Wala ng mas sasakit pa sa isang magulang kundi ang mawalan ng anak. Napakahirap tanggapin para sa kanila na mas mauuna pang lilisan ang kanilang anak na matagal nilang inalagaan, pinalaki at pinagbuhusan ng pagmamahal.
Luther Ezekiel / Photo credit: Roxi Sibug
Ito ang nakakadurog pusog nangyari sa mag-asawang mula sa Dubai na binawian ng buhay ang anak matapos tamaan ng sakit na C0V1D-19.
Sa Facebook post ni Roxy Sibug nitong Agosto 7, ibinahagi nito ang nangyari sa kanyang anak. Nagbabala rin siya sa mga magulang ng huwag balewalain ang kumakalat na sakit.
Luther Ezekiel / Photo credit: Roxi Sibug
“Maging lesson sana ito sa lahat ng magulang..WAG BALEWALAIN ANG C0V1D DAHIL TOTOONG TOTOO SIYA!!!” sabi ni Roxy sa kanyang post.
Aniya, masayahin at masiglang bata ang kanyang anak na si Luther Ezekiel at madalang itong magkasakit.
Ngunit nilagnat si Luther isang Linggo matapos magkasinat at sumakit ang ulo ng kanyang ama na si Walter.
Hindi na naisip ng mag-asawa ang magpaswåb test dahil akala nila ay simpleng lagnat lamang ito lalo na’t work from home naman si Walter.
Ayon kay Roxy, umabot sa 39°C ang temperature ni Luther kaya ipinaswåb test nila ito. Pinayuhan naman sila ng doktor na dalhin ang anak sa isang clinic.
Doon na nila napag-alaman na positive nga sa C0V1D si Luther. Naging maayos naman ang kalagayan nito matapos bigyan ng gamot at bitamina.
Photo credit: Roxi Sibug
Photo credit: Roxi Sibug
Ngunit makalipas ang dalawang araw, napansin ni Roxy ang pamamaga ng mata at nanghihina ang anak nito.
Dinala nila si Luther sa ospital at matapos ang ilang tests, wala naman raw umanong nakitang problema sa kanilang anak
“Dinala namin siya sa hospital. Binlood test siya, kinuhaan siya ng temperature, kinuhaan siya ng urine. Wala nakitang problema. Sabi sa amin, “Mommy, your son is completely okay, there’s nothing wrong with your baby. So you can go home.,”” kwento ni Roxy.
Kinabukasan ay ibinalik nila sa ospital si Luther dahil namumutla at nanghihina na raw ito. Ayon sa doktor, umabot na ang C0V1D sa paligid ng puso ni Luther kaya namamaga na ito.
Photo credit: Roxi Sibug
Photo credit: Roxi Sibug
“‘Yung chineck yung heart niya, nalaman na namamaga yung heart niya dahil sa C0V1D-19,” ani Roxy.
“Kahit na bawal ang ginagawa ko, kumukuha ako ng kumot, tapos ayaw nilang pakumutan ang anak ko. Walang damit ‘yung anak ko puro, apparatus sabi ko, hindi! Nilalagay ko siya dito sa chest ko… kasi alam ko kailangan, gustong-gusto niyang matulog eh,” dagdag pa niya habang umiiyak sa kanyang panayam.
Matapos ma-intubate si Luther ay pinauwi muna sina Roxy at Luther. Pinabalik naman sila agad nang bumababa na ang blood pressure ng kanilang anak.
Sa panayam ni Roxy sa News5, ikinuwento nito na lumuhod siya sa harapan ng mga doktor ay sinabing kunin ang kanyang puso at ipalit sa kanyang anak.
“Nasabi ko pa sa doktor doon, mainit pa anak ko, mainit pa siya. Maisasalba pa nila. Tapos lumuhod po ako sa mga doctors at cardiologist. Sinabi ko kunin na ang puso ko ngayon,” ani Roxy.
Photo credit: Roxi Sibug
Photo credit: Roxi Sibug
“Wala pa pong 24 hours, 15 hours lang po kinuha samin ‘yung anak ko. Lahat po ng medicine binigay sa kanya, wala pong tumalab. Wala pong tumalab na medicine sa kanya. Ganun po kademonyo yung C0v1d,” dagdag pa niya.
Wala pang 24hours nang dalhin sa ospital ay binawian na ng buhay si Luther
Tila pinagsakluban ng langit at lupa ang mag-asawang Roxy at Walter sa malupit na sinapit ng kanilang anak.
“Torture” sambit ni Roxy.
Photo credit: Roxi Sibug
Photo credit: Roxi Sibug
“Bawat pikit ng mata namin, siya nakikita namin. Bawat galaw namin dito sa bahay ganun kami tinotorture na po, ganun kami tino-torture. Grabe ‘yung pain, sobra ‘yung pain na nararamdaman namin… Siya lang yung nag-iisang anak namin,” aniya.
Nagbigay ng payo ni Roxy sa mga katulad niyang magulang.
“Mga adult talaga, Kung mahal niyo anak niyo, mag-ingat talaga kayo. Hindi pwede babaliwalain nyo ito, kasi hindi ito joke. Kapag nakaramdam kayo, kahit konting sinat lang, magpa-swåb test na kayo please. Gastusan niyo, mas maganda gastusan niyo kahit sa magkanong halaga kaysa sa mawala mga mahal niyo sa buhay.”
Sa isa pa niyang Facebook post ay nakiusap si Roxy sa media na bigyan muna sila ng oras bago sila muling magsalita tungkol sa kanilang anak.
“Ang pakiusap ko nalang po sana sa media, this time po hingi lang muna kami ng time na maayos namin at makuha muna namin ang anak namin sa hospital at magluksa nalang muna at ipagdasal siya at iparamdam sa kanya sa kahuli hulihang pagkakataon ang pagmamahal namin sakanya… Pagkatapos po lahat ng ito magsasalita po ako kahit sa buong mundo para sa anak ko. Bibigyan namin ng kabuluhan ang pagkawala niya,” saad ni Roxy.
***
Source: Balita
Source: News Keener
No comments