Nagbigay ng kanyang opinyon ang Filipino rapper na si Gloc-9 patungkol sa kontrobersyal na kantang “Panalo” ng baguhang rapper na si Ez Mil.
Kilala si Gloc-9 sa kanyang mga sikat na awiting may malalim at makabuluhang mensahe, katulad ng “Upuan”, Simpleng Tao," "Halik," "Sirena," at "Magda."
Sa isang artikulo ng PEP.ph, hiningian nila ng reaksyon si Gloc-9 kung ano ang masasabi niya sa isyung kinasasangkutan ni Ez Mil.
Narito ang ilang lyrics sa kantang “Panalo” kung saan may mga umalmang netizens.
“Nanalo na ako nung mula pa na/ Pinugutan si Lapu sa Mactan/ At lahat ang nasaktan na/ Nalaman nila na pinatay/ Ang kanilang bayani/ Sa karagatan ng bansa/ Na pag-aari ng Pilipino…”
Pahayag ni Gloc-9, "Tingin ko, sa panahon na lagi nating kinukuwestiyon ang facts at kasaysayan para sa interes ng makapangyarihan, mas mahalaga ngayong nagiging maingat tayo sa paggamit nito sa ating mga kanta. Ayaw kasi nating makadagdag sa disinformation.”
"Pero napakalaking bagay para sa akin ng kanyang pag-amin sa kanyang pagkakamali kasi hindi rin yun madali,” sabi ni Gloc-9.
"Sana hindi siya tumigil sa paggawa ng kanta dahil lang rito. Bata pa naman siya at marami pa siyang pagkakataon para ipakita ang mga likha niya,” dagdag nito.
Ayon sa ating kasaysayan, hindi napugutån ng ulo si Lapu-Lapu sa Mactan, bagkus si Ferdinand Magellan pa ang napaslang noong panahong yun.
Samantala, humingi naman ng paumanhin si Ez Mil at ipinaliwanag na sinadya niyang gawin ang ganung lyrics dahil sa "rhyming pattern."
Nagbigay naman ng payo ang veteran rapper sa mga nangangarap pasukin ang mundo ng music industry.
"Sulat lang nang sulat. Mangarap lamang nang mangarap."
Panoorin ang kantang Panalo ni EZ Mil sa ibaba:
***
Source: PEP
Source: News Keener
No comments