Alitan ng naka-bisikleta at nakakotse, viral sa social media
Viral ngayon sa social media ang video kung saan makikita ang pagtatalo ng mga lalaki sa gilid ng kalsada.
Photo credit: Mark Jandy J. Ortillana

Mapapanood sa video ang dalawang lalaki na pinipigilan makaalis at hinaharangan ang daanan ng lalaking naka-bisikleta.

Base sa video, nagkagirian marahil sa kalsada ang naka-bisikleta at ang lalaking naka-kotse.

Ayon sa video uploader na si Mark Jandy J. Ortillana, muntik ng madisgrasya ang naka-bisikleta, ngunit dahil ayaw na nito ng gulo ay gusto na lamang niyang umalis.

(Biker): Parang kayo pa po ang  na Agrabyado! eh ako na nga tong muntik madisgrasya.”



Ani Mark, masyado raw minamaliit ng naka-kotse ang lalaking nakabisikleta.

Aniya, ipinost niya ang video upang makita kung papaano apakan ng mga mayayaman ang mga taong mahirap.

Dagdag pa niya, hindi raw dapat tinotolerate ang mga ganitong pangyayari dahil kapag binalewala ay mauulit at mauulit lang din.

Sa ngayon ay mayroon ng 3.3k reactions, 5.3k comments at 6.7k shares ang nasabing post.

Panoorin ang video sa ibaba:


Narito ang kanyang buong post ni Mark:

"BIKER V.S MAYAMAN NA NAKA KOTSE"

(Biker): Parang kayo pa po ang  na Agrabyado! eh ako na nga tong muntik madisgrasya.

(Mamang naka Kotse): Bakit ? Mahal ba yang Bike mo ? at biglang sabi sa bikers na pag ma disgrasya ka ipapa Hospital kita,Kaya kitang ipagamot. Eh pag nagasgasan mo sasakyan ko may pambayad kaba ?

"Parang mas gusto pa nung  matandang mayaman  na may ma disgrasya kesa magasgasan sasakyan nya".

At may isa pang naka puti ang sumali sa eksena na pilit hinihila ang bisekleta nung lalaking biker. 

Swinerte na sa buhay nakuha pang mang api ng ordinaryong tao 


kayo na bahala humusga! Madami dami na kasing pangyayaring ganito purket mayaman basic nalang sa kanila umapak ng tao.

PINOST KOTO PARA MAGING PATAS ANG LAHAT PARA HINDI MA TOLERATE YUNG GANTONG PANG YAYARI. 

PAG BINABALEWALA LANG YUNG GANTONG  PANGYAYARI MAUULIT AT MAUULIT LANG DIN KASI."

Narito naman ang video ng lalaking naka-bisikleta:

Narito ang ilang komento ng mga netizens:







***

Source: News Keener

wokes Wednesday, February 3, 2021
Huli sa CCTV! Matapos tulungan ng kanyang misis na makapag-abroad. Mister, nakuha pang magtaksil!
Lahat ng magulang ay walang ibang nais kundi mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak. Kaya naman kahit dumating pa sa punto na magkalayo o mangibang bansa ang isang magulang para lang kumita ng mas malaking halaga ay gagawin nito.

Pero taliwas sa nasabi ang nangyari sa sa mag-asawang sina John Carl at Christalyn.
Imahe mula huffingtenpost.com

Dumulog sa tanggapan ng Raffy Tulfo in Action si Christalyn Jambaro upang manghingi ng tulong laban sa ginawa ng kanyang asawa.

Ayon kay Christalyn, buong pusong tinulungan at sinuportahan ng kanyang pamilya at kamag-anak ang pangingibang bansa ng kanyang asawa na si John Carl upang mabigyan ng magandang buhay at kinabukasan ang kanilang mga anak.

Imahe mula huffingtenpost.com


Imahe mula huffingtenpost.com

Tinulungan makapag aral at makapunta ng Australia si Carl. Nang makatapos ito ay kaagad nakapasok ng trabaho sa tulong pa rin ng tiyahin ni Christalyn na may sariling restaurant sa nasabing bansa. 

