Melai Contiveros, Naging Emosyonal Matapos Makita Ang Laman Ng Diary Ng Anak Na Si Mela

Pamilya ang siyang natatanging yaman sa buhay. Makita lamang natin ang kanilang ngiti ay nakaka bawas agad ito sa bawat trabaho na ating ginagampanan sa araw araw.

Bilang isang magulang na ginagawa ang lahat para sa anak, ano mang pagod ang maranasan sa buong araw ay baliwala kung makikita mo na ang iyong munting pamilya ay masaya kapag ikaw ay dumating na galing trabaho.

Lahat naman siguro tayo ay gagawin ang lahat ng mga sakripisyo para lamang man itagayod at mabigay ang pangangailangan ng mga anak.



Matapos mangyari ang ECQ o tinatawag na Enhance Community Quarantine ay maraming pamilya ang mas naging close dahil sa loob ng bahay lamang ang kanilang naging bonding. Dahil pa dito, mas nagkaroon ng malaking oras at pagkilala sa bawat sarili at pati na rin ang relasyon ng bawat isa sa pamilya.

Mga anak na na ulila at tanging gabi lang makita ang mga magulang minsan pa nga, hindi na maabutan dahil tulog na at gigising nanaman ng maaga para magtrabaho. Kaya naman ito ang naging daan kung gaano lumalaki ang isang anak dahil kahit papaano ay nakakasama ng matagal ang kanyang Ina.

Gaya na lamang sa post ni Melai sa kanyang IG post, matapos makita ang diary ng kanyang anak na babae habang siya ay nag liligpit.


Ayun sa kanyang post,

"And I'm crying today kasi nakita ko tu, habang naglilinis napaka emo ko naman oa lang ksi iba tlga kapg kagi kanila kasama kasi best day of their life talaga. Kaya pala ngayun mag CR lng ako habol agad kayo @atemelafrancisco @stelarosalind, Si ate Mela bata pa may diary diary kana ha, siguraduhin mo lang ate nga maitago mo kasi ito nabasa kona ate and it makes me happy. Love u mga mahal ko na mga lablab Ate Mela at steya na makalablab naku sila"


Kaya naman atin pahalagahan ang bawat araw na inilaan para sa ating mga mahal sa buhay.

Source: The Relatable

wokes Saturday, July 3, 2021
Babae, Nagulat Nang May Matanggap Na e-Mail Mula Sa Pumanaw Na Ama At May Mensahe Para Sa Kanyang Ina


Tatlong linggo na ang nakakalipas simula nang matanggal ni Aly Mendoza ang scheduled email mula sa kaniyang ama, na n@wal@n ng buhay sampung buwan na ang nakakaraan.


Kwento ni Aly sa kaniyang socmed post, noong una ay natatakot pa siyang buksan ang email, ngunit makalipas ang dalawang araw ay napagpasyahan niya na din itong buksan upang malaman ang nilalaman nito.


Ani Aly, “Who wouldn’t be scared to get and open an email from someone who passed away 10 months ago, plus it was 3:00AM and I was finishing requirements and I was the only one awake in our whole house.”



Ang email pala na kaniyang natanggap ay isang scheduled email na sinulat ng kaniyang ama bago ito n@wal@n ng buhay.


“I couldn’t believe what I was reading. My dad’s love for my mom is definitely immeasurable.”


Ibinahagi ni Aly na nakasaad sa e-mail ang magiging ganap para sa selebrasyon ng anibersaryo ng kaniyang mga magulang sa taong ito.




Bago pa man nawalan ng buhay ang kaniyang ama, na-plano na nito ang lahat. Nakausap at binayaran na din nito ang florist na siyang magde-deliver ng bulaklak para sa ina ni Aly para sa mga susunod na taon sa bawat espesyal na okasyon katulad ng kaarawan ng kaniyang ina, Valentine's Day, at ang kanilang anibersaryo.


“The e-mail contained instructions for me for their anniversary celebration this year. Apparently before my dad passed away, he planned everything. He even contacted and paid for a florist to deliver flowers to my mom for the coming years on every special occasion.”




Sinabi din ni Aly na mayroong sulat na nakalagay sa email na sinulat pa ng kaniyang ama para sa kaniyang ina.


