Mga Turista, Dumagsa Sa Isang Resort Sa Bulacan. Social Distancing, Hindi Na Nasunod

Hanggang ngayon, tayo ay namumuhay pa din sa ilalim ng new normal at mayroon pa ding mga health protocols o iba pang alituntunin na dapat sundin para maiwasan ang pagkalat ng sakit na C0VID-I9 sa bansa. Ngunit, tila ito ay nakalimutan na ng mga turista sa isang resort sa Dona Remedios Trinidad (DRT) sa Bulacan.

Sa socmed post ng netizen na si Dilen Desu, ibinahagi niya ang video ng daan-daang turista na pumunta sa Caribbean Waves Resort para maligo sa swimming pool.

Makikita sa nasabing video na hindi na nasunod ng mga tao ang social distancing o physical distancing. Wala ding makikita na isa sa kanila ang nakasuot ng face mask.


Ayon pa sa netizen, may mga hindi pa daw nakapaso sa naturang resort at naghihintay lamang sa labas. Nagbiro pa si Dilen na tila daw na nasa normal na ngayon ang kalagayan ng bansa dahil sa kaniyang nasaksihan na pangyayari sa loob ng resort.

Sinabi ni Dilen na pinili na lamang niyang manood sa mga taong enjoy na enjoy sa pagtatampisaw sa swimming pool imbis na makisama pa siya sa mga ito.



Ang nasabing video ay umabot na sa mahigit na 1,000 shares sa socmed. Marami naman sa ating mga netizens ang hindi mapigilan na mag alala sa dami ng tao sa naturang resort dahil sa nagkakadikit dikit na sila.

Ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque III sa isang panayam noon, ligtas naman daw ang mga tao na maligo sa swimming pool kung ito ay mayroong sapat na chlorine.

Makikita naman kulay asul, mayaman iyon sa chlorine; kung kulay berde, malabo huwag po kayong magsu-swimming.

Gayunpaman, marami pa din ang nangamba para sa kapakanan ng mga taong dumagsa sa nasabing resort.

Sa ngayon ay wala pa namang inilalabas na pahayag ang LGU ng Dona Remedios Trinidad, IATF at ang nasabing resort.


Source: The Relatable

No comments

Seo Services