Ngunit hindi nila akalain na ito ang magiging dahilan ng pagkasira ng kanilang pamilya. Ang dapat sanang simula ng pagtupad ng kanilang mga pangarap ay nauwi sa tanggapan ni idol Raffy.

Imahe mula huffingtenpost.com

Tila nabaliwala ang 11 taong pagiging kasanl ng mag asawa nang maaktuhan sa CCTV ang pagtataksil ni John Carl kay Christalyn.

Huling huli sa CCTV footage ang pag lalabing labing at ilang beses na paghalik ng lalaki sa nasabing kalaguyo nito sa mismong restaurant ng tiyahin ni Christalyn.

Imahe mula huffingtenpost.com

Ilang beses sinubukang tawagan ni Christalyn ang asawa para kausapin ngunit bigo ito at sa huli ay nakatanggap na lang ng text message mula kay John Carl na nagsasabing "pabayaan mo na lang ako"

Lingid sa kaniyang kaalaman na bukod sa nakitang eksena sa CCTV ay napabalitang nagli live-in na ang dalawang ito. Ito ay matapos tanggalin sa trabaho ng tiyahin ni Christalyn ang kanyang mister at babae nito.

Imahe mula huffingtenpost.com

Imahe mula huffingtenpost.com

Sa kanyang interview, tinawag ni Christalyn na walang awa at walang utang na loob ang kaniyang mister dahil sa ginawa at pagpili sa kanyang kabet bukod sa kaniyang sarilling pamiya.

Kaya't hiling niya sa tanggapan ay matulungan siyan na ipa-deport ang dalawa.

Imahe mula Raffy Tulfo in Action | YouTube


Ayon kay ginoong Raffy Tulfo, maaaring niya itong tulungan maipa-deport ang kanyang mister dahil sa ginawa nitong pagtataksil.

Imahe mula huffingtenpost.com

Isang abogado naman sa programa ang nagsabing, dahil sa mga nakalap na mga ebidensya ay, maaari din iclaim ni misis na ginamit lang siya ng kanyang asawa upang makaginhawa sa buhay para macancel ang Visa application nito.

Paulit ulit tinawagan ng programa ang mister upang makuha ang pahayag nito ngunit bigo sila. Pero tila buo na ang desisyon ni Christalyn upang mapa-deport ang dalawa dahl sa ginawa nito di lang kanya pati na rin sa kanilang mga anak.

Narito ang kabuuang YouTube video ng episode ng programa:

MR. NA PINAARAL NI MRS. SA ABROAD, TIKLO SA CCTV SA PAMBUBULAKBOL SA KAB*T!

Sa ikalawang parte ng programa tampok ang kwento ito, pinakita nila ang pagalalay kay Christalyn upang magawan ng karampatang aksyon ang nangyari  sa kanya. Samantala, ay wala pa ring nakuhang pahayag mula kay John Carl sa muling pagsubok na matawagan ito.

Source: huffingtenpost.com

Source: News Keener

wokes
Misis na may 6 na anak, nag-OFW dahil iniwan at ipinagpalit sa iba ng mister. Losyang? "no more"
Hindi lingid sa ating kaalaman na ang pag tatrabaho sa ibang bansa ay isang malaking sakripisyo. Mula sa pag-iwan sa mga mahal sa buhay, pag aadjust mula sa buhay na nakasanayan at pakikisama sa mga ibang lahi.

Pero lahat ng ito ay tinitiis nila, mabigyan lamang ng magandang buhay ang kani-kanilang mga pamilya.
Imahe mula huffingtenpost.com

Tampok ang isang kwentong ibinahagi ng isang OFW, maraming netizens ang namangha at bumilib sa determinasyon nito.

Kilalanin si MIchelle Valenzuela, na naglahad ng kanyang karanasan na kamakailan ay kaagad din nag viral sa social media. Bukod kasi sa pagtatrabaho sa ibang bansa ay may mapait na karanasan din si Michelle bago lisanin ang bansang Pilipinas.
Imahe mula huffingtenpost.com

Mula sa larawan na kanyang ibinahagi, ay kitang kita ang malaking pagbabago sa kanyang hitsura ngayon. Halos hindi na maikumpara ang ginang sa lumang litrato nito.