Aniya, “He literally thought of everything to make his great love feel all his love.”




Sinunod naman ni Aly lahat ng tagubilin na nakasulat sa email. Tinulungan din siya ng kanilang kasambahay para maging successful ang surprise. Tinapos din nila ito ng mahigit na anim na oras.


“Of course my mom cried because she misses the love of her life but I could see how happy everything made her because she knew that everything was planned by my dad.”


Ang mga magulang ni Aly ay dapat ipagdidiwang ang kanilang ika-25 na anibersayo sa Hunyo 10, 2020. Ngunit sa kasamaang palad ay b!naw!an ng buhay ang kaniyang ama noong Agosto 21, 2019 dahil sa sakit sa puso at chronic kidney disease. Pinagpaplanuhan na din noon ng kaniyang mga magulang na sila ay pupunta sa Jerusalem para i-renew ang kanilang vows sa kanilang anibersayo.




Source: The Relatable

wokes
Heart Evangelista, May Madamdaming Mensahe Para Sa Namayapang Anak Na Si 'Baby Mira'

Isa sa pinakamalalang pangyayari sa buhay mag-asawa ang magkaroon ng baby. Sa loob ng siyam na buwang pagdadalang-tao, excited ang mga magulang na makita ang kanilang baby na nasa maayos na kalagayan kaya naman talagang ingat na ingat sila sa pagbubuntis.

Gayunpaman, hindi lahat ay nagiging matagumpay na nakapagdadala ng kanilang baby sa sinapupan. Nakakalungkot ngunit may mga ina na nakukunan dahil sa di-inaasahang mga pangyayari.

Kabilang diyan ang sikat na artista si Heart Evanghelista at ang asawa niya na si Sorsogon Governor Chiz Escudero.


Sa isang IG post, inalala ni Heart ang kaniyang unborn baby ng ibahagi niya ang larawan ng nursery room sana ng kaniyang baby.

Sa kaniyang caption sinabi niya:

"Today was your birthday. Know Mama thinks about you."



Mayo 2018 nang ipahayag ni Heart sa kaniyang socmed account na magkakaroon sila ng kaniyan asawa ng twins. Sa kasamaang palad, nakunan si Heart ng dalawang magkasunod na beses sa kaniyang twins.

June 2018 nagbahagi si Heart ng pagdadalamhati para sa nakunan niyang baby. Doon sinabi niya na binigyan na niya ng pangalan ang kaniyang baby na Mira. Sinabi din niya na parang nakita na niya ang ngiti ng kaniyang baby at babalikan pa din si Baby Mira sa kaniya.

Matapos nito, sinabi din ni Heart na hindi muna niya ipapaalam sa mga tao ang kaniyang pagbubuntis yamang maselan ito at upang mailayo din siya sa mga negatibong bagay na baka makaaapekto muli sa kaniyang pagbubuntis.


Nitong nakaraan lang ay nag-post ng larawan si Heart kasama ang kaniyang asawang si Chiz kung saan naka-pose ito na parang hinahawakan o itinatago ang tiyan ni Heart. Marami sa mga netizens ang nag-isip na baka buntis na muli si Heart.

May nakakatawang sagot sa mga netizens, sinabi ni Heart na buntis siya sa Bonchon, ang kaniyang favorite chicken brand, hindi dahil may baby na uli siya.

Source: The Relatable

wokes
Isang Babae, Walang Kaalam-Alam Na Ang Pinakasalang Online Boyfriend Ay May Itinatagong Sikreto

Hindi na bago sa atin ang makakita ng mga kwento ng kanilang relasyon na nagumpisa sa online. Ngunit, mayroon pa ding ibang tao, partikular na ang mga miyembro ng pamilya at mga kaibigan ang may pagdududa pa din pakikipag-relasyon na nakilala lamang sa pamamagitan ng internet.

Siguro marami sa inyo ang iisipin na marahil ang isang tao ay totoo sa kaniyang nararamdaman o parehas silang may tinatago sa isa't isa. Para sa isang Vietnamese woman, nadiskubre niya na ang kaniyang boyfriend na nakilala sa online ay mayroon palang itinatago na malaking sekreto sa kaniya at nalaman niya na lamang ang totoong pagkatao nito matapos nilang mapagpasyahan na magpakasal.

