Maja Salvador, Inalala Kung Pano Naapektuhan Ang Kanyang Career Sa Relasyon Nila Ni Gerald Anderson

Sa interview sa aktres na si Maja Salvador ng G3 San Diego for Mega Entertainment, ay kanyang binalikan at ibinahagi ang nakakalungkot na pangyayari sa kanyang career.

Matapos itong magdesisyon na makipag relasyon sa aktor na si Gerald Anderson noong taong 2013 ay naghiwalay din agad sila matapos ang dalawang taon.

Ayon sa aktres, hindi maganda ang naging  dating sa publiko ng kanilang relasyon noong mga panahong iyon.  Sa kadahilanan na si Kim Chiu ay best friend ni Maja at noong mga panahong iyon ay loveteam ang dalawa bilang “Kimerald”, na sinusunadan ng maraming taga hanga.

Matatandaan din na noong naging guest si Kim sa program ni Vice Ganda sa ABS-CBN ay dito sinabi ng aktres na ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ni Gerald Anderson ay third party.

Dahil sa pangyayari na iyon ay marami ang nagsabi sakanya na isa siyang traydor na kaibigan kung saan ay tinraydor nito ang kanyang kaibigan para maging sila ng aktor na si Gerlad Anderson. Ang pangyayari na ito ay talagang nagdulot ng hindi maganda sakanyang career sa Entertainment industry.

“Ako talaga as in gapang ako, wala ako. Nawalan ako ng mga endorsement.”


“Dapat hindi namin pinilit. Oo, na-in love kami sa isa’t isa. Pero siguro ‘yung mahirap na sa umpisa pero parang andyan na eh! Alam mo ‘yung ganon?”

Ito ay kanyang statement sa socmed na ibinahagi ng page na Kapamilya Online World.

"Pero alam mong nag-struggle kami dalawa, individually. Kasi ako gapang talaga from the start. Kasi siya, dumadami pa ‘yung commercials niya. Ako talaga as in gapang ako, wala ako. Nawalan ako ng mga endorsement,"


Tunay ngang sa buhay kung minsan ay may mga maling desisyon tayo na pinipili pero sakabila ng mga ito ay ito din ang dahilan kung bakit lalo tayong tumatatag sa mga hamon ng buhay.

Sa kabila ng mga hindi magandang mga nangyari at pinagdaanan nito ay patuloy naman na gumaganda ganda ng kanyang career ngayon. Kung saan sakanyang socmed account pa lamang sa Facebook ay kitang kita na napakarami nitong taga hanga at sumusuporta na umabot na sa mahigit 3.5 Million.


Source: The Relatable

No comments

Seo Services