Binatang, Nag-Ipon Ng Tig-Bebente Mula Sa Pinagbentahan Niya Ng Isda, Kinahangaan Ng Netizens

May kasabihan tayo na “Kapag may sinuksok ay may madudukot”. Ito ang pinatunayan ni Gerdan Tolero na labing 22 taong gulang kung saan ay nakaipon ito ng isang drum na 20 pesos bills mula sa kanyang pag tatabi ng pera araw-araw.

Si Gerdan ay nagtitinda ng gulaman at isda. Ayon sakanya noong una ay nakapag tabi lamang siya ng 30 na piraso P20 bills nito lamang buwan ng January. At ngayon nang binuksan niya ang kanyang ipon ay napakarami na nitong naipon P20.

Ayon din sakanya, hindi nito ginagastos ang kanyang pera at ginagamit niya lang ito kapag emergency. Lagi niya din iniisip muna kung kailangan niya ba ang isang bagay na kanyang bibilhin bago ito kanyang bilhin.

"Pag gumastos po ako iniisip ko kung talagang kailangan po, 'yong mga wants, luho, 'di ko po muna pinapasok. Talagang wala sa isipan ko,"

Ang kanyang istorya ay naipalabas nito lamang May 3, 2021 sa GMA News TV at marami ang humanga sakanya matapos mapanood ang istorya ng kanyang pagiipon.


Maraming netizen din ang nagbahagi ng kanilang kumento sa ginawang pagiipon ni Gerdad na talaga namang nakakainspired at kahanga-hanga.

“Magiging milyonaryo tong batang ito, masipag at madiskarte.”

“Oh bakit c kuya nakakaipon kahit 20 lang. Tyagaan lang yan at disiplina. Pero yung iba kung sino pa ang walang silbi ay siya pang mabisyo at maluho sa katawan. Good on you kuya”

“This video actually show na kahit anong antas mo sa buhay kung madiskarte ka sa sarili mo, you dont need anyone to help you kaya mong tumaas without the help of others, at take note tumaas siya ng di nanghihila ng iba pababa, kaya sa mga taong reklamo lang ang alam, matuto muna kayong dumiskarte sa buhay”

Tunay ngang kahanhga-hanga ang dedikasyon at desiplina sa pag-iipon ni Gerdan. Patunay na napakalaking bagay ang maidudulot sa pag-iipon kapag lagi nating isasaalang-alang muna ang ating pangangailangan bago ang ating gustong mga bagay.


Source: The Relatable

No comments

Seo Services