Mga Turista, Dumagsa Sa Isang Resort Sa Bulacan. Social Distancing, Hindi Na Nasunod

Hanggang ngayon, tayo ay namumuhay pa din sa ilalim ng new normal at mayroon pa ding mga health protocols o iba pang alituntunin na dapat sundin para maiwasan ang pagkalat ng sakit na C0VID-I9 sa bansa. Ngunit, tila ito ay nakalimutan na ng mga turista sa isang resort sa Dona Remedios Trinidad (DRT) sa Bulacan.

Sa socmed post ng netizen na si Dilen Desu, ibinahagi niya ang video ng daan-daang turista na pumunta sa Caribbean Waves Resort para maligo sa swimming pool.

Makikita sa nasabing video na hindi na nasunod ng mga tao ang social distancing o physical distancing. Wala ding makikita na isa sa kanila ang nakasuot ng face mask.


Ayon pa sa netizen, may mga hindi pa daw nakapaso sa naturang resort at naghihintay lamang sa labas. Nagbiro pa si Dilen na tila daw na nasa normal na ngayon ang kalagayan ng bansa dahil sa kaniyang nasaksihan na pangyayari sa loob ng resort.

Sinabi ni Dilen na pinili na lamang niyang manood sa mga taong enjoy na enjoy sa pagtatampisaw sa swimming pool imbis na makisama pa siya sa mga ito.



Ang nasabing video ay umabot na sa mahigit na 1,000 shares sa socmed. Marami naman sa ating mga netizens ang hindi mapigilan na mag alala sa dami ng tao sa naturang resort dahil sa nagkakadikit dikit na sila.

Ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque III sa isang panayam noon, ligtas naman daw ang mga tao na maligo sa swimming pool kung ito ay mayroong sapat na chlorine.

Makikita naman kulay asul, mayaman iyon sa chlorine; kung kulay berde, malabo huwag po kayong magsu-swimming.

Gayunpaman, marami pa din ang nangamba para sa kapakanan ng mga taong dumagsa sa nasabing resort.

Sa ngayon ay wala pa namang inilalabas na pahayag ang LGU ng Dona Remedios Trinidad, IATF at ang nasabing resort.


Source: The Relatable

wokes Thursday, October 15, 2020
Dahil Ayaw Lumabas Sa Bahay Ng Kabit, Misis Sinunog Diumano Ang Motor Ni Mister

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang buhay may asawa ay sadyang maraming pinagdadaana. Mapa-pinansyal, emosyonal at kung ano ano pa. May ilan na sa mag asawa na ang problema ay nangangaliwa. Nag sawa ba o sadyang naiinip na?

Isa sa kumalat kamakailan sa socmed ang pangayayri na sangkot ang diumano'y isang mister na nahuli mismo ng kanyang misis na nasa bahay ng kabit nito.

Kung ikaw ba naman ang legal, sino ang hindi magwawala matapos mong malaman na nasa bahay ng kabit ang iyong mister?

Dahil nga sa halong emosyon sa hindi pag labas ni mister sa bahay ng kabit nito ay walang ibang ganti ang nakuha nito sa kanyang misis. Kung saan ang kanyang motor na naka park sa labas ng bahay ng kanyang kabit ay sinunog ng misis nito.

Sa post ng isang page sa Facebook na "Trending Viral" makikita ang litrato ng motor na nagliliyab.

"Isang rider ang huli ng misis niya sa bahay ng kabet nito at dahil ayaw lumabas ng rider at ni kabit sa loob ng bahay ito ang ginawa ni misis motor ni mister"

Kung ikaw ba naman ang sa kalagayan ni misis marahil puno na ito ng galit kaya nita itong na isipang gawin.

Merong netizens naman ang nag komento na sana daw sa bahay nalang pag usapan ang nasabing problema nilang mag asawa.


