Ballsy Aquino-Cruz hindi makapaniwalang 31M ang botong nakuha ni Pangulong Bongbong Marcos

Sa isang interview, sinabi ni Ballsy Aquino-Cruz na darating din ang panahon na mananaig raw ang katotohanan.
Ballsy Aquino-Cruz and President Bongbong Marcos / Photo credit to the owner

Sa panayam sa kanya ng Banyuhay Aoteoroa Facebook page, sinabi ni Aquino-Cruz na hindi hahayaan ng Panginoon na manaig ang kasamaan sa bansa at ang kailangan lamang nila ay maniwala.

Noong nakaraang eleksyon, siniraan raw ng ilang grupo ang kanyang mga namayapang miyembro ng pamilya na sina dating senador Ninoy Aquino, at mga dating pangulong Cory at Noynoy Aquino.

“Hindi pwedeng magtagumpay ang evil. It will take time. God makes things happen in His time. We just have to have faith. Kita naman natin kung gaano ang kanilang kampanya, kung ano ang naging resulta.” ani Ballsy.
Photo credit to the owner

Dagdag pa ni Aquino-Cruz, hindi raw siya makapaniwalang 31 million ang nakuhang boto ni pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Hindi pa rin ako makapaniwala na 31 million yung bumoto pero, ang dami nga nilang bala para sa mga ganitong bagay…Even if we cannot fight them.the truth will out.” dagdag niya pa.


***

Source: News Keener

wokes Sunday, August 28, 2022
Misis nahuli si mister at kabit; Ilang mga netizens sinisi pa si misis dahil sa katawan nito

Marami ng video sa social media ang kumalat patungkol sa mga misis na nahuhuli sa akto ang kanilang mga mister habang may kasamang ibang babae.

Talagang nakakagalit at nakakainis ang mga babaeng pumapatol pa sa mga may asawa na. Kahit sinong tao ay hindi gugustuhing malagay sa posisyon na niloloko.

Samantala, sa viral na video na kumakalat ngayon ay tila ang misis pa ang sinisisi ng mga netizens dahil umano hindi maganda ang katawan nito.

Anila, mataba raw ang misis kaya nagawang magloko at maghanap ng iba ang kanyang mister.

Sa video ay makikita ang isang babaeng nakatapis ng tuwalya habang sinusugod ni misis.

Habang kinokompronta ni misis ang kabit ay biglang tumakbo palabas ng hotel ang kanyang asawa.

Makikita rin sa video ang pagsampal ng misis sa kabit ng kanyang mister.

Ang mga anak ko wala nang respeto sa kanilang ama dahil sa kalandian mo” sabi ni misis sa salitang Bisaya.


Ayon din sa video, may asawa rin ang kabit ni mister.

Samantala, iba-iba naman ang naging reaksyon ng mga netizens sa video. May iba na pati ang katawan ni misis ay sinisi kung bakit nag loko ang asawa nito.

"Mataba ka kasi eh kaya wala gana mister mo bakit mo pinaalis mister mo kong ako sayo pahubarin ko sila dalawa at sasabihin sigi love making kayo ako magbabantay para dobli gwardya .." 

“Sa Totoo Lang may rason yung mister n humanap ng iba, kc nman lomobo na si ate hahaha… Lol” 

“Bobo ung asawa pinatakas ung hayop na lalaki tapoz ung kabit lang kinompronta eh kung wala plang kaalam alam ung kabit na may asawa ung lalaki.”

“Nku ma’m Dapat yong mister mo po yong ginaganyan mo.bkit pinatakas mo yong asawa mo….” 

