Netizen dinepensahan ang lalaking nagpakulong kay lolo Narding: "Mabait siyang tao"

Matapos mag-viral ang pagpapakulong kay lolo Narding, umani ng maraming batikos mula sa mga netizens ang lalaking nagsampa ng kaso na kinilalang si Robert Hong.
Lolo Narding at Robert Hong / Photo credit to the owner

Si lolo Narding ay nakalabas na nag presinto matapos itong ma-detained ng isang linggo dahil sa pagnanakaw umano ng sampung kilong mangga.

Si Robert ay ang caretaker at driver umano ng may-ari ng lupa kung saan nakatanim ang puno ng mangga.

Samantala, isang kakilala ni Robert ang naglabas ng kanyang opinyon at sinabing mabait na tao ang caretaker.
Lolo Narding / Photo credit to the owner
Lolo Narding at / Photo credit to the owner

Ayon sa Facebook post ni Endrani Sam, personal niyang kakilala si Robert, aniya, wala itong tinatapakan na tao at patas ito kung lumaban.

Bash me if you want… Kakilala ko personal si kuya Robert Hong.. mabait na tao yan.. walang tinatapakan.. lumalaban ng parehas sa buhay.. Pero gayun pa man mapagbiro ang tadhana.. hindi man lang sya bngyan ng pagkakataong marinig ang side nya,” pahayag nito sa Facebook.

Isa-isa pa nitong dinetalye ang totoong nangyari kung bakit nauwi sa kasuhan ang dalawa.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Kwento ni Sam, hindi lang daw sampung kilo ang ninakaw ni lolo Narding kung hindi ay higit pa. Sinadya rin umano ng matanda na kuhanin ang mangga noong walang tao sa bahay.

Dagdag pa nito, ilang beses din umanong kinausap ni Hong si Lolo Narding upang magkaayos na lang ngunit tumanggi ang matanda at sinabing ipakulong na lang siya.
lolo Narding / Photo credit to the owner
Lolo Narding / Photo credit to the owner

Sa ngayon, takot umanong lumabas ng bahay si Robert dahil marami ang nagalit na tao sa kanya. Giit ni Sam, hindi lang mangga ang nanakaw sa caretaker kung hindi pati ng karapatang nitong mapakinggan.

Basahin ang buong post ni Sam sa ibaba:

“Bash me if you want... Kakilala ko personal si kuya Robert Hong.. mabait na tao yan.. walang tinatapakan.. lumalaban ng parehas sa buhay.. Pero gayun pa man mapagbiro ang tadhana.. hindi man lang sya bngyan ng pagkakataong marinig ang side nya... 
Lolo Narding / Photo credit to the owner

Unang una hindi lang sampung kilo ang mangga na nakuha.. pangalawa hindi lang basta pinitas.. sinamantala nilang pina ani ung buong puno nong walang tao sa bahay.. ? Pangalawa pwede mabakuran na yon meaning hindi mo na sakop yon.Last thing nagusap sila sa brgy at gusto ni kuya Robert byaran na lang kasi wala sya pambayad sa mayari ng lupa kasi caretaker lang sya...pero ayaw ni lolo at ikukulungan na lang daw nya kesa magbayad... Ilang beses silang pinatawag pero hindi na sumipot si lolo.. kaya tinaas na sa korte.. ngayon sino ang tunay ma biktima? Ang ninakawan ba? O yong edad 80 na nagnakaw...

Mas biktima dito si kuya Robert... BIKTIMA NG MGA MAPANGHUSGANG PUSO AT MATA... NI HINDI MAN LANG PINAKINGGAN ANG PANIG NYA... Do your own Research.. bago nyo isara ang inyong mga puso.. kung Biktima si lolo ng kahirapan.. ISIPIN NYO MAS BIKITIMA SI KUYA ROBERT  NG MGA MAPANGHUSGANG TAO... MABUTI PA YONG NAGNAKAW MAY KAKAMPI, PINAKINGGAN... SI KUYA ROBERT LAHAT ANG SINISI...NI HINDI MAKAPAGPALIWANAG NI HINDI MAKALABAS NG BAHAY.. NI HINDI MAKAPAGTRABAHO... NGAYON NINAKAWAN NA NGA SILA NG MANGGA NINAKAWAN PA SILANG KARAPATANG PAKINGGAN AT MAKAPAGBIGAY NG PANIG... ASAN ANG PUSO NYO? ASAN ANG HUSTISYA ?”

Sa comment section ay nagpaabot rin ng kanilang mga opinyon ang ilang netizens.

sa dami kong nakitang posts about kay lolo na naawa sakanya dahil nakulong kahit may edad na. at sinasabi nilang dahil sa mababaw na dahilan. pero ngayon nabasa ko side ng kabila. naintindihan ko na ang istorya,” sabi ni Arthur Basco Aguilar.


Salamat sa statement mo Sir... sana malayo ang marating netong post mo para marami ang maliwanagan,” sabi ni Alma Laforteza Ganigan.


Bago gumawa ng action,alamin muna ang puno't dulo para hindi lang iisa ang pinaninindigan at wag basta basta mang husga sa sitwasyong hindi natin alam ang simula,” sabi naman ni Rene Boy Badua.



Source: News Keener

No comments

Seo Services