Andi Eigenmann tumanggi sa photo op; Turista Nadismaya
Isang bakasyunista sa Siargao ang bumatikos ke Andi Eigenmann, sa kahilingan nito na magpakuha ng picture kasama ang dating aktres.

Dismayado ang bakasyunista sapagkat di nya inaasahan ang dalawang beses na pagtanggi ni Andi na magpakuha ng larawan kasama sila.

Excited pa sila sapagkat sinusubaybayan nila ang love story nila ni Philmar Alipayo at mga vlogs ni Andi, sa pag aakala na sila ay pagbibigyan, ngunit kabaliktaran naman ang nangyari.



“We just want to know if the humble Andi on social media is the same as Andi in real life…” sabi ng lalaki.

“Because I and my guests experienced that we wanted to take a picture with her twice but she didn’t allow us.”

Ipinost ni Andi ang screenshot ng post na ito sa kanyang instagram story at me caption na " LETS FINALLY ADDRESS THIS!”




Mahinahon at natatawa pa si Andi Eigenmann na nagpaliwanag sa kanyang sunod sunod na video clips.

Ang akala umano ni Andi ay mauunawaan siya ng mga tao sapagkat tinalikuran na niya ang showbiz mula pa noong 2017.

“But then, now I understand na that’s not the case because of our YouTube channel,” pahayag ng anak ni Jaclyn Jose.

“And the last thing I want is for you guys to misinterpret it or think that it means I don’t appreciate all of your support.”

Hindi man aktibo sa showbiz si Andi, aktibo siya sa paggawa ng YouTube videos kasama ang kanyang pamilya.

Ikinatutuwa raw nilang maraming sumusuporta sa kanyang videos na kinukunsiderang "stress reliever” ng viewers.

“We love knowing and I find it amazing that there are a lot of you that think that a life out here is something to admire, or something to achieve for yourselves.”


Humingi ng paumanhin si Andi Eigenmann, at ipinaliwanag na pinili nya na ang simpleng pamumuhay kasama ang kanyang pamilya.

“I also hope that you understand that I’m human also."
“There are a lot of reasons why I moved here in the island, one of that is the peace, and simplicity, and being able to enjoy this paradise for what it is.
“Parang ang daya naman kung sabihin niyo sa ‘kin, ‘Kung ayaw mong magpa-picture, ‘wag kang lumabas,'” natawa niyang hirit.
“Pa’no ako hindi lalabas?”
Nilinaw rin ni Andi na hangga’t kaya ay pinagbibigyan niya ang mga photo op requests.
May mga pagkakataon nga raw na “minsan buong time ginawa lang namin… is makipag-selfie.”
Pero hindi naman daw sa lahat ng oras ay pwede niyang pagbigyan lahat dahil may mga rason siya kagaya ng pagmamadali.
Sa mga pahayag ni Andi ay nangangahulugan na siya ay ordinaryong tao na ngayon at ito ang kanyang piniling pamumuhay.
***
Source: PEP.ph


Source: News Keener

wokes Sunday, April 4, 2021
Lalaking ihahatid ang misis sa trabaho, hinuli at tinikitan
Muling isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang ilang lungsod sa Pilipinas dahil sa pagtaas ng bilang ng mga nagpositibo sa C0vid-19.
Photo credit: VonVon Mabulay

Dahil dito ay ipinatupad rin ang mas maagang curfew (6pm-5am) upang maiwasan ang pagkalat ng nasabing sakit. 

Samantala, padami ng padami ang napapabalitang opisyal ng mga barangay na hindi alam o walang alam sa ipinapatupad na guidelines ng gobyerno.

Ang ilan sa mga barangay opisyal lalo na ang mga barangay tanod ay mayayabang rin at abusado sa kanilang tungkulin.

Katulad na lamang ng isang netizen na mula sa Parañaque City ang hinuli at tinikitan matapos niyang ihatid ang misis sa trabaho.
Photo credit: Vonvon Mabulay

Sa Facebook post ni VonVon Mabulay, ihahatid niya ang kanyang misis na papasok sa trabaho dahil wala naman itong masasakyan.

9pm ang pasok ng misis ni Vonvon. Aniya, kumpleto naman ang kanilang papeles at maging marriage certificate ay mayroon din silang dala.

Sa kabila nito ay hindi pa rin pinatawad si Vonvon at tuluyang tinikitan ang kawawang netizen.

Dagdag pa niya, ilang araw na raw niyang inihahatid ang kanyang misis at wala namang sumisita sa kanila.

