Libo-libong netizens ang humanga sa kabayanihang ipinamalas ng ating bida mula sa Philippine Coast Guard (PCG) na nagsauli ng wallet sa may ari kamakailan sa NAIA terminal 2. Ang laman ng pitaka ay tinatayang nagkakahalaga ng 180,000 libong piso.
Ito ay naganap kasabay ng malawakang pag-uwi ng mga OFW noong nakaraang buwan.
Imahe mula sa Philippine Coast Guard/Facebook
Ayon kay Jacob, isang OFW mula Saudi Arabia, hindi niya akalain na mawawala ang kaniyang wallet na naglalaman ng 3,700 libong dolyares o katumbas ng 180,000 libong piso, habang sumasailalim sa One-Stop Shop (OSS). Ang OSS ay isang quarantine procedure na isinasagawa ngayon sa NAIA terminal 2 para sa mga pasahero o mga OFW na dumarating mula sa ibang bansa.
Imahe mula sa Philippine Coast Guard/Facebook
Imahe mula sa Philippine Coast Guard/Facebook
Kinilala ang ating bida bilang si Denrieve John P Sajili, isang Seaman first Class (SN1) ng PCG na hindi nagdalawang-isip hanapin at isauli kaagad sa may-ari, ng matagpuan niya nag wallet nito.
Dagdag pa ni SN1 Sajili, "Dugo't pawis po niya ang puhunan ng pera na iyon para maiuwi sa pamilya niya. At turo po sa amin sa Islam: When you help others, Allah will help you in return,"
Imahe mula sa Philippine Coast Guard/Facebook
Imahe mula sa Philippine Coast Guard/Facebook
Narito ang komento at pagpapasalamat ni Jacob para sa mga magigiting nating Philippine Coast Guard:
“Magandang Umaga po sa lahat ng COASTGUARD sa NAIA 2 mabuhay po kayo mga bayaning pilipino , Ako po ay isang OFW dumating ng pilipinas galing Dammam sa Saudi nung 2ND week ng December sobra pasalamat ko po sa COASTGUARD lalo napo kay Sir Sajili/Sadjili ng coastguard sa NAIA 2 dahil naibalik po nya ang nawala kong pera sa NAIA 2 ,na pinagipunan ko po sa saudi na nagkakahalaga ng 3700 US Dollar.Sobra pasasalamat ko po sa COASTGUARD pati narin sa OWWA mabuhay po kayo.. God blessed po sa inyong lahat"
Imahe mula sa Philippine Coast Guard/Facebook
Imahe mula sa Philippine Coast Guard/Facebook
Tunay nga namang kahanga-hanga ang kabutihang loob na ipinamalas ni SN1 Denrieve John P Sajili. Sa kabila ng pandemyang kinakaharap natin ay nangibabaw pa rin ang kaniyang pagiging tapat sa serbisyo at malasakit sa kapwa. Nawa’y magsilbing inspirasyon ka sa buong ahensya ng gobyerno.
Source: News Keener
No comments