Panoorin ang video sa ibaba:



***
Source: KAMI

Source: News Keener

wokes Sunday, August 21, 2022
Estudyanteng ginawang pamasahe sa jeep ang itinitindang basahan, inantig ang puso ng mga netizens

Dahil sa kakapusan at hirap ng buhay, maraming estudyante ang pumapasok sa paaralan kahit na walang laman ang tiyan at walang baon na pagkain o pera.
Imahe mula Facebook

Ngunit dahil sa kanilang kagustuhan na makapagtapos sa pag-aaral, nagsasakripisyo at nagtitiis sila upang pagdating ng panahon ay guminhawa ang pamumuhay ng kanilang pamilya.

Sa ating panahon ngayon, hindi maitatanggi na maraming kabataan ang hindi nagpapahalaga sa kanilang pag-aaral. Ang iba ay mas pinipiling lumiban sa klase o huwag pumasok kahit na sa mamahaling eskwelahan pa ito nag-aaral.

Subalit, mayroon din namang mga kabataan na pursigidong makapagtapos sa kabila ng hirap at pagsubok sa buhay.

Katulad na lamang ng ibinahagi ng netizen na si Jade De Luna. Nakasabay umano niya sa jeep ang isang estudyanteng may dala-dalang basahan.
Imahe mula Facebook

Imahe mula Facebook

Naantig ang damdamin ni Jade ng marinig niya ang estudyante na nakiusap sa driver ng jeep na kung pwede ay basahan na lamang ang kanyang pambayad na pamasahe dahil wala raw itong pera.

Isang lalaking pasahero naman ang nakarinig sa usapan ng dalawa at nagprisinta itong bayaran ang pamasahe ng estudyante ngunit hindi narin tinanggap ng driver ang bayad nito.

May mga ibang pasahero rin ang kumausap sa estudyante at bumili ng dala-dala nitong basahan.

Narito ang buong post:

“Share ko lang po yung karanasan ko kanina. So, kanina late na po ako and traffic pa.
At nung nasa bandang LA FORTEZA na po kami, biglang may isang studyante babae na may dala'dalang basahan ang sumakay na kumuha ng aking atensiyon..”

SIYA: Manong! Mag kano po yung pamasahe hanggang libis po? (Mahinang pagkakasabi)

DRIVER: otso

SIYA: pwde po bang basahan nalang?

DRIVER: * tumango *

MANONG: aysige ako na * sabay kuha ng pera sa bulsa*

SIYA: ay, salamat po!

DRIVER: aysige wag na..

SIYA: salamat po!!

MANONG: magkano ba yang basahan?

SIYA: sampo lang po.

MANONG: *binigyan siya ng bente pesos*

SIYA: wala po akong panukli

MANONG: sige iha, sayo na yan wag mo na suklian

SIYA: salamat po!

BABAE: magkano yan ineng?

SIYA: sampo po.

BABAE: oh! Ito *binigay ang bente* sayo nayan.

~ Pagkatapos ay kinausap po siya ni manang na katabi niya po. Sabi niya nag- aaral daw po siya saTala High. at ang kaniyang mga magulang ay nag titinda lang din po ng basahan.

So, ayun nakakaiyak na nakakatuwa lang po na di siya huminto sa pag aaral kundi pinag sasabay niya ang pag aaral habang nag titinda ng basahan. Eh yung iba nga saatin ay pa chill chill lang at sagana pero nagagawa paring mag cutting classes at yung iba pa diyan tinatamad pumasok. Sana gayahain natin si ate gurl and sana maging insirasyon siya sating mga studyante. diko pinost ito para sa LIKES.

Pinost ko ito para naman maging isang inpirasyon sa mga estudyanteng katulad ko at para nadin matulungan si ate gurl. Sana hipuin ang inyong mga puso at matulungan si ate kahit pang baon lang or gamit sa school.

So, Hello ate gurl ingat ka parati kung sino ka man po. Pagpatuloy mo lang yan, aral ka pong mabuti ikaw din aani ng pag sisikap mo para sa future. GOD BLESS!!"