Source: The Relatable

wokes
Netizen, Hindi Makapaniwala Sa Ginawa Ng Mga Drivers Na To Sa Matandang Nagtitinda Ng Sorbetes

Sa kabila ng krisis at mga pagsubok na kinakaharap natin ngayon, nakakatuwa lamang isipin na mayroon pa ding mga taong mapagmalasakit sa kanilang kapwang nangangailangan o nahihirapan.

Katulad na lamang ng mga delivery rider na ito na hindi nagdalawang isip na tulungan ang isang matanda na matiyagang nalalako ng ice cream kahit umuulan.

Ayon sa socmed post ng netizen na si Patrick Mariano, nagliligpit daw siya sa kaniyang kwarto nang makita niya sa labas ng bahay nila ang isang delivery truck na biglang pumarada sa harap ng kanilang bahay.


Doon niya daw nakita na tumigil pala ang delivery truck para tulungan ang isang matanda na naglalako ng mga paninda niyang ice cream kahit na umuulan. Saad pa ni Patrick, inubos daw ng mga delivery rider ang paninda ni tatay para ito ay makauwi na at hindi na magkasakit pa dahil sumbrero at raincoat lamang ang suot ni tatay bilang proteksyon sa ulan.

Sa naturang post, pinasalamatan at sinaluduhan pa ni Patrick ang Shalom Organic Fertilizer na siyang tumulong kay tatay.

Samantala, marami naman sa ating mga netizens ang humanga at pumuri din sa ginawa ng mga delivery rider para kay tatay. Marami din sa mga netizens ang humanga kay tatay dahil sa kabila ng edad nito at sa sama ng panahon ay kumakayod at naghahanapbuhay pa din ito para kumita ng pera.

Hiling naman ng ilan na sana ay mayroon pang mabubuting tao na magbigay ng tulong kay tatay para hindi na ito maglako dahil delikado din ang panahon ngayon para sa kaniya.

Narito ang kabuuang pahayag ni Patrick:

"Faith in humanity restored.

Kanina habang nagliligapit ako sa kwarto, may nakita ako sa labas na delivery truck na biglang pumarada sa harap ng bahay namin.

Doon ko nakita na tinigilan pala nila si tatay na naglalako ng ice cream habang umuulan. Inubos na pala nila yung tinda ni tatay para makauwi na at hindi na magkasakit dahil raincoat lang at sumbrero ang suot na proteksyon sa ulan ni tatay."

Sa ngayon, umabot na sa mahigit na 39,000 reactions at 36,000 shares ang nasabing post.


Source: The Relatable

wokes
Hindi Na Naitago Pa Ng Estudyanteng Ito Ang Stress Sa Dami Ng Modules Na Sasagutan

Hindi na napigil ng estudyante na ito na ilabas ang kaniyang emosyon matapos niyang makita ang dami ng module na kailangan niyang sagutan dahil malapit na kaagad ang pasahan o deadline nito.

Sa isang video na ibinahagi ng netizen na si Claudine Julia Salazar Quilab sa kaniyang socmed account, makikita ang isang bata na umiiyak at tila hindi na napigilan na magreklamo sa kaniyang mga magulang dahil sa dami ng modules na kailangan niyang sagutan.

Dahil sa frustration at stress, inihagis na ng bata ang lapit na kaniyang hawak at patuloy na nagrereklamo sa kaniyang ama.

Ngunit, maririnig sa background ng video na hindi pumayag ang ama ng bata na siya ay tumigil sa pag-aaral. Saad pa ng ama ng bata na walang maidadagdag ang kaniyang pag-iyak sa kaniyang pagsagot.

"Kung umiyak ka, may maidagdag ba ito sa iyong mga sagot?"

Hanggang sa matapos ang video ay hindi pa din natatapos ang reklamo at paggalawa ng bata dahil sa hindi na niya alam ang gagawin niya para magkaroon siya ng pahinga na kaniyang hinihingi.



Ayon kay Claudine, kailangan tapusin ng bata ang 11 na subjects o modules kada linggo ngunit binibigyan naman nila ng tamang oras ng pahinga ang kanilang mga estudyante.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit na 10,000 reactions at 24,000 shares ang naturang video.

