Binanatan ni dating Ilocos Sur governor at Narvacan Mayor Luis “Chavit” Singson ang kanyang kaibigang si Senator Manny Pacquiao matapos nitong magpahayag ng kanyang panukala na mas taasan pa ang buwis sa mga tabako, sigarilyo at alak, o mas kilala bilang ‘sin tax.’
Chavit Singson and Manny Pacquiao / Photo credit to the owner
Sa isang panayam ng media, hindi raw ginagamit ni Pacquiao ang kanyang utak sabi ni Singson.
Aniya, mas lalo raw maaapektuhan ang mga magsasaka ng tabako, lalo na’t isa ito sa mga ikinabubuhay ng mga taga Norte, partikular sa Ilocos Sur.
“Eh kasi pinasok niya ‘yong issue na ‘yan nang di niya alam ‘yong sinasabi niya. ‘Pag tinaas ‘yong excise tax ng sigarilyo, tumataas ‘yong kita namin sa probinsya. Meaning, in short, nagbebenefit kami ‘pag tinaas. Kaya ‘ka ko, sobra na. Makikinabang kami eh, pero sobra na,” pahayag ni Chavit.
Chavit Singson / Photo credit: ABS-CBN
Chavit Singson / Photo credit: CNN Philippines
“Up to now hindi niya maintindihan, ‘yong issue na ‘yan hindi niya maintindihan. Syempre ‘pag tinaas mo ang kita namin, ‘wag mo itaas dahil sobra na, nine times na ang tinaas ng taxes. Kawawa ang industriya, masisira ang industriya kung matutuloy ang tax. Hindi niya maintindihan ‘yon up to now,” dagdag pa niya.
“Hindi ko pinagbigyan ang kumpare ko, nagyabang pa eh mali naman ‘yong yabang niya. So ‘di niya ginagamit ang utak niya masyado.”
Manny Pacquiao / Photo credit: People
Manny Pacquiao / Photo credit: Time Magazine
Samantala, Noong Oktubre 15 ay sinabi ni Pacquiao na nagkausap sila ni Singson at inamin nito sa kanya na hindi siya susuportahan sa kanyang pagtakbo bilang pangulo ng Pilipinas.
Naninindigan naman si Pacquiao na nasa panig lamang umano siya ng tama at nararapat.
Matatandaang laging magkasama ang dalawa tuwing may laban ang pambansang kamao sa ibang bansa. Subalit nitong Agosto, kapansin-pansing hindi kasama ni Pacquiao si Singson sa kaniyang laban kay Yordenis Ugas.
Hindi pa umano masabi ni Chavit kung kailan sila magkakaayos ni PacMan. Hihintayin na lamang niya umano na matalo ito. Posible naman umano ang reconciliation subalit medyo matatagalan pa.
***
Source: Balita
Source: News Keener
No comments