Ama na napagkakalamang magnanakaw, walang mahanap na trabaho at maupahang bahay

Hindi natin maitatanggi na minsan ay nahuhusgahan natin ang ibang tao base sa kanilang panlabas na itsura.
Photo credit: Denso Tambyahero / Youtube 

Madalas ay nahuhusgahan ang mga taong kapos sa buhay kahit na wala naman silang ginagawang masama. Ito ang nakakalungkot na realidad sa ating mundo.

Isa sa mga halimbawa nito ay ang lalaking nakausap ng vlogger na si Denso Tambyahero.

Sa video ni Denso ay mapapanood ang isang lalaki kasama ang dalawa nitong anak habang kumakain sa gilid ng kalsada.

Kinilala ang lalaki na si kuya Johnny at mga anak nitong sina Jeremy, 6-anyos at Diana, 4-anyos. Nabubuhay sila sa pangangalakal.
Diana / Photo credit: Denso Tambyahero / Youtube
Jeremy / Photo credit: Denso Tambyahero / Youtube

Natanong sa kanya ni Denso kung saan sila natutulog na mag-aama kung sakaling umuulan.

Ani kuya Johnny, sa may 7-11 raw sila natutulog kasama ang ibang mangangalakal.

Tabi-tabi kami dun ng mga kapwa ko mangangalakal.”

Ayon kay kuya Johnny, hiwalay na sila ng kanyang asawa dahil sumama raw ito sa ibang lalaki at naiwan sa kanya ang dalawa nilang anak.

Aalagaan ko na lang ng maigi at pag-aaralin ko mga yan eh,” sabi ni kuya Johnny.
 Photo credit: Denso Tambyahero / Youtube
Photo credit: Denso Tambyahero / Youtube

Kasi ako grade 4 lang ako. Makatapos man lang kahit high school man lang tong mga to,” dagdag niya.

Bilib ako sayo kuya kasi nairaraos mo ang mga anak mo. Ang importante kahit mahirap ang buhay basta huwag tayong gumawa ng masama,” sabi ni Denso.

Takot na takot po ako diyan sir,” sabi ni kuya Johnny.

Minsan nga natutulog kami dun sa tapat ng bahay pinapagalitan kami. Baka daw may mawala magnanakaw daw kami,” kwento niya.
Photo credit: Denso Tambyahero / Youtube
Photo credit: Denso Tambyahero / Youtube

Aniya, hindi niya magagawa ang magnakaw lalo na’t kasama niya ang kanyang mga anak.

Sagot ni Denso, “wag tayong mawalan ng pag-asa.”

Masaya pa nga ako sir, kahit papano nawawala ang pagod ko pag kasama ko mga anak ko,” sabi ni kuya Johnny.

Kahit ganito lang kami, masaya kami walang problema,” dagdag nito.

Nakwento rin ni kuya na ilang beses na silang kinukuha ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngunit ayaw niyang sumama.

Aniya, “Ma’am hindi naman po ako magnanakaw, kaya ko naman pong alagaan ang mga anak ko,” kwento niya.

Naranasan na raw ni kuya Johnny ang buhay sa DSWD, aniya, hindi raw sila nakakakain ng gusto nila dahil laging rasyon lamang ang ibinibigay.

Mas okay pa raw ang nasa kalye sila dahil kung kumita man siya ng pera ay mabibili niya ang gustong pagkain ng mga anak.

“Pag kumita ako ng isang daan o ninety binibilhan ko ng gusto nilang pagkain. Tulad ng manok.”

“Hindi mo matitikman ang sarap nang nasa labas kaysa dun sa loob.”

Nakwento rin ni kuya Johnny na gusto sana raw niyang magrenta ng bahay na matitirhan. Kaso wala raw nagtitiwala sa kanya.

Wala naman po nagtitiwala sa akin. Kasi tignan mo naman daw itsura ko. Mukha raw akong balasubas, magnanakaw. Naiiyak na nga lang ako sa tabi sir eh,” mangiyak ngiyak na kwento ni kuya Johnny.
Photo credit: Denso Tambyahero / Youtube

Basta ang importante panindigan mo yung sinabi mo huwag kang gumawa ng masama, maging mabuting tao ka. Sa mga anak mo ipakita mo sa kanila, turuan mo sila maging mabuting tao para pag lumaki sila magiging mabuting silang tao,” payo ni Denso.

Dahil napabilib si Denso kay kuya Johnny, binigyan niya ito ng perang pambili ng kanilang pagkain, laruan at damit para sa kanyang mga anak.
Photo credit: Denso Tambyahero / Youtube

Photo credit: Denso Tambyahero / Youtube

Bilib ako sayo dahil mahal mo yung mga anak mo. Mayroon akong konting regalo sayo. Gusto ko bilhan mo sila ng damit o kaya laruan,” sabi ni Denso.

Nagbigay din ng payo si Denso kay kuya upang huwag itong mawalan ng pag-asa.

Kahit mahirap lang po tayo huwag po tayong mawawalan ng pag-asa kasi yung pagiging mahirap natural lang po yan, kasama sa buhay yan. Hindi naman pwedeng lahat mayaman hindi naman pwede lahat mahirap. Ginawa talaga ng Diyos yan. Basta importante nakakaraos kayo araw-araw,” payo ni Denso.

Kung nakakakain ka pa sa loob ng isang araw, tatlong beses basta importante hindi tayo nagugutom ibig sabihin mahal pa rin po kayo ng Panginoon,” dagdag niya.
Photo credit: Denso Tambyahero / Youtube

Maraming salamat po sa inyo sir,” sabi ni kuya Johnny.

Panoorin ang buong video sa ibaba:


***

Source: News Keener

No comments

Seo Services