Samantala, hindi lamang ito ang kauna-unahang beses na mayroong nag-upload na nagrereklamo o nakikita na nilang nahihirapan ang kanilang mga anak sa pagsagot ng mga modules.

Sa ilalim ng new normal classes, kailangan ng mga estudyante na sagutan ang mga modules na ibinibigay sa kanila ng kanilang mga guro dahil nga hindi pa din maaaring magkaroon ng physical classes dahil hindi pa din normal ang sitwasyon ng bansa.

May ilang grupo na hindi sang-ayon sa desisyon ng Department of Education (DepEd) at hinihiling na sana ay isuspinde na lamang ang klase sa buong taon kaysa pilitin pang ito ay magpatuloy gayong marami ng nahihirapan na mga estudyante.


Source: The Relatable

wokes
Alden Richards, Nakitang Very Sweet Sa Maganda At Seksing Aktres Na Ito

Si Alden Richards ay isa sa mga itinuturing na pinakasikat at in-demand na actor ngayon sa Kapuso network. Siya ay nakilala sa kaniyang pagganap sa mga proyekto katulad ng Tween Hearts, One True Love, Carmela, The Road, Ilustrado, Imagine You and Me, Victor Magtanggol, Hello, Love, Goodbye, at The Gift.

Mas nakilala naman ng ma tao si Alden bilang parte ng kilalang love team na "AlDub" kasama si Maine Mendoza. Ngunit, makalipas ang ilang taon ay nagwakas na din ang kanlang love team.

Kamakailan lamang, kumalat sa socmed ang video at ilang larawan na ibinahagi ng isang netizen kung saan makikita na niyayakap ni Alden ang Kapuso actress na si Sanya Lopez.

Marami sa mga netizens ang naniniwala na ang larawan ay kuha mula sa rehearsal ng dalaw asa All-Out Sundays. Nasa harap pa nga nila si Mavy Legaspi ngunit hindi ito nakatingin sa kanilang dalawa.

Sa larawan, makikita na tila may sariling mundo ang dalawa at kahit pa man noong sila ay tumalikod na at nayari na ang rehearsal ay masaya pa din silang nag-uusap.


Sa caption naman ng nasabing post, marami sa mga taga-hanga at mga fans ang nagshi-ship sa dalawa ngunit ang desisyon pa din kung sino ang kanilang makakasama ay nasa kanilang mga kamay pa din.

Saad sa caption ng post,

"I posted this kasi Instagram ko to. Ok lang? At aminado akong kinikilig ako at ito yung nagpapasaya sakin. Yes im a shipper of @aldenrichards and @sanyalopez. Pero, wala akong sinirang relasyon dahil they're both SINGLE. We all Love Alden and Sanya."


Sa isang panayam, inamin ni Sanya Lopez na nahihiya man siyang aminin ngunit nais niya talagang makasama si Alden sa trabaho kung bibigyan man sila ng pagkakataon.

Nang tanungin kung sino ang kaniyang ideal guy, sinabi ni Sanya na si Alden dahil marespeto ito sa babae, magaling, mabait, nakakatawang kasama, at higit sa lahat grabe ang pagmamahal na mayroon si Alden sa kaniyang pamilya.

Dahil sa larawan, marami naman sa mga fans ang nag-iisip na si Alden at Sanya ay magkarelasyon o di kaya ay tinatago lamang nila ang relasyon nila sa publiko.Ă‚  Marami din sa mga netizens ang nagbigay ng iba't ibang reaksyon tungkol sa rumored couple.

May ilan na nagsasabi na ang dalawa ay hindi bagay sa isa't isa. Ngunit, may ilan din naman na pabor kay Sanya at Alden. Saad nila na ang ganda, kabaitan, at dedikasyon ni Sanya sa trabaho ay tamang tama lang para sa katulad ni Alden.

Nitong nakaraan lamang, naiulat na nakatanggap si Sanya ng mga bulaklak na galing umano sa isang "Mr. A."



