Naaresto kamakailan ng mga barangay officials at pulis ang pool legend na si Efren “Bata” Reyes matapos umano nitong sumali sa paglalaro ng billiards sa San Pedro City, Laguna.
Makikita sa video si Reyes kasama ang ilang mga taong naglalaro at nanonood sa nasabing laro.
Mapapanood rin sa video ang pagkumpiska ng mga pulis sa billiards equipment. Ayon sa kanila, wala raw permit ang ginawang paglalaro.
Ang mga pulis ay nakasuot ng swat t-shirt at may dalang assault rifle habang iniisa isa ang mga taong nasa bilyaran.
Batay sa protocols, ang larong bilyar ay isa sa mga pinagbabawal na sports ngayong pandemya.
"Lahat ng andito, wala ng aalis, wala ng tatakbo. Sa barangay tayo," maririnig sa video.
Si Reyes ay edad 66-year-old at ayon sa protocols ay hindi dapat lumalabas ang mga katulad nilang senior citizens.
Panoorin ang video sa ibaba:
Umani naman ng iba’t ibang reaksyon ang naging asta ng mga pulis sa nasabing video.
Source: News Keener
No comments