***
Source: Facebook

Source: News Keener

wokes Saturday, August 20, 2022
Miyembro ng 4Ps na katutubong Mangyan nagpasalamat sa mga nagbabayad ng buwis

Ang programang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ay naging usap-usapan kamakailan sa social media dahil sa mga ilang miyembro nito na umaasa lamang sa tulong ng gobyerno at nagrereklamo pa dahil hindi umano sapat ang kanilang natatanggap.
Imahe mula sa Facebook post ni Darleen Ternida Lolong

Mayroon din mga miyembro ng 4Ps na naglulustay lamang ng pera sa pagsusugal at pag-iinom ng alak.

Dahil dito ay maraming mga netizens ang nagalit at binabatikos ang ilang miyembro ng 4Ps. 

Samantala, sa Facebook post ng DSWD employee na si Darleen Ternida Lolong, ibinahagi nito ang larawan ng isang lola na miyembro umano ng 4Ps.

Nagpapasalamat umano si lola sa mga nagbabayad ng buwis dahil nakakatulong ito sa mga katulad nila.

Si lola ay isa umanong Katutubong Buhid Mangyan. 

Ayon kay Darlene, buwan buwan ay inaakyat nila ang mga katulad ni lola at tinuturuan nila ang mga ito na gumamit ng ATM.

Aniya, hindi lahat ng miyembro ng 4Ps ay katulad ng mga nasasaksihan natin sa social media. Mayroon ding mga tulad nila na totoong nakikinabang sa programa ng gobyerno.

Nakiusap rin si Darlene na huwag husgahan ang mga katulad nilang nagtatrabaho sa DSWD dahil ginagawa lamang nila ang kanilang tungkulin.

Hindi ho porke may nakikita kayong lapses ng programa ay palpak na ito- kung may problema ho kayo at alam kung sino sino na ung may problema na myembro tara ho sa opisina namin don tayo mag usap. Wag ho dito sa social media,” sabi nito.

Dagdag nito, sana raw ay matuto tayong magpasalamat sa mga taga-DSWD dahil nandiyan sila parati sa tuwing may mga sakuna sa ating bansa.

Sa huli ay muling ipinaabot ni Darlene ang pasasalamat ni lola sa mga nagbabayad ng buwis.

Taos pusong pasasalamat po ang kanilang ipinaabot sa mga buwis na binabayad ninyo- May pambili na sila ng bigas, at gamot- d na ho kailangan ng pang ulam- may tanim ho silang mga gulay sa kabundukan- handa ho sila mag banat ng buto-“

Narito ang buong post ni Darlene:

"Magandang araw:

Para sa mga Middle Class at mga nagbabayad ng buwis:

Ito na po o nakuha na po ni Nanay ung ambag nyong TAX-Maraming salamat po ðŸ˜Šsabi nya😊- wala po kasi silang Celphone pang text at pang FB.
 Imahe mula sa Facebook post ni Darleen Ternida Lolong
Imahe mula sa Facebook post ni Darleen Ternida Lolong

Katutubong Buhid Mangyan po Siya- kagaya ng sinasabi nyo Myembro sila ng pinag-iinitan ng marami na Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. Kung tatanungin nyo marunong ba syang gumamit ng ATM? Opo tinuturuan namin sila inaakyat namin sila buwan buwan upang maturuan at makasabay sa daloy ng buhay at ng makabagong teknolohiya na tinatamasa ng mga kagaya nating nagbabayad ng buwis.

Hindi ho nya kilala si JOLIBEE, MANG INASAL MC DO AT MILK TEA Lalo na si Starbucks Coffee. Wala pong Korapsyon dito sila mismo ang may hawak ng EMV/ATM cards nila.

Tinuturuan namin silang maging responsable lalong lalo na sa pagpapaaral ng kanilang mga anak at pangangalaga ng kanilang kalusugan-

Nalala nyo yong bagyong TISOY at URSULA?