Labis ang panghihinayang ni Vonvon dahil imbes na pambili na lamang ng gatas ng kanyang anak ay ipambabayad niya pa sa ticket.

Narito ang kanyang buong post:
 
"Si lord na bahala sainyo. ihahatid ko lang misis ko kumpleto na nga papel namin marriage cert tsaka company id. biglaang huli lang kayo eh. Wala ngang masakyan ng gabi saan sasakay to 9pm pasok neto. ilang araw na ako naghahatid wala naman sumisita ngaun lang. wala pang warning hays gatas na bayad pa sa ticket .mabuhay kayo hangat gusto niyo !!

Strong barangay tlga."

Narito naman ang ilang komento ng mga netizens:







***

Source: News Keener

wokes Saturday, April 3, 2021
Doctor-vlogger ipinakita ang ebidensya na totoo ang C0Vid-19
Isang sikat na vlogger at doctor ang nagpaliwang o nagpakita ng ebidensiya na totoong mayroong kumakalat na virus ngayon sa buong mundo.
Photo credit: Dr. Kilimanguru

Sa kanyang Facebook post ay ipinaliwanag ni Winston Kilimanjaro Creones Tiwaquen o mas kilala bilang ‘Dr. Kilimanguru,’ na totoo ang coronavirus na nagpapahirap hindi lang sa ating bansa, kundi sa buong mundo.

Ito ay sa kabila ng ilang mga tao na hindi umano naniniwala sa C0vid-19. Anila, gawa-gawa lamang daw ito at pinagkakakitaan ng mayayamang negosyante at gobyerno.

Nakakalungkot isipin na sa kabila ng ating pinagdaraanan at sa dami ng taong namatay ay mayroon pa ring hindi naniniwala. Kaya naman patuloy ang pagtaas ng cases ng mga positibo sa ating bansa.
Photo credit: Dr. Kilimanguru
Photo credit: Dr. Kilimanguru

Ipinakita ni Dr. Kilimanguru ang itsura ng C0vid-19 sa pamamagitan ng isang microscope.

Aniya, “Asaan daw ang ebidensya? Ito ang hitsura ng COVID-19 virus sa ilalim ng transmission electron microscope. Ang imaheng ito ay nakuha sa Rocky Mountain Laboratories sa Hamilton, Montana, USA.”

Dagdag pa niya, nasa modernong panahon na tayo ngayon kaya dapat ay hindi na raw tinatanong kung totoo ba ang virus o hindi.

Narito ang buong post ni Dr. Kilimanguru:

“Asan daw ang ebidensya? 

Ito ang itsura ng COVID-19 virus sa ilalim ng transmission electron microscope. Ang imaheng ito ay nakuha sa Rocky Mountain Laboratories sa Hamilton, Montana, USA.
Photo credit: Dr. Kilimanguru

Ang ganitong klaseng microscope ay hindi available sa lahat ng laboratory dito sa Pilipinas at hindi cost-efficient pag lahat ng sample ng pasiyente ay ipapatest ng ganito. 
Photo credit: Dr. Kilimanguru

Kaya meron po tayong RT-PCR na mas accesible para sa lahat. Ang dinedetect ng RT-PCR ay ang genetic code ng virus. Kung may DNA test para malaman kung sino ang ama ng anak mo, ang RT-PCR ay parang DNA test para malaman kung may COVID-19 virus ka sa sistema mo. 

2021 na. Hindi na dapat tinatanong kung totoo ba ang COVID dahil marami ng nawalan dahil sa virus na ito.”

Sa comment section ay nag-iwan rin ng babala ang doctor na i-bloblock niya ang mga netizen na patuloy ang pagbabalewala sa pagsunod sa mga health protocols na ipinapatupad ng gobyerno.

Aniya, hindi raw talaga matatapos ang pandemya kung may mga taong mali ang mindset.

“Sorry magba-block po talaga ako ng mga sarado ang utak kasi isa po kayo sa mga rason kung bakit tumataas ang kaso. Hindi na po matatapos ang pandemya kung ganyan po ang inyong pag-iisip.”


Samantala, panoorin ang video sa ibaba hinggil naman sa mga sakit na maaaring ma-trigger dahil sa COVID-19.


Narito naman ang ilang komento ng mga netizens:






***

Source: News Keener

wokes
Alice Dixson, buong galak na tinaggap ang pinaka hindi inaasahang milagro sa kanyang buhay.
Sa edad na 51-anyos, tila maituturing nga na isang himala para sa aktes na si Alice Dixson ang isang regalong kanyang pinaka-aasam asam na kailan lamang ay ipinagkaloob na sa kanya.

