Si Jobelle naman, base sa kanyang social media accounts, ay sinuportahan ang kandidatura nina President Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.
Agot Isidro / Photo credit to the owner
Agot Isidro / Photo credit to the owner

Inulit ni Jobelle ang paglalarawan sa litrato ni Agot na "kamukha yung beggar sa C5," ayon daw sa kanyang kaibigan.

“According to my friend who showed me this post e kamukha daw ni Agot ‘yung beggar sa C5. I deleted the post already yesterday para matapos na ‘yung issue but the bashing continues.

“It’s obvious that the hate comments are coming from trolls and fake accounts. Just so you know, I keep my account public for a reason and that is because I want the public’s opinion on the subject matter I post unlike other people na ang hilig magpapansin at tumira ng ibang tao pero naka private ang account?!!

“With that said, if you have hateful or negative comments to say, that is your choice and I respect your opinion. I’m not here to make things worst or to cause hatred, but I just simply wanted to know the facts.

“Even now that I know the truth, this is my account, my wall, my rules!!! Therefore, I’m going to repost it. I wonder lang, sa dinadami naman kasing magandang picture ni Agot, ito pa talaga yung napiling ilagay?!!

“Sa mga bashers, sabi nga ni Agot di ba DEDMA IS key bakit galit na galit kayo?!!! Affected?”

Si Jobelle ay huling napanood sa ABS-CBN drama series na The Killer Bride.

Si Agot naman ay kasalukuyang napapanood sa Kapamilya primetime series na Flower of Evil.


***
Source: PEP

Source: News Keener

wokes Monday, August 8, 2022
Twin Wins! Kambal, Tinapos Lamang ang Kolehiyo ng 3 Taon at Parehong Summa Cum Laude Pa!
Photo credit to GMA News

Sadya nga namang kahanga-hanga ang mga mag-aaral na nakapagtapos ng kanilang pag-aaral. Lalo't higit sa kanilang pagtatapos ay mag-uuwi sila ng medals, honors at awards.

Marami nang estudyante ang nagningning at nagtrending online dahil sa kakaiba nilang talino at dedikasyon sa pag-aaral.

At nito ngang nakaraan lamang ay buong pagmamalaking ibinahagi ng Kumon Valenzuela Center ang dalawa sa kanilang naging estudyante noon na talaga namang naging matagumpay sa kanilang edukasyon.

Maraming netizens ang naantig sa kwentong ito ng Kumon, dahil ang dalawang batang iyon ay magkapatid at kambal pa.

Sa halip kasi na karaniwang apat na taon ay tatlong taon lamang kinuha at sabay na nagtapos bilang Summa Cum Laude sa kursong BS Mathematics ang kambal na sina Margaret Esther "Marge" Cruz at Madelyn Esther "Mads" Cruz nitong July 31 sa University of the Philippines Diliman.

Kaya naman sa kanilang Facebook page, proud na ibinahagi ni Kumon na 21 years ago, naging mag-aaral nila ang kambal na sina Mads and Marge.

Photo credit to Kumon Valenzuela Center | Facebook


"They started their Kumon journey in 2004 at the age of three. Still in diapers then, Mads and Marge would go to the center and learn basic counting, reading and writing," post ni Kumon Center.

Kahit na raw alam nila na busy ang mga magulang ng kambal sa kani-kanilang hanap-buhay, ay buo ang suporta nila sa mga anak sa pagsagot ng kanilang Kumon worksheets. Hindi rin diumano puro aral ang kambal dahil magaling rin sila sa sining at sumubok ng mga gusto nilang adhikain.

Photo credit to GMA News

"Although their parents were quite busy with their profession, they would see to it that the twins were able to answer their Kumon worksheets daily.

"Growing up, they’re like typical kids who would venture into piano lessons, arts and anything and everything that they were interested in."

With all the activities they were doing aside from their usual school work, time management was the key!".
kwento ni Kumon.

Kanila ring pinagmalaki na dahil sa Kumon center ay maagang natututo ang kanilang mga mga-aaral at nagkaroon ng napakataas na antas ng kakayahan sa Math at Reading. Natututo sila ng high school at college materials habang nasa elementarya pa lamang.

Photo credit to GMA News

"Over time, they developed a very high level of ability in Math and Reading. Thanks to the individualized program that Kumon provides its students. They were able to study high school and college materials while in elementary."

"By Kinder, they were studying long division. By Grade 2, they were already doing Algebra and by grade 4, they were studying Trigonometry. Then by grade 6, they were able to learn Integral and Differential Calculus.",
anila.

Nakatapos rin diumano ang kambal ng kanilang elementary at high school with honors, lumaban sa mga international competitions at nag-uwi ng medals at karangalan sa bansa sa larangan ng Mathematics.

