TIMID ka ba? Mahiyain, Takot at kulang sa kumpiyansa?

Ano nga ba ang TIMID? Ito ay isang pang uri na ang ibig sabihin ay pagpapakita ng kakulangan sa tapang o kumpiyansa. Ang pag urong-sulong sa mga desisyon kung ito ay iyong haharapin at pag-dadalawang isip na baka ikaw ay mabigo ay pagpapakita ng pagiging "TIMID"


Marahil sa eskwelahan o trabaho ay napapalibutan ka ng mga taong may kanya-kanyang pag uugali. Minsan pa nga ay iba't ibang lahi, iba-iba ng kakayahan, paniniwala at hilig na para bang ang hirap hirap pakisamahan. Kasabay nito ang pagiging likas sa ibang mga Pilipino na bumaba ang moral o ma-insecure kapag ito ay hirap makisalamuha sa iba.

Pero paano nga ba tayo makikipagsabayan o magkakaroon ng tapang para tumayo at ipamalas ang ating husay? Hayaan mong bigyan kita ng 5 simpleng gabay para dito.

1. Alamin ang iyong kakayahan - Minsan hindi tayo komportable na magsalita sa harap ng ibang tao. Pero kung alam mo ang iyong kapasidad, napag-aralan mo na ang isang bagay at ikaw ay hinubog na ng iyong karanasan. Madali mo ng maipapaliwanag o maisasagawa ang mga nararapat sa harap man ng maraming tao.

2. Hasain ang iyong kakayahang makipag-ugnayan - Ang pagkakaroon ng mahusay na pananalita o pakikipagusap ay magbibgay sayo ng kakayahang makisama at makipag kapwa-tao. Siguradong angat na angat ka kung taglay mo ang mga ito.

3. Isaisip na tayong lahat ay pantay-pantay - Halimbawa sa trabaho, maraming Pilipino ang bumababa ang tingin sa sarili kapag napasama sa mga pormal na indibidwal o ibang mga lahi. Ngunit hindi ka naiiba sa kanila. Lahat tayo ay may kakayahang mag-isip, maaaring pareho ng pinanggalingan at higit sa lahat, tao lang at pantay-pantay.


4. Ipakita mo kung sino ka - "Just be yourself" ika nga. Hindi mo kailangan mag-panggap para lang makasabay sa iba. Maging totoo ka lang sa sarili at sa kapwa, at tiyak na ito'y malaking tulong upang tumaas ang iyong kumpiyansa.

5. Maging karapat-dapat - Kilala ang mga Pilipino sa buong mundo na talentado, palaban, hindi umaatras sa ano mang hamon. Kaya huwag mahiyang ipamalas ang iyong kakayahan at galing. Wag makuntento sa ibaba at tulungan mo ang sarili mong umangat.

Kung mayroon isang tao na naniniwala sa iyong kakayahan, iyon ay walang iba kundi IKAW! Ang iyong angking galing at abilidad ay dapat lagi mong isapuso. Kung magtitiwala ka lang sa'yong sarili ay hindi ka na mag aalinlangang sabihin na ikaw ay hindi isang "TIMID"

Source: News Keener

No comments

Seo Services