Sayang nga naman ang benta at para fresh ang ibebenta nila kinabukasan. Gayunpaman, may isang bakery na may ibang paraan kung paano ipapaubos ang kanilang mga paninda.
Ang Bread Talk ay hindi kailanman nagkaroon ng pakanang “Closing Promo” at marami ang nagtataka dahil dito.
Gayunpaman, may isang netizen naman ang nagbahagi ng kaniyang kuwento tungkol sa tindhang ito. Pansamantala siyang namalagi sa loob ng tindahan at nasaksihan niya ang ginagawa ng Bread Talk sa kanilang mga tinapay.
Sa socmed post ni Camae Muggle, suki na siya ng Bread Talk dahil sa mga discounts nito tuwing pasara na ang mga tindahan.
Maya maya pa, may nakita siyang isang lalaki na lumapit sa manager at nagtanong kung ‘Puwede na po?’.
Dahil sa pag-aakalang may closing promo din sila, kinausap niya ang manager ng store. Ngunit sa pagkamangha, iba ang sinabi ng store manager. Sinabi niya ang wala silang promo.
Tuwing gabi, ang lahat ng natitira sa kanilang store sa buong mundo ay napupunta sa mga charities. Ang lalaking lumapit kanina ang kumukuha nito tuwing gabi at idini-deliver sa charity.
Mayroon silang mga chosen charity sa Pilipinas at doon nila ibinibigay ang kanilang mga tirang paninda. Ito ang CRIBS Foundation, kung saan ang mga batang inabandona ng kanilang mga magulang ang nakikinabang dito. Dahil dito, nakasisiguro din ang mga tao na laging bago ang kanilang mga paninda at nakakatulong pa sila sa komunidad.
Sinabi din nila na sa halip na magbigay ng promo sa mga taong kayang bumili ng tinapay kahit walang promo, iba sila dahil mas nagpo-promote sila ng love sa halip na profit.
Dahil na-inspire sa sinabi na ito ng manager store, ibinahagi niya sa netizen ang kuwentong ito at ang kaniyang natutuhang aral tungkol sa pagiging mapagbigay.
Source: The Relatable
No comments