Ama, kasama ang 1 month old na baby sa pagtitinda matapos silang iwanan ng kanyang asawa

Ang pagmamahal ng isang magulang para sa kanilang mga anak ay walang katapusan. Kaya nilang magsakripisyo at ibigay ang lahat upang magkaroon ang mga ito ng magandang kinabukasan.
Photo credit: Cristina Magpuyo Birao

Ngunit aminin man natin o hindi, hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganito ang nangyayari lalo na kung hindi magkasundo ang mga magulang.

Kapag ang mga magulang ay naghiwalay, tiyak na maaapektuhan ang kanilang mga anak.

Katulad na lamang ng isang lalaking dala-dala ang 1month old na anak habang naglalako matapos silang iwanan ng kanyang asawa.

Sa Facebook post ng netizen na si Cristina Magpuyo Birao, ibinahagi nito ang larawan ng lalaking may dalang sanggol habang nagtitinda.

Kinilala ang lalaki na si King Brian taga Barangay Batasan, Quezon City.

Ayon kay Cristina, dala-dala raw ni King ang sanggol sa pagtitinda dahil walang magbabantay o mag-aalaga. Dagdag niya, iniwan raw sila ng asawa nito tangay ang isa pa nilang anak.
Photo credit: Cristina Magpuyo Birao

Ani Cristina, trabaho raw niya ang hulihin si King dahil bawal ang kanyang ginagawang pagdadala ng anak sa labas ngayong may kumakalat na sakit, ngunit dahil isa rin siyang magulang ay naiintindihan niya ito.

Panawagan niya sa mga netizens ay bigyan ng tulong ang lalaki upang sa bahay na lamang ito magtinda dahil delikado ang kalagayan ng sanggol.

humihingi lng sana ako ng kunting tulong para kahit papano nsa bahay nlng sna sya mgtinda para dina ma xpose ang kanyang baby,” sabi ni Cristina.
Photo credit: Cristina Magpuyo Birao

Narito ang buong post:

“king brian A.K.A marian kung taga Barangay Batasan  ka makikilala nyo sya nadaanan ko po sya habang ngttinda kasama ang isang buwang baby nya nakakalungkot kylangan nyang kumayud para mpakain ang baby nya dahil ung nanay itinakas ang isa nilang anak at kaya niya dala dala ang baby nya dahil walang mgbantay(opo naka uniform po ako at trabho ko po sana ang kuhanin sila or bgyan ng violation pero sa paliwanag nya bilang magulang naiintindihan ko po sya...)humihingi lng sana ako ng kunting tulong para kahit papano nsa bahay nlng sna sya mgtinda para dina ma xpose ang kanyang baby sa mga gustung tumulong po pwd nyo po ako kontakin o kya sa ating brgy.dahil kulang po ang naibigay kung tulong sa knya kahit papano my pang gatas sya sa baby nya...

PLS..RESPECT my post po”

Sa iba pang post ni Cristina, sinabi nito na may mga netizens ang napapadala sa kanya ng mensahe at gustong magbigay ng tulong sa lalaki.

In-upload din nito ang ilang larawan ng mga taong tumulong kay King.
Photo credit: Cristina Magpuyo Birao
Photo credit: Cristina Magpuyo Birao
Photo credit: Cristina Magpuyo Birao
Photo credit: Cristina Magpuyo Birao

Narito naman ang ilang komento ng mga netizens:



***

Source: News Keener

No comments

Seo Services