Dahil sa nangyaring pagkakagulo sa inilunsad na community pantry ng aktres na si Angel Locsin upang i-celebrate ang kanyang kaarawan, ay pinag-iisipan ng Barangay Holy Spirit, Quezon City, na sampahan siya ng reklamo dahil sa paglabag umano sa protocols ng IATF.
Ayon kay Barangay Holy Spirit Councilor Jomar Logarto, hindi raw nakipag-coordinate sa kanila ang kampo ni Angel kaya walang nailatag na sistema para sa crowd control.
Nagulat na lang daw sila dahil hindi na kinaya ng mga barangay tanod at mga tauhan ng Task Force Disiplina ang pagdagsa ng mga tao.
Samantala, sa kanyang social media ay sinabi ni Angel na nakipag-ugnayan naman raw sila sa barangay, munisipyo, pulis at maging sa military officials upang maipatupad ang safety protocols.
Hindi lang daw talaga kinaya ng mga awtoridad ang dami ng tao kaya nagkagulo at nawala ang maayos na sitwasyon.
Isang senior citizen rin ang inatake at binawian ng buhay habang nakapila sa community pantry ni Angel.
Naglabas ng pahayag si Quezon City Mayor Joy Belmonte kaugnay sa nangyaring insidente.
Narito ang kanyang pahayag:
"We are deeply saddened by the untimely de*th of Mr. Rolando dela Cruz, 67 years old, who perished during a community pantry organized by actress and philanthropist Angel Locsin.
The city government will shoulder the burial expenses of Mr. dela Cruz, and will extend financial assistance to his family.
While Quezon City will continue to throw its full support behind community pantry initiatives, this unfortunate incident should serve as an important reminder for organizers to please be reminded of my appeal to coordinate all efforts with the barangay, and if necessary, with the LGU.
The barangay and local government are here to assist with crowd control and health protocols, to ensure that untoward incidents are minimized.
Advanced coordination will allow all stakeholders to be proactive, rather than reactive.
Sadly, in this case, we were not advised regarding any plans, which would have surely made a difference in the outcome of today's events.
My dear QCitizens, let us continue to be kind and compassionate, but practice foresight while doing both."
Sa kanyang Facebook account ay humingi naman ng pasensiya ang aktres sa mga hindi inaasahang pangyayari.
“Kahit na anong paghahanda naman po natin para ma-avoid ‘yung mga ganitong gulo, hindi lang po talaga siya makontrol. Kahit na nandito na po ‘yung munisipyo, nandito na ‘yung military, pulis, ‘yung barangay. Lahat po nandidito na po, hindi lang po talaga namin ma-kontrol.”
“Hindi po ito ang gusto ko. Nagsimula po kami na maayos po ang aming layunin. Pati ang pagpa-plano ng social distancing. Nagkataon lang po siguro talaga na gutom lang ‘yung tao na kahit wala po sa pila sumisingit na po sila,” sabi ni Angel
“Pasensiya po, pasensiya po. Gusto ko lang po i-celebrate ‘yung birthday ko sana na makatulong po ako sa mga tao. Hindi ko po intensyon na makagulo. Pasensiya na po,” dagdag nito.
***
Source: PEP
Source: News Keener
No comments