Photo credit to GMA News

"Completing the Math and Reading programs by grade 6 helped them to be accepted in Philippine Science High School ( main campus ), where they graduated with high honors in senior high school."
 
"Mads and Marge were also the recipients of the Youth Excellence in Science and Math Award for 4 consecutive years from 2016 to 2019 given by the DOST because they competed in international math competitions and brought home medals and honor for our country."
dagdag nila.

Kaya naman sa galing ng kambal sa Math ay hindi na nagtaka ang Kumon center ng malaman na parehong kumuha ng BS Mathematics sa UP Diliman ang magkapatid.

At noong July 31 ay parehong nagtapos na Summa Cum Laude sa nasabing unibersidad. 

Photo credit to GMA News

"Thus, it was a no brainer that on choosing the course they would take up in college, both of them decided to take up BS Mathematics at UP Diliman."

"On July 31, Mads and Marge will both be graduating Summa Cum Laude. What makes this achievement quite extraordinary is that they were able to finish their course in a record-breaking three years instead of four!"
pahayag ng center.

Buong pagmamalaki ring sinabi ng Kumon na malaki ang kanilang naitulong sa 'life skills' ng magkapatid na umano ay naging tulay sa kanilang tagumpay sa pag-aaral at sa buhay.

"Just last July 28, it was announced that Marge was awarded the CS Leticia Shahani Award for Best Undergraduate Thesis in Mathematics.
 
Very soon, Mads will pursue her PhD in Michigan, USA on August 8, 2022 under a scholarship grant and Marge will be pursuing her MS at UP Diliman.

Their achievements were not borne out by chance.
 
Rather, it was brought about by years of patient preparation and training.
 
Focus. Determination. Confidence. Excellence!

These are some of the life skills they developed in Kumon.

Congratulations Mads and Marge! You never fail to amaze us! God bless you both on your new journey!
 
Congratulations to your parents as well, Justice Edgardo P. Cruz ( ret.) and Judge Ester Cruz of Bulacan MTC. Thank you for trusting the Kumon Program and our center.

It was indeed great journeying with you Mads and Marge!
 
Fly high but always remain grounded."
post ng Kumon Valenzuela Center.


SourceKumon Valenzuela Center | Facebook

Source: News Keener

wokes Sunday, August 7, 2022
Romnick Sarmenta nag-react kay Giselle Sanchez at sa mga taong ginagawang excuse umano ang ‘art’ para sa baguhin ng katotohanan
May patama ang aktor na si Romnick Sarmenta sa mga taong ginagawang excuse umano ang art baguhin ang katotohanan.
Romnick Sarmenta and Giselle Sanchez / Photo credit to the owner

Sa kanyang Twitter, sinabi ni Romnick, “Magko-comment sana ako, pero sayang ang oras, titik at pananalita sa mga taong ginagawang excuse ang art, at binabago ang katotohanan sa pamamagitan ng sining.”

Dagdag pa niya, “Kasing sayang ng oras na binuo ninyo yung pinagkaperahan ninyo.”

Ayon sa aktor, wala raw siyang pakialam kung may magalit sa kanyang sinabi dahil nagsasabi lang daw siya ng totoo.
Romnick Sarmenta / Photo credit to the owner
Romnick Sarmenta / Photo credit to the owner

Samantala, kahit hindi pinangalanan ni Romnick ang taong kanyang pinapasaringan, alam ng mga netizens kung sino ang tinutukoy nito.

Matatandaang nag-trending si Giselle Sanchez kasabay ng paglabas ng isang teaser ng “Maid in Malacañang” kung saan ipinakita ang kanyang role bilang si former President Cory Aquino.
 Giselle Sanchez bilang Former President Cory Aquino / Photo credit to the owner
 Giselle Sanchez bilang Former President Cory Aquino and Direk Daryl Yap / Photo credit to the owner

Naglabas ng paliwanag ang sexy comedienne kung bakit nga ba niya tinanggap ang kanyang “controversial role” at sinabing sana raw ay bigyan ang pagkakataon ang pamilya Marcos na sabihin ang kanilang bersyon ng istorya.

To close this article I would like to quote Senator Imee Marcos during the presscon ‘Art should disturb, it should confuse, it should provoke, it should should seduce and it should agitate. Ang sinasabi lagi kapag nagtutunggali, Mag-usap kayo. Balikan ninyo at pag-usapan natin ang pinag simulan’,” sabi ni Giselle.
 Giselle Sanchez / Photo credit to the owner
 Giselle Sanchez bilang Former President Cory Aquino / Photo credit to the owner

Samantala, may mga tweet rin si Romnick noong Miyerkules ukol naman sa “lies” at “truth”.

“Lies, no matter how adorned, gilded with gold and covered with precious stones, remain a lie: nothing more.

Truth, no matter how simple, even when it is ugly and uncomfortable remains the truth… Hold fast to the truth.”

