Isa sa pinaka masayang araw na siguro sa mga taon na dumadaan ay ang pagsapit ng iyong kaarawan. Blessing na maituturing kung ikaw ay malusog at walang nararamdamang sakit sa iyong katawan.
Higit pa dito ay blessings din na maituturing kung ikaw ay may handa sa iyong kaarawan katulad ng cake at masasarap na mirienda. Dagdag pa dito ang iyong mga kaybigang bisita na magbibigay ng pagmamahal at katatawanan sa iyong kaarawan.
Karaniwang makita natin sa mga palabas at okasyon ang katuwaan na isinasampal o idinudokdok sa may kaarawan ang cake na inihanda para sakanya. Tunay nga naman nakakatuwa ito pero lingid sa kaalaman ng iba ang ganito palang gawain ay maaaring magdulot ng kapahamakan.
Katulad na lamang ng nangyari sa ibinahagi na post ng socmed page Chef like.lk. kung saan aksidenteng natuksok ng stick ng cake sa muka ang isang babae.
Ayon sa pahina na nagbahagi ng post, ang stick na tumusok sa muka ng babae ay galing sa loob ng cake. Hindi sinabi kung papano ito napunta doon pero ayon sa mga netizens. Ito ay ginagamit ng mga nagagawa ng cake upang mabalanse ang naka display na decoration nito. Madalas din itong nilalagay ng mga nag gagawa ng cake upang pang suporta sa cake.
“There are pastries that place chopsticks inside the cakes, so think twice before you push someone’s head into celebrations.”, Ayon sa ibinahaging post sa socmed.
Makikita sa larawan na muntik nang tumusok ang stick sa mata ng babae pero mabuti na lamang at hindi tumama sa mismong mata nito.
Agad naman din nabigyan ng luna ang nangyari sa babae na makikita sa larawan sa ibaba. Kung saan ay naalis na ang stick na tumasok sa kanyang muka at mayroon na itong bandage.
Ang pangyayaring ito ay isang magandang paalala sa ating mga kakilala o kaibigan na wag gawing biro ang pagsampal ng cake sa muka dahil maari itong makapag dulot ng aksidente. Katulad na lamang ng nangyari sa babae.
Napakalaking tulong na maibahagi sa iba ang pangyayari na ito upang magkaroon ng kamalayan tungkol sa pwedeng maidulot ng ganitong gawain.
Source: The Relatable
No comments