Lalaking Ginawang Colostomy Bag Ang Galon Ng Tubig, Patuloy Na Kumakayod Para Sa Pamilya

“Kung ayaw may dahilan at kung gusto naman ay may paraan”.

Ito ang pinatunayan ng isang batang lalaki na si John Paul, na pilit kumakayod at kinakaya ang hamon ng buhay sa kabila ng kanyang hindi magandang kondisyon.

Si John Paul ay dumaan sa proseso na tinatawag  na“Colostomy”. Kung saan kinakailangan ilabas ang kanyang bituka.  At ayon sa ibinahaging kwento ng “Kapuso Mo Jessica Soho”, taong 2019 pa daw ng magkaroon ito ng tinatawag na colostomy bag. At gusto na nito maging maayos muli ang kayang kundisyon ngunit sa ilang mga kadahilanan ay hindi pa rin naibabalik ang kanyang bituka sa loob ng kanyang katawan.

Dahil sa hindi biro ang gastos na kinakailangan araw-araw para sa tinatawag na colostomy bag ay gumawa na lang ito ng sariling paraan upang makatipid. Ang kanyang ginawa ay kumuha ito ng tubo ng drain ng washing machine at malaking galon na lalagayanan ng tubig, at ito ang kanyang ginawang colostomy bag.

Ayon kay John Paul, 50 beses daw sila kung magdrain ng colostomy bag at dagdag pa niya ay maliit lamang ang lalagyanan na iyon kaya upang mas makatipid ay gumawa na lang ito ng sariling colostomy bag.

Hindi biro ang pagsubok na kinahaharap ni John Paul, kung saan ayon sakanya ay marami ang diring-diri sakanya kaya lagi niyang dala ang kanyang bag upang dito maitago at mailagay ang kanyang sariling gawang colostomy bag.

Sa kabila ng hirap na kinakaharap niya ay hindi pa rin ito nawawalan ng pag-asa na maibabalik muli ang kanyang bituka sa loob ng kanyang katawan.

Dagdag pa dito, Hindi pa rin ito tumitigil na magtrabaho upang may maipang suporta sa kanyang pamilya at ayon sakaya, siya ang bread winner ng kanyang pamilya.

Ang kwento ni John Paul na naitampok na sa KMJS ay umabot na ng mahigit sa 360K na reaction at 13K comments at 22K shares, sa socmed. Maraming netizens ang nakita ang kanyang istorya at naaintig ang damdaminin, na sakabila ng kanyang kundisyon ay patuloy na lumalaban at hindi sumusuko sa hamon ng buhay.


Source: The Relatable

No comments

Seo Services