Noong Agosto 4, muling nag-tweet muli si Romnick kalakip ang kanyang sulat kamay na mensahe at tula na ukol sa kasinungalingan at pagbabaluktot ng kasaysayan.
Romnick Sarmenta / Photo credit PEP

Gumising ka bago malimot ang kasaysayan, tumindig kahit mag-isa, sa gitna ng mga kasinungalingan,” bahagi ng kanyang tula.

Kapansin-pansin rin na pula ang ginamit nitong panulat.

Kasaysayang pilit mang baluktutin, sa mga palabas, at salitang sadyang baguhin… Gumising ka, bago ka bangungutin!” muling paalala ni Romnick.
Photo credit: Romnick Sarmenta


***

Source: News Keener

wokes
Isang foreign tourist sa Boracay, siningil umano ng P16,000 para hair braiding
Matapos mag-viral sa social media ang paniningil ng P26,000 sa isang grupo ng turista sa Panglao, Bohol nitong nakaraang Linggo, tila may panibago nanamang mainit na isyu ang pag-uusapan ng mga netizens.
Photo credit to the owner

Sa isang artikulo ng Daily BNC News, ibinahagi nito ang isang post sa Reddit ng isang hotel manager sa Boracay patungkol sa karanasan ng isa sa kanilang guest na nabiktima ng ‘overpricing’.

Ayon sa manager ng hotel, siningil umano ang kanyang guest ng P16,000 matapos magpa-braid o tirintas ng buhok.

“I’m the manager of Levantin, a small hotel in Bulabog. This happened to one of our guests and we are also complaining about it here in the Boracay community,” sabi ng manager.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Ilang netizens naman ang nagsabi na hindi na raw bago sa Boracay ang mga ganyang insidente dahil kahit mga local tourists ay nabibiktima rin.

“Unfortunately maraming ganito sa Bora. Marami na rin nagpost sa FB pero walang aksyon from the LGU/Tourism office. Ang siste is sasabihin 300 lang. 300 per strand pala. This is a trap not just for foreign tourists, pati rin sa locals,” sabi ni u/itawesomeki.

Isa sa mga tourist services sa Boracay ang hair braiding at henna tattoo at karamihan ng mga pumupunta doon ay sumusubok nito.

Ngunit hindi naman aabot sa libo-libong piso ang normal na presyo ng braiding sa Boracay.

Sa ngayon ay wala pang sagot ang LGU ng Malay na may sakop sa isla tungkol sa isyu.


***

Source: News Keener

wokes
Karla Estrada inalala ang paghihirap nila ni Daniel Padilla noon: “Ang pinagdaanan mo ang magbibigay sa'yo ng tapang at bait”
Bilang mga magulang, wala na yatang mas sasakit pa na makitang nasasaktan ang iyong mga anak. Pisikal man o emosyonal, nasasaktan tayo kapag nalaman nating nasasaktan ang mga taong mahalaga sa atin.
Karla Estrada and Daniel Padilla / Photo credit to the owner

Ito ang naramdaman ng aktres na si Karla Estrada noon nang marinig ang anak na si Daniel Padilla na humihikbi sa isang pangyayaring hindi niya makakalimutan.

Sa Youtube interview ni Toni Gonzaga kay Karla, ibinahagi ng aktres ang paghihirap na kinaharap at pinagdaanan niya at ng kanyang mga anak. Isa na roon ay nang maputulan sila ng kuryente dahil hindi sila nakapagbayad.

Dahil wala silang kuryente, tuwing gabi ay nagsasalitan sina Karla at Daniel upang paypayan ang kanyang mga kapatid upang kahit papaano ay makatulog ang mga ito.
Karla Estrada and Daniel Padilla / Photo credit to the owner
Karla Estrada and Daniel Padilla / Photo credit to the owner

"Siyempre magpapaypay ako pag sa gabi matutulog na kay Carmela 'tsaka kay Magui. Nangawit ako, sabi ko [kay Daniel], 'Anak, ikaw naman,'" sabi ni Karla.

"Pagkatapos niya magpaypay, tumalikod siya pero narinig ko humikbi...so imagine 'yung pakiramdam ko. Humikbi lang siya ako nagngangawa,” dagdag nito.

Ani Karla, hindi raw siya nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin si Daniel kung ano ang nararamdaman nito.
Karla Estrada and Daniel Padilla / Photo credit to the owner
Karla Estrada and Daniel Padilla / Photo credit to the owner

Ayoko nang tinatanong 'yung anak ko ng ikakalungkot niya. Parang gusto ko lagi na matatag siya kasi kuya siya di ba?" sabi ni Karla habang naiiyak.

Bilang isang single mom, itinaguyod ni Karla ang kanyang mga anak bilang isang aktres.