Kwento niya, dahil sa sobrang busy sa pag aasikaso ng kanyang 6 na anak habang siya ay nagdadalang tao ay hindi na niya nagawang makapag ayos pa at maalagaan ang kanyang sarili.
Imahe mula huffingtenpost.com

Ayon pa sa kanya, habang siya ay nasa ganung sitwasyon ay nakakaranas pa ng pisikal na pananakit at pambubugbog si Michelle sa kamay ng kanyang mister. Ngunit hindi lamang iyon, nagdadala pa aniya ng babae ang kanyang mister sa kanilang mismong pamamahay.

Hindi nagtagal ay pinalayas na ng lalaki si Michelle kasama ng kaniyang mga anak kaya nagdesisyon na lang ito na manirahan muna sa kanyang ina.

Narito ang pagbabahagi niya ng kanyang karanasan sa social media:

Imahe mula huffingtenpost.com

Imahe mula huffingtenpost.com

Makalipas ang ilang buwan, kahit napakahirap at labag sa loob niya na maiwanan ang kanyang mga supling ay nagpasiya si Michelle na mangibang bansa bilang OFW upang maitaguyod ang kanyang anim na anak.
Imahe mula huffingtenpost.com

Ngunit hindi naging madali para kay Michelle ang pagiging OFW. Muli siyang nakaranas ng pagmamaltrato mula naman sa kaniyang amo. Pero nagpursige pa rin si Michelle sa pag tatrabaho. Dahil sa sipag, kalaunan ay naging maayos na ang trato sa kanya ng kanyang amo.
Imahe mula huffingtenpost.com

Mula noon ay unti-unti ng bumalik ang kumpiyansa sa sarili at lakas ng loob ni Michelle. Patuloy narin naging maayos ang kaniyang buhay pati na rin ng kaniyang mga anak.

Sa muli niyang pagbangon ay tila ibang Michelle na ang humaharap sa kanya sa salamin araw-araw.
Imahe mula huffingtenpost.com

Imahe mula huffingtenpost.com

Nabalitaan niya din na naghiwalay na ang kanyang dating mister at kinakasama nito ngunit hindi na ito nakaapekto pa sa pagbabagong buhay ni Michelle.

Narito naman ang ilang mga komento ng mga netizens patungkol sa buhay ni Michelle:





Imahe mula huffingtenpost.com

Tunay na kahanga-hanga ang ipinamalas na determinasyon at pagmamahal sa kanyang mga anak sa kwentong ito. Nawa'y magpatuloy sa pagiging maayos ang kanilang pamumuhay ng sa ganun ay tuluyan na nilang makalimutan ang mapait na nilang karanasan.

Source: huffingtenpost.com

Source: News Keener

wokes Tuesday, February 2, 2021
Ama na napagkakalamang magnanakaw, walang mahanap na trabaho at maupahang bahay
Hindi natin maitatanggi na minsan ay nahuhusgahan natin ang ibang tao base sa kanilang panlabas na itsura.
Photo credit: Denso Tambyahero / Youtube 

Madalas ay nahuhusgahan ang mga taong kapos sa buhay kahit na wala naman silang ginagawang masama. Ito ang nakakalungkot na realidad sa ating mundo.

Isa sa mga halimbawa nito ay ang lalaking nakausap ng vlogger na si Denso Tambyahero.

Sa video ni Denso ay mapapanood ang isang lalaki kasama ang dalawa nitong anak habang kumakain sa gilid ng kalsada.

Kinilala ang lalaki na si kuya Johnny at mga anak nitong sina Jeremy, 6-anyos at Diana, 4-anyos. Nabubuhay sila sa pangangalakal.
Diana / Photo credit: Denso Tambyahero / Youtube
Jeremy / Photo credit: Denso Tambyahero / Youtube

Natanong sa kanya ni Denso kung saan sila natutulog na mag-aama kung sakaling umuulan.

Ani kuya Johnny, sa may 7-11 raw sila natutulog kasama ang ibang mangangalakal.

Tabi-tabi kami dun ng mga kapwa ko mangangalakal.”