Source: The Relatable

wokes Wednesday, October 14, 2020
Teenager Na Isang Programmer At Mahilig Sa Video Games, Magiging Kauna-Unahang Millenial Na Santo

Kapag iniisip ang mga banal na Romano Katoliko, ang imaheng madalas na pumapasok sa isip ng ta ay ang mga nakikita sa retablost ng simbahan, na may mga figure na beatific posture, flowing robes, at maliwanag na halos.

Ngunit, sa paglipas ng panahon, ang Simbahang Katoliko ay maaaring magkaroon ng isang tao na may suot na track suit jacket, maong, at isang pares ng sapatos. Maaaring siya ay isang computer whiz at savvy din sa socmed.

Siya ay walang iba kung hindi si Carlo Acutis, isang Italyo na nakatakdang ideklara o i-beatified sa Oktubre 10.

Inaaprubahan na din ni Pope Francis ang pagaayos dito noong Pebrero, na nag-ugnay ng isang himala na ginawa ni Acutis matapos nitong pagalingin ang isang batang lalaking taga-Brazil na nahihirapan sa isang bihirang sakit ng pancreas.

Bago ang seremonya, ang katawan ni Acutis ay ipinakita para sa pampublikong paggalang sa Church of Santa Maria Maggiore sa Assisi, Italy.


Sa pagbukas ng libingan, ang katawan ni Acutis ay nakita na nakasuot ng isang simpleng track jacket, maong, at sneaker - ang kaniyang suot ay nakakilala na sa kanya dahil ito na ang nakasanayan niya nang siya ay nabubuhay.

Gayunpaman, nilinaw ng mga opisyal ng simbahan na ang bangkay ni Acutis ay "not incorrupt."

Sa misa kasunot ng pagbubukas ng libingan, sinabi ni Archbishop Domenico Sorrentino ng Assisi na ang katawan ni Acutis ay muling binuo ng sining at pagmamahal.

Saad ni archbishop,

"Today we see him again in his mortal body. A body that has passed, in the years of burial in Assisi, through the normal process of decay, which is the legacy of the human condition after sin has removed it from God, the source of life. But this mortal body is destined for resurrection."

Ang katawan naman ng binata ay itinakdang ipakita sa publiko hanggang Oktubre 17.

Si Acutis ay lumaki sa Milan. Siya ay nam@tay noong siya ay 15-taong-gulang pa lamang dahil sa leukem1a noong 2006. Sa murang edad pa lamang, si Acutis ay mayroon ng malalim na pagmamahal sa Panginoon at sa mga mahihirap na tao.


Bago m@matay si Acutis, sinabi niya na ihahandog niya ang kaniyang mga paghihirap sa Simbahan at sa Pope

"I am happy to die because I lived my life without wasting even a minute of it on anything unpleasing to God."

Sa Simbahang Katoliko, ang beautification ay kinikilala na ang tagasunod na n@matay ay nabuhay ng isang banal na buhay. Sa mga kaso ng mga martir, ito ay isang deklarasyon na ang tapat na naglilingkod ay talagang namatay para sa Pananampalataya. Ang mga beautification ay tinatawag din na "pinagpala" o "beatus" at ngayon ay bukas na para sa paggalang, kahit na hindi sa buong pandaigdigang Simbahan.

Pagkatapos nito, nagsisimula ang canonization, na karaniwang nangangailangan ng dalawang himala na maiugnay sa pinagpala. Matapos ang masusing pagsisiyasat at pag-aaral, idineklara ng pope na may pagtatapos na ang indibidwal ay isang banal at dapat igalang ng buong Iglesya.

Sa murang edad, si Acutis ay nagpapakita na umano ng isang espesyal na ugnayan sa Diyos. Pumupunta siya sa misa araw-araw at madalas na ginugugol ang maraming oras bago ang tabernakulo, na sinasamba ang Mahal na Sakramento. Mayroon din siyang isang espesyal na debosyon kay Maria, na madalas na nagdarasal ng rosaryo. Tinitiyak din niya na ipagtatapat niya ang mga nagawa niya kada linggo.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, siya pa rin ay isang tipikal na batang lalaki sa kanyang edad. Sinabi ng kanyang ina na gusto niya ang paglalaro ng mga video game, football, at makasama ang mga kaibigan at mag-aral sa paaralan.


