Sa kabila ng krisis at mga pagsubok na kinakaharap natin ngayon, nakakatuwa lamang isipin na mayroon pa ding mga taong mapagmalasakit sa kanilang kapwang nangangailangan o nahihirapan.
Katulad na lamang ng mga delivery rider na ito na hindi nagdalawang isip na tulungan ang isang matanda na matiyagang nalalako ng ice cream kahit umuulan.
Ayon sa socmed post ng netizen na si Patrick Mariano, nagliligpit daw siya sa kaniyang kwarto nang makita niya sa labas ng bahay nila ang isang delivery truck na biglang pumarada sa harap ng kanilang bahay.
Doon niya daw nakita na tumigil pala ang delivery truck para tulungan ang isang matanda na naglalako ng mga paninda niyang ice cream kahit na umuulan. Saad pa ni Patrick, inubos daw ng mga delivery rider ang paninda ni tatay para ito ay makauwi na at hindi na magkasakit pa dahil sumbrero at raincoat lamang ang suot ni tatay bilang proteksyon sa ulan.
Sa naturang post, pinasalamatan at sinaluduhan pa ni Patrick ang Shalom Organic Fertilizer na siyang tumulong kay tatay.
Samantala, marami naman sa ating mga netizens ang humanga at pumuri din sa ginawa ng mga delivery rider para kay tatay. Marami din sa mga netizens ang humanga kay tatay dahil sa kabila ng edad nito at sa sama ng panahon ay kumakayod at naghahanapbuhay pa din ito para kumita ng pera.
Hiling naman ng ilan na sana ay mayroon pang mabubuting tao na magbigay ng tulong kay tatay para hindi na ito maglako dahil delikado din ang panahon ngayon para sa kaniya.
Narito ang kabuuang pahayag ni Patrick:
"Faith in humanity restored.
Kanina habang nagliligapit ako sa kwarto, may nakita ako sa labas na delivery truck na biglang pumarada sa harap ng bahay namin.
Doon ko nakita na tinigilan pala nila si tatay na naglalako ng ice cream habang umuulan. Inubos na pala nila yung tinda ni tatay para makauwi na at hindi na magkasakit dahil raincoat lang at sumbrero ang suot na proteksyon sa ulan ni tatay."
Sa ngayon, umabot na sa mahigit na 39,000 reactions at 36,000 shares ang nasabing post.
Source: The Relatable
No comments