Ayon kay kuya Johnny, hiwalay na sila ng kanyang asawa dahil sumama raw ito sa ibang lalaki at naiwan sa kanya ang dalawa nilang anak.

Aalagaan ko na lang ng maigi at pag-aaralin ko mga yan eh,” sabi ni kuya Johnny.
 Photo credit: Denso Tambyahero / Youtube
Photo credit: Denso Tambyahero / Youtube

Kasi ako grade 4 lang ako. Makatapos man lang kahit high school man lang tong mga to,” dagdag niya.

Bilib ako sayo kuya kasi nairaraos mo ang mga anak mo. Ang importante kahit mahirap ang buhay basta huwag tayong gumawa ng masama,” sabi ni Denso.

Takot na takot po ako diyan sir,” sabi ni kuya Johnny.

Minsan nga natutulog kami dun sa tapat ng bahay pinapagalitan kami. Baka daw may mawala magnanakaw daw kami,” kwento niya.
Photo credit: Denso Tambyahero / Youtube
Photo credit: Denso Tambyahero / Youtube

Aniya, hindi niya magagawa ang magnakaw lalo na’t kasama niya ang kanyang mga anak.

Sagot ni Denso, “wag tayong mawalan ng pag-asa.”

Masaya pa nga ako sir, kahit papano nawawala ang pagod ko pag kasama ko mga anak ko,” sabi ni kuya Johnny.

Kahit ganito lang kami, masaya kami walang problema,” dagdag nito.

Nakwento rin ni kuya na ilang beses na silang kinukuha ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngunit ayaw niyang sumama.

Aniya, “Ma’am hindi naman po ako magnanakaw, kaya ko naman pong alagaan ang mga anak ko,” kwento niya.

Naranasan na raw ni kuya Johnny ang buhay sa DSWD, aniya, hindi raw sila nakakakain ng gusto nila dahil laging rasyon lamang ang ibinibigay.

Mas okay pa raw ang nasa kalye sila dahil kung kumita man siya ng pera ay mabibili niya ang gustong pagkain ng mga anak.

“Pag kumita ako ng isang daan o ninety binibilhan ko ng gusto nilang pagkain. Tulad ng manok.”

“Hindi mo matitikman ang sarap nang nasa labas kaysa dun sa loob.”

Nakwento rin ni kuya Johnny na gusto sana raw niyang magrenta ng bahay na matitirhan. Kaso wala raw nagtitiwala sa kanya.

Wala naman po nagtitiwala sa akin. Kasi tignan mo naman daw itsura ko. Mukha raw akong balasubas, magnanakaw. Naiiyak na nga lang ako sa tabi sir eh,” mangiyak ngiyak na kwento ni kuya Johnny.
Photo credit: Denso Tambyahero / Youtube

Basta ang importante panindigan mo yung sinabi mo huwag kang gumawa ng masama, maging mabuting tao ka. Sa mga anak mo ipakita mo sa kanila, turuan mo sila maging mabuting tao para pag lumaki sila magiging mabuting silang tao,” payo ni Denso.

Dahil napabilib si Denso kay kuya Johnny, binigyan niya ito ng perang pambili ng kanilang pagkain, laruan at damit para sa kanyang mga anak.
Photo credit: Denso Tambyahero / Youtube

Photo credit: Denso Tambyahero / Youtube

Bilib ako sayo dahil mahal mo yung mga anak mo. Mayroon akong konting regalo sayo. Gusto ko bilhan mo sila ng damit o kaya laruan,” sabi ni Denso.

Nagbigay din ng payo si Denso kay kuya upang huwag itong mawalan ng pag-asa.

Kahit mahirap lang po tayo huwag po tayong mawawalan ng pag-asa kasi yung pagiging mahirap natural lang po yan, kasama sa buhay yan. Hindi naman pwedeng lahat mayaman hindi naman pwede lahat mahirap. Ginawa talaga ng Diyos yan. Basta importante nakakaraos kayo araw-araw,” payo ni Denso.

Kung nakakakain ka pa sa loob ng isang araw, tatlong beses basta importante hindi tayo nagugutom ibig sabihin mahal pa rin po kayo ng Panginoon,” dagdag niya.
Photo credit: Denso Tambyahero / Youtube

Maraming salamat po sa inyo sir,” sabi ni kuya Johnny.

