Naaalala nyo pa ba ang gwapo at makulit na bata sa gag show na "Goin Buliliit" na si Timothy Lambert Chan? Siya ngayon ay usap-usapan sa socmed dahil sa mga litrato niyang na kumalat.
Kung noon ay kina-aliwan ng marami sa atin si Timothy dahil sa kanyang cute chubby face, ngayon naman ay mas mapapamangha niya tayo sa kanyang pagiging isang gwapong binatilyo.
Makikita sa litrato ang glow up transformation ni Timothy noong dati ay bibo at makulit pa lamang ito, ngunit ngayon isa na itong ganap na binata na may taglay na angking kagwapuhan.
Marami ang humanga kay Timothy , kagaya nalamang sa glow up transformation rin ni Zayjan Jaranilla.
Si Timothy Lambert Chan, ay nagsimula at unang sumikat noon sa Goin Bulilit. Sa nasabing show sya unang nakilala at di nagtagal ay nagkaroon din ng sariling teleserye gaya ng "May Bukas Pa" kasama rin niya dito si Zayjan Jaranilla.
Napabilang rin noon si Timothy sa pelikulang Sakal, Sakali, Saklolo, kung saan ay gumanap siya bilang ang anak ng mga bida ng karakter na ginagampanan nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.
Ilan din sa mga proyekto at seryeng kinabibilangan ng batang aktor ay ang La Vendetta, Obra, at ilang mga episode ng Wansapanataym at Maalaala Mo Kaya. (MMK).
Maraming talent show din ang kanyang pinasukan kagaya ng Sm Little Star Search at Ever Kiddie Star noong 2007 kung saan sya ang nanalo dito.
Kahit pa ng aba hindi na natin nakikita pa sa telebisyon si Timothy ay makikita natin sa mga larawan ng dating child actor na agaw pansin pa rin siya sa kanyang mga tagahanga dahil sa mas lalo pa siyang naging gwapo ngayon na siya ay binatilyo na.
Hindi naman mawala sa ilang Teenager ang patuloy na pag hanga at magkaroon ng crush sa binata.
Source: The Relatable
No comments