Nabanggit sa kanyang opisyal na talambuhay kung paano siya itinuring na henyo ng kanyang mga kasamahan at mga matatanda na may degree sa computer engineering. Nagkaroon din siya ng interes sa pag-edit ng pelikula, at pag-edit at layout ng komiks.

Sa tulong ng kaniyang talento, nakagawa siya ng isang website na nag-catalog sa mga Eucharistic miracles sa buong mundo.

Sa isang panayam sa EWTN, sinabi ni Antonia Salzano na ang kaniyang anak ay ginagamit ang internet at socmed bilang "influencer for God". Hiniling niya din na sana maturuan ng kaniyang anak ang mga kabataan ngayon kung paano nga ba gamitin ang teknolohiyaĂ‚  sa magandang paraan.

Ani Salzano,

"Because he understood that they were potentially very harmful, very dangerous, he wanted to be the master of these means, not a slave."

Binati ni Pope Francis si Acutis at binanggit siya sa kanyang apolostolic exhortation na "Christus Vivit" (Christ Lives). Ito ang mensahe ng Pope sa mga kabataan, at doon pinuri niya kung paano gumamit ng teknolohiya ang batang Italyano upang maikalat ang ebanghelyo, at maipaabot ang mga pagpapahalaga at kagandahan.

Saad ni Pope Francis,

"Carlo was well aware that the whole apparatus of communications, advertising and social networking can be used to lull us, to make us addicted to consumerism and buying the latest thing on the market, obsessed with our free time, caught up in negativity."

"Carlo didn’t fall into the trap. He saw that many young people, wanting to be different, really end up being like everyone else, running after whatever the powerful set before them with the mechanisms of consumerism and distraction."


Source: The Relatable

wokes Sunday, October 11, 2020
Vlogger Donnalyn Bartolome, Nababahala Sa Prediksyon Ni Rudy Baldwin

Kamakailan marami ang nalungkot, nagulat, at nagdadalamhati tungkol sa di inaakalang pagpanaw ng isang masayahin at sikat na vlogger na si Lloyd Cafe Cadena.

Si Lloyd ay walang ibang hinangad kung hindi mag pasaya at tumulong sa kanyang kapwa. Kaya naman, marami ang nalungkot dahil sa kanyang pagpanaw.

Nagulat naman at natakot ang isang vlogger na si Donnalyn Bartolome ang pa tungkol sa prediction ni Rduy Baldwin, isang psychic.


Tungkol sa naging vision ni Rudy, possible daw na nakita niya nito ang isang pangyayari kung saan dalawang vlogger daw ang mamamatay, possible bang isa nga si Lloyd dito?

Ayon sa post ni Rudy taong 2019,kanyang sinabi na mayroon daw dalawang ang siyang mamatay dahil sa cardiac arrest pati na rin ang pagka aksidente ng isa.

Possible nga bang si Lloyd ito? Nakakatakot, ngunit wala tayong ibang gawin kung hindi alagaan ang kalusugan at wag kalimutang magdasal. 

Kaya naman sa isang kadahilanan dumulog si Donnalyn kay Rudy kaugnay sa naging vision nito taong 2019. Kung saan ayun sa kanyang post:

"ISANG MAGANDANG VLOGGER DIN MAGKAROON ITO NG AKSIDENTE NAKAKALUNGKOT BUHAY SYA KASO MATINDI ANG INJURED NA DINANAS NYA KUMBAGA ANDYAN DALA DALA NYA ANG BAKAT NG TRAHEDYA .KAILANGAN MAGING MAINGAT TAYO SA BAWAT GALAW NATIN AT HUWAG MAKALIMOT NA PALGING MAGDASAL LANG."


Source: The Relatable

wokes
Seo Services