Kagaya ng marami sa atin, si Nguyen Van Anh ay gusto din makatagpo ng isang tao na tatanggap at magmamahal ng buong buo sa kaniya.


Kahit na siya ay mayroon ng magandang karera matapos makapagtapos sa Hanoi University of Science and Technology noong 2015, nararamdaman niya na mayroon pang isang bagay na gusto niya at yun ay ang makahanap ng isang lalaki na kaniyang pinapangarap.

Habang siya ay nag-scroll sa Facebook page ng kaniyang iniidolo noong May 2016, mayroon nakita si Van Anh ng isang lalaki na talagang pumukaw sa kaniyang atensyon.

Sa katunayan, siya ay sobrang na nagtataka sa lalaki kung kaya't nagpadala siya ng message sa kaniyang iniidolo at tinanong ito kung pwede siyang maipakilala sa misteryosong lalaki na kaniyang nakita.


Ang pangalan ng lalaki a Dang Tuan. At kahit hindi ito ganoon kalapit sa iniidolo ni Van Anh, pinagbigyan niya pa din ang kahilingan ng babae at nakipag-usap siya sa social media. Nagkaroon sila ng pag-uusap sa social media at unti-unti silang nahulog sa isa't isa matapos ang pagkilala sa isa't isa.

Kahit na si Van Anh ay nasa Hanoi, Vietnam, at si Dang Tuan naman ay nagtatrabaho at naninirahan sa Russia, hindi nila hinayaan na ang distansya ang makakapigil sa nabubuo nilang relasyon.

Matapos ang sampong buwan na pagdate sa online, si Tuan, na siyang hindi pinagmalaki ang kaniyang mga nakamit, ay tinanong si Van Ang na pakasalan siya kung saan sumagot ito ng kaniyang oo.


Ngunit ang ina ni Van Anh ay hindi gusto ang pagpili ng relasyon na pinasukan ng kaniyang anak. Sinabi din nito na si Van Anh ay magsisisi na maka-date ang isang tao na nakilala niya lamang sa interte, partikular na na hindi naman nila kilala ang isa't isa sa ganoong kahabang panahon.

Gayunpaman, pinatunayan pa rin ni Tuan ang kaniyang pagmamahal kay Van Anh at pumunta siya sa Vietnam para hingin ang permiso ng magulang nito. Ang dalawang ay nakuha ang blessings ng pamilya ni Van Ahn para sila ay magpakasal.

Si Tuan at Van Anh ay nagsimula na sa preparasyon ng kanilang kasal at doon nalaman ni Van Anh ang sikreto ng kaniyang fiance at ito ay si Tuan ay isang millionaire.

Sa kabila ng pag-uusap nila sa loob ng ilang buwan, nalaman niya na lamang na ang kaniyang fiance na nakilala sa online ay isang general manager ng isang sikat na fashion brand noong pumunta sila sa Russia at pinaplano ang kasal.


Inamin ni Tuan na hindi niya sinabi ang kahit ano tungkol sa kaniyang yaman kay Van Anh para malaman niya na kung mahal siya nito sa kung sino siya at hindi para sa kaniyang pera kung saan nakapasa si Van Anh.

Si Tuan at Van Anh ay nagpakasal noong Abril noong nakaraang taon sa isang five-star hotel sa Hanoi. Ngayon sila ay naninirahan sa Russia.

Source: The Relatable

wokes Thursday, July 1, 2021
5 Sikat At Mayayamang Artista Na Di Nyo Aakalain Na Mas Gusto Ang Mga Street Foods Kesa Mamahaling Pagkain

Sigurado, marami sa atin ang naniniwala na madalas kumain sa mga mamahaling restaurant ang mga artista. Ngunit, maniniwala ka ba na mahilig sa mga pagkain kalye o mga street foods ang ilan sa mga kilalang artista na ito?

Narito ang ilang mga prestihiyosong mga artista na mahilig kumain ng mga street foods:

1. China Cojuanco

Si China ay pamangkin ng dating presidente na si Cory Cojuangco Aquino at kapatid ni Mikee. Isa din siya sa mga kilalang Chef sa China.