Sinira nila ung kabuhayan ng mga katutubong ito-d pa man nakakabangon ay dumating pa ang C0vid I9- pero napakapositibo nila- sanay po kami sa hirap- sanay po kami sa kamote at saging- sanay po kami sa bundok. Pwede po bang don nalang kami para d mahawa ng sakit? Napaisip ako kung sakit na C0V1D 19 wag naman talaga sana silang mahawa. Kawawa sila. Pero huwag naman sana lalo sa sakit ng pagiging makitid at mapanilip wala kasi lalong gamot don. Pasalamat na din ako wala silang FB baka kasi pag nagkaroon masaktan sila sa mga paratang na sinasabi ng ilan na para bang yumuyurak sa pagkatao ng lahat ng myembro ng 4Ps at mga mangagagwa nito-

Hindi ho porke may nakikita kayong lapses ng programa ay palpak na ito- kung may problema ho kayo at alam kung sino sino na ung may problema na myembro tara ho sa opisina namin don tayo mag usap. Wag ho dito sa social media.

Sana matuto naman tayong mag pasalamat- pag may bagyo- may DSWD, pag may Lindol may DSWD, pag may pagputok ng bulkan may DSWD, ngayon may epidémya ng SAKIT may DSWD- hindi ko to sinusumbat, sinumpaang tungkulin namin ito- pero sana bago nyo husgahan ang lahat ng nagpapadaloy ng programang ito- Alamin nyo din muna ng lubos ang programa- alamin nyo ng lubos kung tama pa ba ang pagliligalig nyo? Sumama kayo minsan sa akin pagkatapos ng C0v1d na to.. kausapin natin silang isa isa sabay sabay tayong matuto mula sa kanila kung paanong mag pasalamat mula sa kaunting biyaya hanggang sa pag unlad na tinatamasa.

Ulit po mula sa katutubong mangyan na ito.

Taos pusong pasasalamat po ang kanilang ipinaabot sa mga buwis na binabayad ninyo- May pambili na sila ng bigas, at gamot- d na ho kailangan ng pang ulam- may tanim ho silang mga gulay sa kabundukan- handa ho sila mag banat ng buto-

Ako bilang mangagawa ng lipunang ito- Salamat ho ng marami sa inyo-

Narito naman ang komento ng mga netizens:




***

Source: Darleen Ternida Lolong | Facebook 


Source: News Keener

wokes
Nanay, nagbabala sa mga kapwa niya magulang matapos ang nakakatakot na pangyayari sa kanyang anak sa isang mall

Labis-labis ang pag-aalala at pagkabahala ng isang ina matapos ang hindi malilimutang pangyayari sa kanyang anak nang sila ay magtungo sa isang mall.
Photo credit: Paula Bandola-Mohamed

Mabilis na nag-viral sa social media ang post ng netizen na si Paula Bandola-Mohamed dahil sa babala at paalala nito sa mga kapwa niya magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak sa tuwing magpupunta sa mall at sasakay ng eskalator.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Paula na hindi niya lubos akalaking mangyayari sa kanila ang madalas ay nakikita lamang niya sa social media.

Kwento niya, wala pa umanong ilang segundo nang siya ay malingat habang nakasakay sila ng escalator ay naipit na ang isang paa ng kanyang anak. 

Mabuti na lamang at nasa kalagitnaan pa lamang sila ng eskalator dahil kung umabot sila sa dulo ay baka naputol na raw umano ang paa ng kanyang anak.

Aniya, “Mga namuong dugo sa daliri at pamamaga ng bahagya lang ang natamo nya. Di ko na maimagine pano kung mas malala pa.”
Photo credit: Paula Bandola-Mohamed

Nakiusap si Paula na i-share ang kanyang Facebook post upang magbigay babala at paalala sa mga kapwa niya magulang.

Narito ang kanyang buong post:

“Akala ko sa Facebook posts ko lang makikita ung ganitong eksena. 
 