Panoorin ang buong video sa ibaba:


***

Source: News Keener

wokes
Bakit sa mismong kasal pa? Isang hindi inaasahang pangyayari para sa dapat ay napakasayang okasyon.
Isa sa mga pinakaabangan at pinaghahandaang okasyon sa ating mga pinoy ang kasalan. Ang pagbubuklod at pag iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan na isang beses lang dadating sa ating mga buhay.

Ngunit paano na lang kung ang pinaka hindi malilimutang tagpong ito ay mauwi sa pinaka masakit na karanasan?

Imahe mula huffingtenpost.com

Wala ng mas sasakit pa sa nangyari sa kasalan ng dalawang pusong nagiibigan, nang sa kalagitnaan ng seremonya ay binawian ng buhay ang isa sa kanila.
Imahe mula huffingtenpost.com

Ang dalawa ay kinilalang sina Victor Milano at Marjorie Calizar, ikinasal sa isang simbahan sa Tiaong, Quezon province. Gaya ng nasabi, ang dapat ay masayang pagtitipon para sa magkasintahan ay naging masalimuot na kahapon.
Imahe mula huffingtenpost.com

Imahe mula huffingtenpost.com

Hindi makakailang napakahirap tanggapin para sa nobyo ng babae, na ito ay namayapa sa gitna mismo ng kanilang kasalan. Ang babae ay napag alamang nilalabanan ang malubhang sakit na c@nser mula pa noong isinasagawa ang mga preparasyon para sa kanilang kasal.
Imahe mula huffingtenpost.com

Imahe mula huffingtenpost.com

Ang kwentong ito ay hango sa post sa social media ng kanilang mga kaibigan kasama ng ilang larawan at bidyo na talaga namang ikinalungkot ng nakararami.
Imahe mula huffingtenpost.com

Kasama sa kanilang kasal ang mga nangangalaga sa may sakit upang maging gabay at suporta, ngunit tila hinintay lang ng babae ang araw ng kanilang kasal bago tuluyang magpaalam.
Imahe mula huffingtenpost.com

Maraming netizens ang nagpakita ng simpatiya at umani ng maraming komento at reksyon ang kwentong ito. Ayon sa nakararami, ito ay isang pagpapatunay ng tunay na pagmamahal ni lalaki sa kaniyang nobya hanggang sa mga huling sandali nito.
Imahe mula huffingtenpost.com



Source: News Keener

wokes
Wire mula sa sirang strainer nakuha sa katawan ng isang bata
Minsan dahil sa pagtitipid ay ginagamit pa rin natin ang ilang kagamitan na maaaring pakinabangan pa, basta gumagana o nagagamit ng maayos ay pwedeng pang pagtiyagaan.
Photo credit: Doctor Parenting

Ngunit ang hindi natin alam ay maaari tayong mapahamak dahil dito. 

Katulad na lamang ng isang bata mula sa bansang Vietnam kung saan muntik ng operahan matapos makita sa X-ray ang isang wire sa kanyang lalamunan.

Sa Facebook page na Doctor Parenting, makikita ang mga larawan ng isang batang nakahiga, ang X-ray nito at ang wire na natanggal sa kanyang katawan.
Photo credit: Doctor Parenting
Photo credit: Doctor Parenting

Ayon sa aming pananaliksik, ginamit umano ang isang strainer upang salain ang lugaw na ipinakain sa bata.

Makikita rin sa larawan na may sira na ang nasabing strainer. 

Matagumpay naman na natanggal ang maliit na wire sa lalamunan ng bata at sa ngayon ay mabuti na ang kalagayan nito.

This is going to say about another unfortunate incident that could happen due to net filter used in food preparation. This is a series of pictures from Vibol Srey. The X-ray photo can see how the wire is stuck,” ayon sa post.

“This was reported in Vietnam. Physicians have identified a part of a broken net filter wire stuck in the child's throat with food while preparing the child's food. Even a child's life should be lost with something like this. Be more careful when using these things while preparing food,” dagdag nito.


***

Source: News Keener

wokes Monday, February 1, 2021
Seo Services