Isang hacker ang umorder sa Food Panda ng pagkain gamit mismo ang credit card ni Senator Gatchalian. Laking gulat ng senador kung bakit ito nangyari lalo pa't malaking pera ang nawala sa kanya.
Inilaan ng hacker ang mahigit 1M na halaga sa pag order ng pagkain sa Food Panda.
Ayun pa sa nasabi ng Senador sa kanyang twitter account;
"My credit card has just been hacked!" pahayag ni Sen. Sherwin Gatchalian sa kanyang Twitter account.
"May nag order ng P1M worth of food sa Food Panda in less than an hour. Ano yan lauriat para sa buong barangay???" saad pa niya.
Apat na seperadong check out ang ginamit ng hacker ang mga ito ay nagkakahalaga nang; P300,851, P356,517, P323,247 at P92,265!
Mahigit 1.2M ang halaga ng nasabing bayarin kung susumahin. Para saan kaya ang inorder ng hacker na iyon?
"The hacker managed to change my registered phone number so he got the OTPs. He knew what he was doing. I just don't know how he will eat a million worth of food," dagdag pa ng Senador.
Marami naman ang nagtaka kung para saan ang inorder ng hacker. Patuloy parin ang pag iimbistiga kung saan nga ba inilaan ng hacker ang mahigit isang milyong inorder niyang pagkain.
Source: The Relatable
No comments