Nangyari na nga kay Amirah. Wala pang ilang segundo akong nakalingat sa paa nya. Ito na ang nagyari. Nacurious cguro kasi may brush ung ESCALATOR sa  SM north sanay sya sa ever gotesco walang brush eh kita agad ung gilid. Di ko maimagine pano kapag malapit na sa end ung pagkakaipit nya My God putol na sana paa nya.

Buti nalang sa may kalagitnaan pa. Mga namuong dugo sa daliri at pamamaga ng bahagya lang ang natamo nya. Di ko na maimagine pano kung mas malala pa. 

Mas magiging aware na ako sa escalator kapag may kasama  akong bata more than ever. 

Please share. Para aware din ung ibang mommies. Nakakabaliw ung experience.  Lalo na para sa bata.”


***

Source: News Keener

wokes
Brod Pete may komento sa pahayag ni Direk Darryl Yap patungkol sa simbahang katoliko

Hindi napigilang magkomento ng komedyanteng si Herman Salvador o mas kilala bilang si ‘Brod Pete’ sa pahayag ni Maid in Malacañang (MiM) Direktor Darryl Yap patungkol sa Simbahang Katoliko.
Herman Salvador and Direk Darryl Yap / Photo credit to the owner

Sa kanyang post, hinamon ni Yap ang simbahan na gawing libre ang mga private schools kung talaga namang may malasakit sila sa mahihirap. 

“Kung talagang gusto ninyong tumulong sa Mahihirap; Gawin nyong libre ang mga Catholic Private Schools at ipantay nyo sa Public ang Sweldo ng mga Guro ninyo. yun, ang tunay na malasakit.” ani Yap.

Sa comment section ay sumang-ayon naman si Brod Pete sa hamon ni Yap at sinabing magbayad na rin ng buwis ang simbahan.

“At bayad taxes,” tugon naman ni Salvador.

Ilang netizens naman ang pumabor sa sinabi ni Salvador.

“Yun naman Pala hiwalay ang simbahan sa gobyerno e eh bakit noong kampanya Han sila pa nga nangunguna. (Di ko naman Nilalahat) at ginamit pa ang simbahan Para sa mangampaya. Tas pag bayaran ngTAX sasabihin nila hiwalay ang simbahan sa politika. wag yo na kami lokohin . Dapat na din kayo magbayad NG TAX Di puedeng puro kayo KABIG magbigay din kayo mga pari na nakikialam sa politika….” sabi ni Charito Bermisa.

“Some of these Catholic Schools employ under board teachers just so they can bargain for their Salaries.” wika ni Jay Samonte.

“Tama. Grabe mahal ng tuition fees sa Catholic schools tapos mababa ang sahod ng teachers na overworked yung iba kasi matatanda na yung mga pari at madre na nagpapatakbo ng schools kaya sila lahat gumagawa.” komento naman ni AJ Sanchez.

Samantala, nag-react naman si Fr Benny “Nongnong” Tuazon sa hamon ng direktor.

“Bakit daw hindi gawing libre ang Catholic schools? Hmmm. Patulan natin,” sabi ni Tuazon sa isang tweet. Gusto mong libre ang Catholic schools? Magdonate ka. If not, let part of the taxes paid to government be given as support to Catholic schools.”


“Kaya libre ang government schools ay dahil sa taxes nating lahat. Yes. Pati yung mga magulang na hindi naman pinag-aaral ang mga anak nila sa public schools ay may bahagi sa gastos ng gobyerno. Di biro ang sustento sa public schools. Tingnan mo na lang ang budget!”


“Ang mga Catholic schools ay tumutulong sa gobyerno sa edukasyon. Kung hindi magtatayo ang mga simbahan (hindi lang Katoliko) ay maraming hindi makakapag-aral. Sana magpasalamat na lang,” dagdag ng pari.


He then points out that the objective of the Catholic Church is not only to educate but to save one’s faith as well.

Ani Fr Tuazon, ang layunin ng simbahan ay hindi lang daw tungkol sa edukasyon, kundi pati sa paghubog ng pananampalataya. 