Isa din siya sa mga personalidad na mahilig kumain ng mga street foods hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa. Ang mga paborito niyang street foods sa bansa ay ang fishalls, tokneneng, at iba pa. Ibinabahagi din niya ang mga street foods na kaniyang kinakain sa kaniyang Instagram account.

2. KC Concepcion

Si KC ay isa sa kilalang negosyante bukod sa pagiging anak ng dalawang magagaling na artista na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.


Paborito din niyang kainin na street foods ay ang choco banana na mabibili sa Osaka, Japan.

3. Anne Curtis

Taho naman ang paborito ng sikat na artista na si Anne Curtis. Ito ay kaniyang ibinahagi nang siya ay naging isa sa mga bisita ng Magandang Buhay.



4. Heart Evangelista

Si Heart Evangelista, asawa ng senador na si Chiz Escudero, ay paboritong kainin ang Pretzel na matatagpuan naman sa New York. Bukod pa dito, si Heart ay kilala bilang isang "fashion trends" at dumalo rin siya sa mga "fashion weeks" sa ilang mga lugar.



Kaya talagang nakakagulat na ang isang Heart Evangelista ay kumakain ng street foods. Ngunit, napanatili pa din ni Heart ang kaniyang pagiging classy kahit na ito ay mahilig sa street foods.

5. Gretchen Barretto

Si Gretchen Barretto ay kilala bilang isang "Crazy Rich Asian" dahil sa kaniyang mga mamahaling kagamitan, kasuotan, at magarbong pamumuhay. Mahilig si Gretchen sa pagkain ng pretzels at hotdogs.



Makikita din na sobrang natutuwa at sarap na sarap si Gretchen habang kinakain ang kaniyang street foods.
Source: The Relatable

wokes
OFW, Ibinahagi Kung Bakit Mula Sa Pagiging Donya Ay Isa Na Lamang Siyang Kasambahay Sa Abroad Ngayon


Lagi tayong namamangha sa mga kwenting ating naririnig at nababasa sa balita tungkol sa mga OFW na gumaganda ang buhay at naiahon ang kanilang mahirap na pamumuhay.

Hindi natin masasabi kung lagi ba tayong nasa taas o ibabaw, sabi nga nila ang buhay ay parang isang gulong, minsan ika’y nasa taas, minsan naman ika’y nasa baba. Ito ang mga kinakatakutan nang mga mayayamang tao na mangyari sakanila, ang maghirap.

Ang istorya ng isang inang OFW na si Joh Bagundol Sese na taga Midsalip, Zamboanga del Sur kung paano napalitan ang kanyang marangyang buhay ng kahirapan.


Ayon sa Hottest Online Trends, maganda ang pamumuhay ng Ginang ng siya’y maikasal sa isang lalake na may pamilyang nagmamay-ari ng good export business sa Hagonoy, Bulacan. Mayroon itong sariling sari-sari store, manukan, pati narin mga kasambahay na kanyang katulong.

Lumipas ang mga taon, sila’y naharap sa financial problem at ang kanilang business ay nawalan nang napakalaking pera at nagdeklara ng bankruptcy. Nalubog ang Ginang sa maraming utang, kung saan binabantaan na ang kanyang buhay kasama na ang kinakaharap nitong mga kaso para makulong.


Dumating din sa punto na siya’y ipinost nang kanyang pinsan at  ipinahiya sa social media ngunit pinili nitong manahimik na lamang alang-alang sa kanyang pamilya, kahit alam nito na hindi naman ito ang kasosyo niya kundi ang live-in nito na nag-supply sakanya ng bigas.

Dalawa lamang ang kanyang pagpipilian, ang mag-abroad para makabayad o makulong. Ginamit niya ang kahihiyan na iyon upang lumaban sa buhay at magpatuloy na magpursigi sa pagtatrabaho.

Nag-apply siya bilang isang domestic worker dahil gusto nitong magtrabaho at pumunta sa Singapore. Sa kasamaang palad, hindi ito makakuha nang trabaho sa tatlong buwan nitong pag-aaply.


Isa sa kanyang mga kapitbahay ang nag suggest na subukan nitong mag apply sa agency nito papuntang Saudi Arabia ngunit nag alinlangan ito dahil sa kanyang mga naririnig na masasamang kwento tungkol sa mga OFW na inaabuso sa Middle East.

