Leila Alcasid buong tapang na sinagot ang isang bastos na netizen

Buong tapang na sinagot ni Leila Isabel Alcasid ang isang bastos na netizen na nagkomento sa ipinost niyang larawan kasama ang kanyang boyfriend.
Photo credit: Leila Isabel Alcasid Instagram

Sa in-upload na larawan ni Leila, makikita ang simple at sweet na larawan nila ng kanyang magkasintahan.

Si Leila ay anak ng aktor/singer/composer na si Ogie Alcasid kay Michelle van Eimeren.

Wala namang mali o malaswa sa larawan ngunit isang netizen ang nag-iwan ng bastos na komento.

"Nakakapanghinayang bata pa pero laspag nah ng jowa tsk" sabi ng netizen.
Photo credit: Leila Isabel Alcasid Instagram
Photo credit: Leila Isabel Alcasid Instagram

Matapang at kalmado naman itong sinagot ni Leila.

"I don't want to mind comments but this is so rude. I'm in a happy, loving relationship with a very respectful person and would prefer we not be referred to this way. Thank you."



***
Source: KAMI

Source: News Keener

No comments

Seo Services