Komedyanteng si Mura, gustong makabalik sa Showbiz upang matulungan ang pamilya.

Matapos mag-viral ang video ng vlogger na si Virgelyncares 2.0 patungkol kay Allan Padua, 46, o mas kilalang Mura-nananawagan ang komedyante na sana ay makabalik ito sa showbiz upang makatulong sa kanyang pamilya.
Mura / Photo credit to the owner

Unang ipinakilala si Mura bilang kakambal ni Mahal sa Tanghali Bayan, dating noontime show ng ABS-CBN, noong 2003.

Parehong dwarfism ang kondisyon nina Mura at Mahal.

Si Mura ay lumabas sa ilang programa sa TV at naging sidekick ni Vhong Navarro sa pelikulang Agent X44 (2007) at SupahPapalicious (2008).
Mura at Mahal / Photo credit to the owner

Maging sa pelikula ni Ai-Ai delas Alas na Volta noong 2003 ay si Mura ang naging main villain.

Kasalukuyang sinusuportahan ni Mura ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagtatanim sa nabili niyang tatlong ektaryang lupa sa kanilang bayan sa Albay.

Ayon kay Mura, nabili niya ang lupa sa halagang P75,000 noong 2005. Tinataniman daw niya ito ng kopra, niyog, mais, at mani.

Simula ng maaksidente si Mura noong 2010 ay iika-ika na itong maglakad at hirap na ring kumilos.

Mahirap din kasi ang layo ng bukid namin, e. So, pabalik-balik ka ro’n. Pilay pa ako. Wala namang katulong si Papa dito. Kinakaya ko na lang din para makatulong. Matanda na rin si Papa, e."

Kaya nga gusto ko pa rin minsan magkaroon pa rin ako ng ano sa showbiz kahit papano makatulong pa rin,” naluluhang sabi ni Mura sa habang iniinterview ni Virgelyncares 2.0.

Aniya, malaki raw ang kanyang kinikita noon sa pag-aartista. Minsan ang kontrata niya sa isang taon ay P250,000-P500,000.

Ngunit ngayon ay mahirap na ang buhay nila dahil na rin sa pand3mya at kawalan ng ibang mapagkakakitaan.

Medyo mahirap nga. Mahirap kasi, tulad sa akin, wala nang trabaho. Siyempre, gusto ko ring bumalik sa pag-aartista. So, nagkaroon ng pandemic. Mahirap na akong bumalik dun. Mahirap na mga biyahe-biyahe,” saad ng dating komedyante.

Ang nangyaring aksidente sa kanya noon ang naging dahilan ng pagtamlay ng kanyang career sa showbiz.

Kasi naubos ang ipon ko nun, e. Naaksidente pa ako noong 2010. Doon ako nag-umpisa nawalan ng work na. Nabali ang hip ko. Ayun, nagkadiperensiya na paglakad. Tapos ngayon, pilay-pilay. Tapos ngayon, mahina na parang manhid.”

Nanghinayang daw si Mura na hindi natuloy ang pagpasok niya sa ABS-CBN primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano.

“Sabi ko, dapat nung nakaraan isasama ako sa Probinsyano. Sabi ko, hindi ko na kaya. Isinasama ako buhay pa dati si Tito Eddie Garcia. Sabi ko, hindi ko na kaya ang takbo-takbuhan.”

Wala na rin daw siyang contact sa showbiz.

Sa ngayon ay wala contract sa showbiz si Mura, pero ang naging kaibigan daw niyang artista ay si Vhong Navarro.

Si Vhong Navarro kasi yun ang buddy ko, e. Lagi kaming magkasama sa pelikula noon dati, e. Halos tatlong pelikula ata ang aming pinagsamahan,” kwento ni Mura.
Photo credit to the owner

Makikita rin sa video ang bahay na ipinapagawa ni Mura. Base sa paligid ay medyo liblib din ang lugar na kinatitirikan ng bahay.

Sa ngayon ay umaasa si Mura na sana ay makabalik siya sa showbiz kahit na “laos” na raw siya.

Kahit laos na, kung may opportunity, papasok sa showbiz kahit mahirap kakayanin ko po para sa pamilya ko, para makatulong pa rin ako kahit paano.”

Samantala, sa YouTube video ni Ogie Diaz nitong August 5, nabanggit niyang nakipag-ugnayan sa kanya si Vhong at nagtatanong kung paano makontak si Mura.

Nais daw ni Vhong na magpaabot ng tulong sa dating katrabaho.

Sisikapin daw ni Ogie na makipag-ugnayan kay Mura at maabutan ito ng tulong.



***
Source: PEP

Source: News Keener

No comments

Seo Services