“Hindi lang edukasyon ang layunin ng Simbahan. Kaligtasan! Kaya priori dad ang mga sakramento. Ang pagpapatakbo ng schools ay upang maghubog ng mga mananampalataya hindi lang para maging maalam at matalino.”


“Kahit tanungin mo ang DepEd at ang mga pinuno nito. Alam nila ang tulong na ginagawa ng private Catholics schools.”


***

Source: News Keener

wokes Friday, August 19, 2022
Saan nga ba nagmula ang Santo Niño?

Naitanong ninyo na ba sa inyong mga sarili kung saan nga ba nagmula ang Santo Niño? Bakit parte na ito ng kasaysayan ng Pilipinas? Totoo nga ba ang mga himala nito?
Photo credit to the owner

Ang Santo Niño ay isang kristiyanong imahe ng banal na sanggol na si Hesukristo. Ito ang naging pangunahing santo patron ng lalawigan ng Cebu. Bilang isang imahe lamang ay hindi ito sinasamba bagkus ay pinahahalagahan ng marami dahil sa mga sinasabing himala nito. 

Ayon sa aming pananaliksik, noong dumating si Ferdinand Magellan sa Cebu noong 1521, si Rajah Humabon, kasama ang kaniyang asawa na si Amihan gayun din ang mga 800 na mga katutubo ay ninais na mabinyagan bilang Katoliko. 
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Ibinigay ni Magellan ang imahen ni Santo Nino sa asawa ni Rajah Humabon at pinangalanang Juana. Ang pangyayaring ito ay hindi lamang nagpakilala kay Santo Niño sa mga taga-Cebu kung hindi ay ito rin ang naging isang napakahalagang karanasan: ang representasyon ni Reyna Juana, hawak ang imahen ni Santo Niño na binabasbasan ang kanilang mga tauhan upang mailayo sila sa sakit at masamang espiritu at maging importanteng bahagi ng sayaw ng Sinulog.

Noong dumating si Miguel Lopez de Legazpi at ang kaniyang mga tauhan sa Cebu noong 1565, isa sa mga sundalo ang nakatuklas ng isang kahon na may imahen ni Santo Niño. Ito ay napapaligiran ng bulaklak at mga pigurin ng mga anito. Ayon sa mga mananalaysay, ang mga pagbabago, mula sa pagsayaw ng Sinulog at pagbubunyi kay Santo Nino ay naganap sa loob ng 44 na taon sa pagitan ng pagdating ni Magellan at Legazpi. 
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Idineklara ng Augustinian order na ang naturang imahen ay milagroso at itinatag nila ang simbahan kung saan ito nadiskubre. Ipinangalanan ito sa San Agustin church at di maglaon ay pinalitan ito ng Basilica Minore del Santo Niño. Ang debosyon sa Santo Niño ay tumagal at sumulong sa kultura ng Pilipinas sa pagdaan ng mga siglo lalo na sa rehiyon ng Visayas.

Katunayan, taon-taon, sa buwan ng Enero, ang lalawigan ng Cebu ay nagkakaroon ng pista ng sinulog na nagtatampok ng sagradong imahen ng Santo Niño at sa himig ng "Pit Senor!" at "Hala, Bira!" ay yayanigin ng tambol, palakpak, at hiyawan ng mga tao ang buong lungsod. Maraming pilipino ang namamanata at nagdedebosyon sa paniniwalang maghihimala at tutuparin ng Santo Niño ang kung ano mang hilingin nila.


***
Source: Pinoy Classic

Source: News Keener

wokes
Jobelle Salvador binatikos matapos sabihing kamukha ni Agot Isidro ang isang namamalimos na babae sa C5

Hindi nakaligtas sa pambabatikos ang aktres na si Jobelle Salvador matapos niyang mag-komento sa larawan ni Agot Isidro no nakita niya sa Facebook noong August 5, 2022.
Jobelle Salvador and Agot Isidro / Photo credit to the owner

Nakasaad sa Facebook post niya: “Si Agot ba ito?? My friend told me to check kasi daw kamukha daw nu’ng namamalimos na babae sa C5 na nag-nga-nga-nga..no offense but is this really her?”

