Angel Locsin, labis ang pag-iyak sa isang interview patungkol sa nangyaring insidente sa kanyang community pantry

Hindi na napigilan ng aktres at philanthropist na si Angel Locsin ang mapaiyak sa isang interview ng TV Patrol patungkol sa nangyaring insidente sa kanyang inilunsad na community pantry sa Holy Spirit, Quezon City.
Angel Locsin / Screengrab from TV Patrol

Sa umpisa ng interview ay tinanong si Angel kung ano ba talaga ang nangyari bakit nagkagulo at hindi na nasunod ang safety protocols.

Kung ano man po yun dahilan kung bakit umabot sa ganun, maraming factors po. Maaaring sa pag-post ko po, though wala naman po sigurong taong normal na mage-expect sa isang post mo na ganun karaming taong mag-distribute," sabi ng aktres.

Maririnig ang garalgal at naiiyak na boses ni Angel habang sinasabi na aakuin niya lahat ng responsibilidad sa nangyaring insidente.
Angel Locsin / Photo credit: Facebook
Angel Locsin / Photo credit: Facebook

"Inaako ko po yung pagkakamali ko na iyon, hindi ko rin po inakalang ganun karami yung magri-risk na tao na ganun kagutom, na kailangan talaga ng pagkain. Ang sinabi po namin is 10AM magbubukas, pero dumating po ako dun ng mga alas siyete po ng umaga,” sabi ni Angel.

"Mahaba na po yung pila. Wala na rin po akong ibang masisisi dun, pero yun po sa mga pumila ng alas tres, alas kwatro, hindi ko po inakalang gagawin nila yun kasi ang alam ko po alas singko po ng umaga ang tapos ng curfew, ang cut off ng curfew,” dagdag nito.

Sinabi rin ng aktres na sinunod naman ng kanyang kampo ang ipinapatupad na safety protocols at nung napansin nilang dumadami na ang mga tao ay agad silang humiling ng tulong sa munisipyo.
Photo credit: Facebook
Photo credit: Facebook

Handa rin daw tumulong si Angel sa pamilya ni tatay Ronaldo dela Cruz, ang senior citizen na inatake at binawian ng buhay habang nakapila sa community pantry.

Tinanong rin ang aktres kung magsasagawa pa ba ulit ito ng community pantry sa kabila ng mga hindi inaasahang pangyayari.
Angel Locsin / Screengrab from TV Patrol
Angel Locsin / Screengrab from TV Patrol

"Wala na po. Hindi na po. Humihingi lang din po ako ng tawad sa lahat. Sa lahat po ng naabala, hindi ko po talaga intensyon," sagot ni Angel habang umiiyak.

"Pasensya na po talaga. Alam ko po na walang papel or silbe yun paghingi ko ng tawad o pasensya dahil sa mga nangyari pero wala na po talaga akong masabing iba kundi sorry lang po talaga."

Panoorin ang video sa ibaba:


***
Source: TV Patrol 

Source: News Keener

No comments

Seo Services