Dahil sa kagipitan, walang choice ang Ginang kundi ibigay ang kanyang passport sa agency at sa dalawang linggo lamang ay nakahanap na ng employer sa Saudi ang kanyang agency.

First time ni Joh na pumunta sa ibang bansa at wala itong ideya sa kanilang linggwahe ngunit ang pangarap nito ang nagbigay sa kanya ng lakas upang maiahon muli ang kanyang pamilya sa hirap at utang upang maibalik ang kanilang dating buhay na marangya.


“Hindi man ako nagtapos, anak ko man lang makatapos” sabi ni Joh.

Dahil ang kanyang panganay na anak ay nag-aaral sa kolehiyo at ang bunso naman nitong anak ay nag-aaral pa ng high-school. Lalo itong nagpursigi dahil ayaw nitong tumigil ang kanyang mga anak sa pag-aaral.

Tulad ng ibang OFW, ayaw din nilang magtagal pa sa ibang bansa, kaya sa higit na dalawang taon, nakabayad na sa kanyang ibang mga utang si Joh.


Nagpapasalamat ito sa kanyang asawa na napaka supportive lalo na sa paghawak nang kanilang pera. Ngayon mayroon silang maliit na sari-sari store ngunit may mga utang parin silang dapat bayaran.

Noong October 2017, nagkaroon ng tyansa si Joh na makapag bakasyon sa Pilipinas ngunit mabilis lamang ito dahil marami pa ang kanyang mga utang na hindi nababayaran. Hindi ito lumalabas dahil sa nahihiya ito, pagkatapos ng isang buwan, bumalik na ito sa Saudi upang mabayaran pa ang mga utang nito.

Para sa kanya hindi habang buhay ang pagtatrabaho sa abroad dahil kailangang isiping mabuti ang paglalagyan nang ating mga pinaghirapan.

Source: The Relatable

wokes
Angel Locsin, Sinabi Ang Totoong Dahilan Bakit Siya Tumutulong Sa Mga Kababayan Niya

Nito lamang Miyerkules, sinagot na ng actress na si Angel Locsin ang tungkol sa pagiging kabilang sa listahan ng Forbes Asia bilang "Heroes of Philanthropy" kasama ang ilang mga bilyonaryo, businessmen, at ilang sikat na personalidad.

Ayon sa actress, nais niyang magbigay ng inspirasyon sa marami na magbigay ng tulong para sa mga taong nangangailangan.

Ibinahagi din ni Locsin ang tweet ng Forbes Asia tungkol sa kaniyang pagiging kasama sa "Heroes of Philanthropy".


Saad ng actress,

"I never thought @ForbesAsia woulf ever mention my name. Thank You! Filipinos have always been known for 'bayanihan'".

"I'm nowhere near being a billionaire, but I try my best to do my part in my own way little way. I hope this would inspire other people to help as well."


Si Locsin ay nakilala bilang isa sa mga kasama sa "Catalyst for Change" dahil sa kaniyang pagiging active sa pagtulong at pagbibigay ng mga relief goods sa mga taong naapektuhan ng kalamidad sa Pilipinas.

Isa rin sa Pilipino na nasa listahan ay si Hans Sy ng SM Group na mayroong net worth na Php878 bilyon.


Ayon sa Forbes Asia, si Locsin ay nagbigay ng nasa Php1 milyon bilang tulong sa mga taong naapektuhan ng pagtama ng malakas na lindol sa Mindanao. Siya din ay nagbahagi ng relief goods para sa mga ito.

Sa loob ng sampung taon, ang donasyon na ibinigay ni Locsin ay nasa Php15 milyon sa ilang mga programa katulad ng para sa edukasyon, indigenous people, at anti-violence laban sa mga kababaihan at mga bata, maliban sa mga relief goods na kaniyang ibinibigay sa mga naapektuhan ng kalamidad sa bansa.


Sinabi din ni Locsin na hiling niya na sana ay maging isa siyang magandang halimbawa para sa marami, sa pamamagitan ng kaniyang mga adbokasiya.

Ani ng actress, “It’s like taking little steps towards substantive, holistic change for the future of the next generations."

“The only motivation we need is being part of humanity.”
Source: The Relatable

wokes
Seo Services