Pangarap ng batang laki sa pamamalimos, pumukaw sa puso ng mga netizens: “Pag ako naging mayaman, TUTULUNGAN KO LAHAT NG MAHIRAP”

Dahil sa kahirapan ng buhay ay maraming bata ang namamalimos sa kalye. Hindi man nila ito gusto ngunit kailangan nilang gawin upang kahit papaano ay mayroon silang maipambili ng pagkain.
Photo credit: Jewel Calerio 

Hindi naman lingid sa ating lahat na mas gustong matanggap ng mga namamalimos ay pera imbes na pagkain. Minsan kahit bigyan mo sila ng pagkain ay hindi nila ito tatanggapin.

Mayroon din ilan na hindi man lamang marunong magpasalamat sa kung anong kaya nating ibigay sa kanila. 

Kaya naman nakakatuwa ang mga batang marunong magpasalamat sa kung ano man at gaano man kaliit ang kanilang natatanggap.

Katulad na lamang ng batang kinilala sa pangalang Patrick na pumukaw sa puso ng mga netizens.

Sa Facebook post ng netizen na si Jewel Calerio, ibinahagi nito ang narinig niyang usapan ni Patrick at ng isa pang bata.
Jewel Calerio / Photo credit from her Facebook

Kwento ni Jewel, habang hinihintay ang order niyang pagkain ay lumapit si Patrick at nanghihingi ng pagkain para sa kanila ng kanyang ina.

Tinanong siya ni Jewel kung ano ang gusto niya, sumagot naman ang bata at sinabing “Isang order lang po, hati na kami ni mama.

Habang naghihintay ay narinig ni Jewel ang usapan ni Patrick at kasama nitong bata na talaga namang ikinatuwa niya.

’andameng tao ngayon noh? Pag ako naging mayaman, TUTULUNGAN KO LAHAT NG MAHIRAP’.” sabi ni Patrick.

Ayon kay Jewel, nakakatuwa ang mga batang katulad ni Patrick dahil hindi ito nanghihingi ng pera at marunong magpasalamat.

Nakakataba ng puso, mas masarap mag share ng blessings sa mga ganitong tao,” sabi ni Jewel.
Photo credit: Jewel Calerio

Sa ngayon ay mayroon ng 13k reactions at 6.6k shares ang post ng netizen.

Basahin ang buong Facebook post sa ibaba:

“This kid approached us while we are waiting for our food to be served.

Kid: Ate, Bili mo po ako pagkain hati na kami ni mama. 
Kurt: Asan mama mo?
Kid: Andun po sa tabi ng Mini Stop.
Me: Anong gusto mo?
Kid: Isang order lang po, hati na kami ni mama. 

Tpos while waiting sa food na order namin sabi nya sa kasama nyang bata. 

'andameng tao ngayon noh? Pag ako naging mayaman, TUTULUNGAN KO LAHAT NG MAHIRAP'. 

Nakakatuwa lang, he never asked for money, tapos nag kkwento sya kung saan sya lumaki, na matagal na syang nanlilimos, kaso pinaalis sila. He thank us for so many times, as in kada mapatingin sya samin nag tthank you sya.

Nakakataba ng puso, mas masarap mag share ng blessings sa mga ganitong tao. 

May Godbless you and answer your prayers, I hope to see you helping more soon.”

Narito ang ilang komento ng mga netizens:







***

Source: News Keener

No comments

Seo Services