Sa edad na 75 taon ay pumanaw na si Ricardo F. "Ricky" Lo o mas kilala bilang Ricky Lo, nito lamang May 4, 2021. Si Lo ay nakilala bilang veteranong entertainment columnist, TV host, at isa sa mga long time employer ng “The Philippine Star”.
Ang kanyang pagpanaw ay ibinahagi sa Facebook post ng Philippine Star, kung saan binigyan ito ng tribute bilang highly respected journalist in showbiz circles.
“You will be remembered, Sir Ricky 🙏
It is with deep sorrow that we announce the passing of our beloved Entertainment editor and columnist Ricky Lo on May 4, 2021.
Ricky Lo popularized the decades-long Funfare column in The Philippine STAR, and was a highly respected journalist in showbiz circles.”, post mula sa socialmedia page ng Philippine Star sa Facebook.
Hindi sinabi ng Philippine Star ang naging dahilan ng kanyang pagpanaw. Pero ayon sa kanyang kapatid na si Susan Lee, ang naging dahilan ng pagkamatay nito ay dahil sa stroke. Ito ay kanyang sinabi sa interview sakanya ng ABS-CBN NEWS.
Si Lo ay nagtrabaho bilang isa sa mga Associate Editors and Entertainment editor’s ng The Star. Kung saan dito ay linggo linggo niyang nililimbag ang kanyang FunFare column para sa entertainment section. Siya ay nag nag trabaho dito ng 35 taon.
Dagdag pa dito ay naging host din ito sa ilan sa mga Entertainment shows sa telebisyon ng ABS-CBN at GMA-7.
Nagpahatid naman ng pakikiramay ang ilang mga netizens na nakakilala sa veteranong entertainment columnist. Ang kanilang pakikiramay ay kanilang ibinahagi sa pamamagitan ng pag comment sa post ng Philippine Star sa Facebook at Twitter.
Si Ricky Lo ay ipinanganak noong April 21, 1946 sa Las Navas, Municipality in Samar. Ilan sa mga award na natanggap nito ay ang PMPC Star Awards for TV Best Male Showbiz Oriented Talk Show Host.
Source: The Relatable
No comments