Pinay OFW sa UAE, nanalo ng 1.3 million matapos magpadala ng pera sa kanyang ama

Isang single mom na Overseas Filipino Worker (OFW) ang nanalo kamakailan ng Dh1 million o P1.3 million sa isang raffle draw ng Al Ansari Exchange.
Nina Elmina Sanchez / Photo credit to the owner

Ang Al Ansarai Exchange ay isang UAE-based foreign exchange and worldwide Money Transfer Company. 

Kinilala ang pang pitong millionaire na si Nina Elmina Sanchez, 32, sa isinagawang live draw para sa 2020 Winter Promotion.

Si Nina ay nagtatrabaho bilang guest service agent sa isang hotel. 
Nina Elmina Sanchez / Photo credit to the owner

Matapos niyang magpadala ng Dh186 sa kanyang ama ay nakasali si Nina sa isang raffle draw ng Al Ansari Exchange.

Ang reward program ng Al Ansari Exchange ay nagbibigay sa kanilang mga customers na nagpapadala ng pera na magkaroon ng tyansang mapanalunan ang jackpot, mamahaling sasakyan at iba pa.
Photo credit: Dubai OFW

This was a challenging year for everyone, and as a way to thank our loyal customers we have gone ahead with out 7th Millionaire promotion,” sabi ni Mohammad Bitar, Deputy Chief Officer ng Al Ansari Exchange.

Congratulations to our new millionaire and to all the winners. We were trully overwhelmed this year by the number of participants. We would like to thank the Department of Economic Development, Bank Al Falah, our sponsor for this promotion, and of course our valuable customers for their continued support,” dagdag nito.

Ayon kay Nina, tiyak na gaganda ang kanilang buhay dahil sa napanalunang pera. 

Kwento niya, kumikita siya ng Dh2000 o P26,000 kada buwan na kanyang ipinapadala sa Pilipinas upang suportahan ang kanyang 12-year old na anak ang mga magulang.

There were times when I sent nearly all of my salary back home,” saad ni Nina.

I wouldn’t have any money left and would rely on my sister and cousin here to help me. But, now everything is going to change. It still feels like a dream – I cannot believe it.

“Sometimes, I would have to sleep hungry, but my family and friends here did really help me.”
 Photo credit to Dubai OFW
 Photo credit to Dubai OFW

Nasa trabaho raw si Nina nang makatanggap ng tawag at malaman ang magandang balita. Inakala pa raw niya itong isang prank call.

Itatabi raw ni Nina ang malaking halaga sa kanyang napanalunan para sa pag-aaral ng kanyang anak.

I have been in the UAE for a year only and the last thing I expected was to become a millionaire. What a great start for 2021, thank you Al Ansari Exchange for giving me this opportunity and changing my life,” sabi ni Nina.


***
Source: Dubai OFW

Source: News Keener

No comments

Seo Services