Naglabas ng kanyang opinyon ang vocalist ng isa sa mga sikat na banda noong 1990s na After Image patungkol sa viral campaign video ni Vice President Leni Robredo.
Photo credit to the owner
Kamakailan ay nag-viral ang TikTok video ni Robredo kung saan makikita itong nag-hahadouken o Kamehameha na naging katatawanan sa ilang mga netizens lalo na ng kanyang mga kritiko.
Ang ‘Hadouken’ ay special attack na ginagamit ng Street Fighter character na si Ryu at ang ‘Kamehameha’ naman ay kay Son Goku ng Anime na Dragon Ball Z.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Ayon sa post ni Cornejo, wala namang problema kay Robredo ngunit ang ikinakatakot niya ay ang mga taong nasa likod nito.
Aniya, sinong presidential candidate raw ang papayag sa ganitong gimmick? Patunay lang daw na hindi iniisip ni Robredo ang kanyang ginagawa.
“What presidential candidate in their right mind would agree to do something like this? It only shows how she is not actually thinking for herself.”
Photo credit to the owner
Narito ang kanyang buong post:
“Ito yung sinasabi kong Leni herself isn't really that bad but it's the machinery behind her that scares me. What presidential candidate in their right mind would agree to do something like this? It only shows how she is not actually thinking for herself. Aminin man ng supporters nya o hindi, para siyang pinaglalaruan ng kung sino man ang nakakaisip ng mga pakulong ito. And that's what exactly these things are. Pakulo lang. Papansin. Pinagmumukhang ewan. In other words, AMBOT!”
May mga netizens ang sumang-ayon kauy Cornejo.
Si Cornejo ang umawit sa mga sikat na kanta katulad ng "Habang May Buhay at Magpakailanman."
***
Source: Wency Cornejo | Facebook
Source: News Keener
No comments