Si Karla ay may tatlo pang anak bukod kay Daniel. Sila ay sina JC, Magui at Carmela. Silang apat may magkakaiba ang mga ama.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Para kay Karla, "ang pinagdaanan mo sa buhay ang magbibigay sa'yo ng confidence, magbibigay sa 'yo ng tapang, lakas ng loob at pang-unawa at 'yung bait."

Kwento ni Karla, maraming masasakit na salita ang kanyang naririnig noon nang siya ay mabuntis sa edad na 19 katulad ng “Ano ba 'tong batang 'to," "pariwara," at "matigas' ang ulo." 

Tanggap naman daw ng aktres ang kanyang mga pagkakamali noon. Ngunit hindi siya nagsisisi na hindi niya pinabayaan ang kanyang mga anak.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

"Sa gitna ng walang kasiguraduhan kung paano ko sila bubuhayin, ay hindi ko sila pina-ab0rt. Because at that time I was very young may naririnig kang gano'n ang sinasabi sa 'yo."

Sa dami ng karanasan sa pag-ibig ni Karla, palagi raw niyang pinapayuhan ang kanyang mga anak na alamin kung kailan aalis sa isang relasyon.

"Sinabi ko lang sa mga anak ko, kung hindi na kayo masaya [sa relasyon], mag-impake na kayo." 

Para kay Karla, aalis na siya "pag hindi ko na kayang gumising nang masaya."


***

Source: News Keener

wokes Saturday, August 6, 2022
"Hindi namin alam kung bakit ganun ang naging resulta.”: Ina ni Herlene Budol, dismayado sa resulta ng Bb. Pilipinas 2022
Nagkaroon ng maraming espekulasyon ang ginanap na coronation night ng Binibining Pilipinas 2022 sa Smart Araneta Coliseum, nito lamang Hulyo 31, matapos ang halos anim na minutong pagka-delay ng pag-anunsyo ng nanalo.
Len Timbol and Herlene Nicole Budol / Photo credit to the owner

Itinanghal na Bb. Pilipinas-International 2022 si Nicole Borromeo ng Cebu City at si Gabrielle Basiano ng Borongan Eastern Samar naman ang Bb. Pilipinas-Intercontinental 2022.

Ngunit ayon sa usap-usapa, maaaring nagkapalit ang corona ng dalawang contestant. Anila, si Gabrielle Basiano ang totoong nanalong Bb. Pilipinas-International 2022.
Bb. Pilipinas - International 2022 Nicole Borromeo / Photo credit to the owner
Bb. Pilipinas - Intercontinental 2022 Gabrielle Basiano / Photo credit to the owner

Samantala, dismayado naman ang ina ng kontrobersyal na Bb. Pilipinas 2022 candidate Herlene Nicole Budol sa naging resulta ng patimpalak.

Aniya, bagama't nasungkit ni Herlene ang pagiging 1st runner-up, umaasa ang kanilang kampo na makakakuha ito ng major award.

Sa panayam ni Joee Guilas ng The Thrillmaker, kay Len Timbol, ina ni Herlene, sinabi nitong, "Mas mataas yung inaasahan namin para kay Herlene. Hindi namin alam kung ano ang nangyari.
Bb. Pilipinas 2022 first runner up Herlene Nicole Budol / Photo credit to the owner
Bb. Pilipinas 2022 first runner up Herlene Nicole Budol / Photo credit to the owner

“Para po sa akin ang anak ko ang winner pero okay naman po at panalo rin,” dagdag nito.

Nilarawan niyang 'super' at magaling ang naging performance ng anak at maging ang question and answer ay perfect para sa kanya at deserve talaga umano nitong manalo. 

Naitanong din ito kung ano ang sa palagay niyang naging pagkukulang ni Herlene.

"Sa palagay ko po wala kasi binigay pong lahat ni Hipon. Ginawa po niyang lahat. Perfect! Hindi namin alam kung bakit ganun ang naging resulta. Anyway, masaya naman po kami para sa kanya. Hindi kami umuwing luhaan," paliwanag ni Len.
Bb. Pilipinas 2022 first runner up Herlene Nicole Budol / Photo credit to the owner
Bb. Pilipinas 2022 first runner up Herlene Nicole Budol / Photo credit to the owner

Dagdag pa ni Len, inaasahan nilang makukuha ni Herlene ang best in swimsuit.

"Para sa akin, 'yung pinakabonggang performance is yung sa swimsuit po. Talagang napakagaling po niyang rumampa, 'yung walk niya sobrang ganda. Medyo disappointed inaasahan naming siya ang best in swimsuit pero iba po 'yung in-announce. Pero it's ok lang po, laban 'yan e.”

Panoorin ang exclusive interview kay Len sa ibaba:


***

Source: News Keener

wokes Wednesday, August 3, 2022
Seo Services