Muling isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang ilang lungsod sa Pilipinas dahil sa pagtaas ng bilang ng mga nagpositibo sa C0vid-19.
Dahil dito ay ipinatupad rin ang mas maagang curfew (6pm-5am) upang maiwasan ang pagkalat ng nasabing sakit.
Samantala, padami ng padami ang napapabalitang opisyal ng mga barangay na hindi alam o walang alam sa ipinapatupad na guidelines ng gobyerno.
Ang ilan sa mga barangay opisyal lalo na ang mga barangay tanod ay mayayabang rin at abusado sa kanilang tungkulin.
Katulad na lamang ng isang netizen na mula sa Parañaque City ang hinuli at tinikitan matapos niyang ihatid ang misis sa trabaho.
Sa Facebook post ni VonVon Mabulay, ihahatid niya ang kanyang misis na papasok sa trabaho dahil wala naman itong masasakyan.
9pm ang pasok ng misis ni Vonvon. Aniya, kumpleto naman ang kanilang papeles at maging marriage certificate ay mayroon din silang dala.
Sa kabila nito ay hindi pa rin pinatawad si Vonvon at tuluyang tinikitan ang kawawang netizen.
Dagdag pa niya, ilang araw na raw niyang inihahatid ang kanyang misis at wala namang sumisita sa kanila.
Labis ang panghihinayang ni Vonvon dahil imbes na pambili na lamang ng gatas ng kanyang anak ay ipambabayad niya pa sa ticket.
Narito ang kanyang buong post:
"Si lord na bahala sainyo. ihahatid ko lang misis ko kumpleto na nga papel namin marriage cert tsaka company id. biglaang huli lang kayo eh. Wala ngang masakyan ng gabi saan sasakay to 9pm pasok neto. ilang araw na ako naghahatid wala naman sumisita ngaun lang. wala pang warning hays gatas na bayad pa sa ticket .mabuhay kayo hangat gusto niyo !!
Strong barangay tlga."
Narito naman ang ilang komento ng mga netizens:
***
Source: Vonvon Mabulay | Facebook
Source: News Keener
No comments