Lalo na sa mga panahon ngayon, sa sitwasyong kinalalagyan nating lahat. Ang tanging hiling natin ay ang makatanggap ng isang magandang balita na ikinabigla nga ng aktres.

Alice Dixson

Matapos niyang ipagdasal at hilingin ang biyayang ito nang matagal na panahon, ay sa wakas at natanggap na niya ito at buong pagmamalaking ibinahagi ito sa kanyang Instagram account.

Ayon kay Alice, sampung taon na niyang hinihiling ang blessing na ito na kada tuwing sasapit ang kanyang kaarawan ay ito ang kanyang birthday wish!

Nag-post ang aktres na tangan ang isang papael na may naka hulmang talampakan ng isang sanggol.

Alice Dixson

Alice Dixson

At saka sinabing dumating na nga ang pinaka bagong miyembro ng kanilang pamilya.

“Despite of unexpected trials this year, God gave us a little miracle.

For those of you who really know me – you’ve known that I’ve been praying for this every year on my birthday for 10 years now.”

Each year – my wish the same when I blew out my candles [cake emoji]”

Alice Dixson

Alice Dixson | Instagram

“So with great patience, belief and trust – I am happy to announce my wish has finally come true [heart face emoji]

Our newest little family member has arrived [red heart emoji]" saad nito.

Sa huli ng kanyang post ay ang pagbati sa lahat ng "Advance Happy Easter"

Hindi man naibahagi ni Alice Dixson kung kailan ipinanganak ang sanggol, ang mahalaga ay isang blessing ang sa kanya'y ipinagkaloob matapos ang ilang taon niyang paghihintay.


Alice Dixson

Alice Dixson



Source: News Keener

wokes
Isang Babae, May Hindi Magandang Karanasan Sa Swab Testing, Usap-usapan Ngayon

Usap-usapan ngayon sa social media ang nakuhanang video kung saan makikita na nabigla at tila ba nasaktan ang isang babae ng magpaswab-test ito para sa COVID-19 testing.

Sa video ay makikita na una munang kinuhanan ng swab sample ang babae sa kanyang lalamunan.

Dito ay makikita na halos mapaduwal ito. Sumunod naman ay ang pagkuha ng swab sample galing sa ilong at muli ay nagulat ang babae at napatakip ng ilong. Nang muli subukan ipasok ang swab test sakanyang ilong ay naging maayos naman na ito.


Iba-iba ang naging reaction ng mga netizen na nakapanood ng video kung saan, ayon sa iba ay ganon talaga ang pagkuha at naging magalaw lang ang babae. Ang iba naman na nag komento ay naniniwala na parang hindi tama ang pagkakaswab test sa babae dahil makikita na nasaktan ang ito.

“That is an ineffective swabbing technique,, that’s good for nothing!! God bless the Philippines.”

“Smh. seems like he/she is one of those people that feels burdened to do his/her job right. If you don’t like your work and can’t do your assigned tasks well, don’t be rude and make other people hurt or feel miserable.”

“his shld bring to the attention of doh...so rude and not capable of her work..not minding she’s hurting the person already..shld be taken out from her post ASAP"

Narito ang video na ibinahagi ng TikTok Collection Facebook page, noong March 11, 2021.

Mahigit sa 2,900 na ang nagreact sa video at mahigit sa 1,500 naman na netizens ang nag kommento tungkol sa video.


Sakabila ng hindi magandang karanasan ng karamihan sa swab testing ay patuloy pa rin itong isinasagawa upang maiwasan paglaganap ng virus sa bansa.

Sa inyong palagay nabigla nga ba ang babae o masyado nga bang mabilis ang galaw ng nurse sa pagkuha ng sample for swab testing? Maaari niyo ding ibahagi ang inyong kommento at palagay.


Source: The Relatable

wokes
Delivery driver ng trending na " LUGAW" Ibinunyag, peke daw ang kumakalat na fb post ng tanod na sumita sa kanya
Hanggang ngayon ay laman pa rin ng balita ang nag viral sa social media na lugaw na kung saan pinost ng grab food driver ang kanyang karanasan sa mga brgy. tanod ng San Jose Del Monte Bulacan.

Sa viral na ito ay tumatak ng husto sa mga netizens ang nasabi ng isang tanod na ang lugaw ay hindi essential at di papayagang makalusot sa barangay.

Umani ng mga batikos sa social media ang tanod na ito, sapagkat marami ang umalma sa kanyang paniniwala at pinanindigan na ang lugaw ay hindi essential sapagkat kaya daw natin mabuhay ng walang lugaw.

