Hindi na napigil ng estudyante na ito na ilabas ang kaniyang emosyon matapos niyang makita ang dami ng module na kailangan niyang sagutan dahil malapit na kaagad ang pasahan o deadline nito.
Sa isang video na ibinahagi ng netizen na si Claudine Julia Salazar Quilab sa kaniyang socmed account, makikita ang isang bata na umiiyak at tila hindi na napigilan na magreklamo sa kaniyang mga magulang dahil sa dami ng modules na kailangan niyang sagutan.
Dahil sa frustration at stress, inihagis na ng bata ang lapit na kaniyang hawak at patuloy na nagrereklamo sa kaniyang ama.
Ngunit, maririnig sa background ng video na hindi pumayag ang ama ng bata na siya ay tumigil sa pag-aaral. Saad pa ng ama ng bata na walang maidadagdag ang kaniyang pag-iyak sa kaniyang pagsagot.
"Kung umiyak ka, may maidagdag ba ito sa iyong mga sagot?"
Hanggang sa matapos ang video ay hindi pa din natatapos ang reklamo at paggalawa ng bata dahil sa hindi na niya alam ang gagawin niya para magkaroon siya ng pahinga na kaniyang hinihingi.
Sa ngayon, umabot na sa mahigit na 10,000 reactions at 24,000 shares ang naturang video.
Samantala, hindi lamang ito ang kauna-unahang beses na mayroong nag-upload na nagrereklamo o nakikita na nilang nahihirapan ang kanilang mga anak sa pagsagot ng mga modules.
Sa ilalim ng new normal classes, kailangan ng mga estudyante na sagutan ang mga modules na ibinibigay sa kanila ng kanilang mga guro dahil nga hindi pa din maaaring magkaroon ng physical classes dahil hindi pa din normal ang sitwasyon ng bansa.
May ilang grupo na hindi sang-ayon sa desisyon ng Department of Education (DepEd) at hinihiling na sana ay isuspinde na lamang ang klase sa buong taon kaysa pilitin pang ito ay magpatuloy gayong marami ng nahihirapan na mga estudyante.
Source: The Relatable
No comments