Kalakip nito ang larawan ng singer-aktres na si Agot Isidro.

Hindi raw inakala ni Jobelle na babatikusin siya ng mga netizens dahil lamang sa kanyang pagtatanong.
Photo credit to the owner

Dahil dito, binura niya ang kanyang Facebook post. Gayunpaman, sumagot pa rin si Jobelle sa mga bumabatikos sa kanya.
Agot Isidro / Photo credit to the owner

“I don’t need you to comment on this kasi ide-delete ko lang kayo. I don’t need to know your opinion kung kokontra lang kayo at manggugulo.

"Una sa lahat, wala akong pakialam kung wala akong project d’yan sa Pinas dahil bragging aside, $$$ at ¥¥¥ ang kinikita ko mga hunghang!!

“Nakaka-siguro ako na mas masarap ang buhay ko kung ikukumpara niyo ako sa iniidolo niyo…
Jobelle Salvador / Photo credit to the owner
Jobelle Salvador / Photo credit to the owner

“Sige na maganda na s’ya, mayaman na s’ya, magaling na artista!! E di wow!! I do respect her as a ‘human being’ and everyone’s opinion on everything.

"Sorry to Agot kung naka-offend ako but that was not my intention…”

Samantala, muling ibinalik ni Jobelle ang kanyang deleted Facebook post dahil, diumano, hindi siya tinatantanan ng mga taong nagagalit sa kanya.

Saad niya, “Ayaw niyo akong tigilan, o sige ito ibabalik ko na. Ito ‘yung ini-issue niyo sa akin e.
Agot Isidro / Photo credit to the owner
Agot Isidro / Photo credit to the owner

"Sa mga hindi nakakaalam, bina-bash ako ng oposisyon just because I wanted to confirm if this was Agot. Binahiran nila ng politika ang pagtatanong ko."

Siguradong ang tinutukoy na "oposisyon" ni Jobelle ay ang mga tagasuporta ni dating Vice President Leni Robredo at dating Senator Kiko Pangilinan, na sinuportahan ni Agot nitong nagdaang eleksyon.

Si Jobelle naman, base sa kanyang social media accounts, ay sinuportahan ang kandidatura nina President Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.
Agot Isidro / Photo credit to the owner
Agot Isidro / Photo credit to the owner

Inulit ni Jobelle ang paglalarawan sa litrato ni Agot na "kamukha yung beggar sa C5," ayon daw sa kanyang kaibigan.

“According to my friend who showed me this post e kamukha daw ni Agot ‘yung beggar sa C5. I deleted the post already yesterday para matapos na ‘yung issue but the bashing continues.

“It’s obvious that the hate comments are coming from trolls and fake accounts. Just so you know, I keep my account public for a reason and that is because I want the public’s opinion on the subject matter I post unlike other people na ang hilig magpapansin at tumira ng ibang tao pero naka private ang account?!!

“With that said, if you have hateful or negative comments to say, that is your choice and I respect your opinion. I’m not here to make things worst or to cause hatred, but I just simply wanted to know the facts.

“Even now that I know the truth, this is my account, my wall, my rules!!! Therefore, I’m going to repost it. I wonder lang, sa dinadami naman kasing magandang picture ni Agot, ito pa talaga yung napiling ilagay?!!

“Sa mga bashers, sabi nga ni Agot di ba DEDMA IS key bakit galit na galit kayo?!!! Affected?”

Si Jobelle ay huling napanood sa ABS-CBN drama series na The Killer Bride.

Si Agot naman ay kasalukuyang napapanood sa Kapamilya primetime series na Flower of Evil.


***
Source: PEP

Source: News Keener

wokes Monday, August 8, 2022
Seo Services