Kailangan natin ng doble kayod sa paghahanap-buhay dahil mas humirap ang buhay ngayong pand*mya. Sa panahon ngayon, mas marami ang nawalan ng trabaho dahil sa kumakalat na sakit sa buong mundo.
Ang mga simpleng mamamayan ay kailangang magtiis sa hirap ng trabaho upang mayroong maipakain sa kanilang pamilya.
Tulad na lamang ng isang amang nahilo at nahimatay habang naglalako ng kanyang paninda at karga karga ang anak.
Ayon sa post ng Facebook page na “Hanep TV”, marahil ay sobrang pagod at gutom ang naramdaman ng ama kaya ito nahilo at nahimatay.
Mabuti na lamang at may mga concerned citizens na nakakita kay tatay kaya agad itong natulungan.
“habang naglalako sya ng paninda nya nahilo sya at nahimatay kaya binigyan sya ng gamot sa hilo ng mga concern citizen para mahimasmasan,” ayon sa post.
Dagdag pa sa post, may sakit umano ang asawa nito kaya siya na lamang ang nakakapagtrabaho at nag-aalaga sa kanilang anak.
Sa ngayon ay umabot na sa 56k reactions at 43k shares ang nasabing post.
Narito ang buong post:
“Naiyak ako dito kay kuya, habang naglalako sya ng paninda nya nahilo sya at nahimatay kaya binigyan sya ng gamot sa hilo ng mga concern citizen para mahimasmasan, kasa-kasama nya anak nya, sya lang nagtataguyod sa anak nya, may sakit daw po asawa kaya todo kayod sya.. kahit anong hirap daw ng buhay hindi nya pababayaan asawa't anak nya, itataguyod nya sa marangal na paraan.. Saludo kami sa'yo kuya, pagpalain ka ng Poong may kapal dahilsa ginagawa mong sakripisyo sa pamilya mo..”
Basahin ang ilang komento ng mga netizens sa ibaba:
***
Source: Hanep TV | Facebook
Source: News Keener
No comments