Sa ipinagtataka ng grab food delivery driver ay kung paanu nalaman ang pangalan ng babaeng tanod, at nakalap pa ng mga netizens ang larawan nito, sapagkat sa kanyang mga panayam, ni hindi nya binanggit ang pangalan nito.

Naging matindi ang mga batikos na tinamo ng barangay tanod, sa post umano ni Phez, pangalan ng tanod, may mga social media post na lumabas na tinanggal na ang female barangay official bilang taga-pamahala sa Violence Against Women and Children sa kanilang barangay sa San Jose del Monte Bulacan.


Kelan lang ay  nag public apology na ang tanod sa kanyang pagkakamali.

Ngunit ayon ke Marvin (Grab food delivery driver) ang lahat ng post na nakita sa social media na umano ay post ni Phez ay peke.

Kinumpirma ni Marvin na deactivated na ang Facebook account ng lady official kaya mga pekeng account ang pinagpipistahan ngayon ng netizens.



Ayon pa kay Marvin ay maging maingat sana ang mga netizens sa pag comment sa fake account ng tanod, sapagkat dito ay parang niloloko lang nila ang kanilang sarili.

Incidentally, nagsara noong March 31, ang Lugaw Pilipinas, ang tindahan na pinagkunan ni Marvin ng lugaw dahil natakot ang may-ari sa banta ng mga barangay tanod at mga pulis.

Ngunit kinabukasan,  April 1 muling nagbukas ang tindahan ng lugaw due to insistent public demand.
Dumami ang take-out at delivery orders sa tindahan ng lugaw at siya ang hinihiling ng mga kostumer na maghatid, pahayag pa ng Grab driver.

Nakatanggap din si Marvin ng alok na isang buwan na libreng supply ng lugaw para sa pamilya niya at chest bags para sa riders dahil sa kanyang paninindigan na essential food ang lugaw.

***

Source: PEP.ph











Source: News Keener

wokes
Mark Anthony Fernandez nagsalita na patungkol sa kontrobersyal isyu ng kanyang C0VID-19 vaccination
Nagsalita na ang aktor na si Mark Anthony Fernandez patungkol sa kanyang AstraZeneca C0VID-19 vaccine noong Marso 22 sa vaccination center ng Parañaque City.
Mark Anthony Fernandez / Photo credit: PEP

Umani ng batikos ang aktor mula sa mga netizens matapos ang kanyang vaccination dahil hindi naman ito medical frontliner.

Inakusahan si Mark na hindi sumunod at tumalon sa pila dahil hindi raw siya kasama sa mga prioridad na mabakunahan.

Kamakailan ay ipinagtanggol na siya ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez at sinabing nasa listahan ng substitute at priority list si Mark dahil mayroon umano itong comorbidities na depression at hypertension.

Maging ang chief ng Parañaque City Public Information Office na si Mar Jimenez ay nagsabing naghintay ng matagal sa pila ang aktor bago ito mabigyan ng tirang bakuna.

Piniling manahimik ni Mark sa kasagsagan ng isyu ngunit ngayong Biyernes Santo, Abril 2 ay naglabas na ng kanyang pahayag ang aktor.
Mark Anthony Fernandez / Photo credit: PEP
Mark Anthony Fernandez / Photo credit: PEP

Ayon sa PEP, gusto na raw magsalita ni Mark upang malaman ng publiko ang katotohanan at para hindi na raw madamay ang mga inosenteng tao.

Aniya, "Itong official statement ko para hindi nami-mislead ang mga tao kasi yung iba, sila ang napapahamak because of me.”

"Para hindi na sila mahirapan na magpaliwanag, ito ang official statement ko. Unang-una, nasa substitute list ako.”
Mark Anthony Fernandez / Photo credit to the owner
Mark Anthony Fernandez / Photo credit to the owner

"Pangalawa, kapag yung gamot, inilabas, mapapanis kapag hindi ginamit at since nasa substitute list ako, automatic, ako ang bibigyan.”

"Number 3, ako ang 'virtue' sa nangyari. Ang buhay ng tao ang nakasalalay dito, ang buhay ko ang nakasalalay."

Nakiusap rin si Mark na sana raw ay tigilan na ang pambabatikos sa kanya.

"Wala naman masama na alagaan ko ang sarili at ang health ko. Yun ang importante na word, buhay ang nakasalalay. May masama ba sa pag-aalaga sa sarili?”

"Huwag niyo naman gawin na masama ang isang mabuting bagay. Sana ayusin nila ang pagiging malisyoso,” sabi ni Mark.


***
Source: PEP

Source: News Keener

wokes Friday, April 2, 2021
Seo Services