Mag-ama nakatira sa kariton matapos mawalan ng trabaho ang tatay

Dahil sa krisis na dulot ng pandémya, marami ang nawalan ng trabaho at mas lalong humirap ang buhay.
Photo credit: Niño Jesus Orbeta

Ang ilan sa atin ay namamalimos na lamang sa kalye upang may maipambili ng pagkain. Ang ilan naman ay nawalan ng tirahan o pinaalis sa inuupahang bahay dahil wala ng maibayad.

Samantala, viral sa social media ang kwento ng mag-amang nakatira sa kariton matapos mawala ng trabaho ang tatay bilang isang construction worker.

Dahil walang trabaho si tatay Rodel Mojica, 46, hirap din sila sa pang araw-araw na pagkain. Katulad ng ibang nawalan ng trabaho, walang ibang magawa si tatay kundi ang umasa sa ayuda ng gobyerno at ilang mababait na kababayan natin.

Kasama din tatay Rodel ang kanyang apat na taong gulang na anak na si Ruben.

Kuha ng photographer na si Niño Jesus Orbeta ang mga larawan ng mag-ama kasama ang kariton na kanilang tinitirhan.
Photo credit: Niño Jesus Orbeta

Aniya, nakakaraos raw ang mag-ama sa araw-araw sa pamamagitan pangangalakal at pagbebenta nito sa junk shops.

"Kahit gaano kahirap ang buhay, basta kasama ko ang anak ko dito sa bahay namin masaya na ako," sabi ni tatay Rodel.

Ani tatay Rodel, kuntento siya sa kanilang tinitirhan na kariton dahil kahit papaano ay napoprotektahan sila laban sa init ng araw at ulan.

"Kahit may gulong ang bahay namin okay na rin ito kasi minsan pinapaalis kami dito sa pwesto namin. Kasi itutulak ko lang ayos na, pwede na kaming lumipat ng lugar ng anak ko,” saad ni tatay.

"Nilagyan ko na nga ng bubong ito, kasi tag-ulan na. Hindi na kami mababasa pag umulan,” dagdag nito.
Photo credit: Niño Jesus Orbeta
Photo credit: Niño Jesus Orbeta

Ayon naman sa ulat ng GMA News, wala na raw ang asawa ni tatay Rodel matapos itong tamaan ng tuberculosis noong isang taon.

Simula noon ay mas naging mas malapit si Ruben sa kanyang ama at lagi raw itong umiiyak sa tuwing aalis si tatay Rodel upang mangalakal.

Kaya naman hinihintay muna ni tatay Rodel na makatulog si Ruben bago ito umalis.

Minsan ay nakakakuha umano si tatay ng mga laruan at ilang damit mula sa pangangalakal.
Photo credit: Niño Jesus Orbeta

Paborito raw ni Ruben ang pizza, kaya naman tuwing may mapapadaan na pizza vendor ay talagang nasasaktan si tatay Rodel dahil hindi nito maibigay ang gusto ng anak.

Sa kabila nito ay hindi nawawalan ng pag-asa si tatay at sinabing gagawin niya ang lahat para sa kanyang anak.

"Hindi ko iiwanan 'to kahit anong mangyari. Kahit makulit 'to mahal na mahal ko 'to e. Ito na lang ang naiwan sa akin ng asawa ko e," sabi ni tatay Rodel.

Narito ang ilang komento ng mga netizens:








***

Source: News Keener

No comments

Seo Services