Ipinapakita ng mga kuha ng CCTV footage ang mga huling sandali nang isang 23-anyos na babaeng flight attendant, na nito lamang ay natagpuang wala nang buhay sa isang kuwarto sa isang hotel sa Makati, noong araw ng bagong taon.
Ayon sa ulat ni Marisol Abdurahman, tagapagbalita ng 24 Oras, makikita sa footage si Christine Dacera kasama ang mga kaibigang lalaki sa pasilyo sa labas ng kaniyang hotel room.
Sa isang screenshot noong ika-31 ng Disyembre, 11:38 p.m., mapapansing dala-dala nito ang kaniyang taking at wine glass katabi nang dalawang lalaki, sa labas ng Room 2209.
Makikita din sa isa pang screen grab, noong ika-1 ng Enero, 3;22 a.m.,si Christine na naka-paa habang kausap ang tatlong lalaki, samantalang ang isa pang lalaki ay nagmamasid sa kanila mula sa pintuan ng kwarto.
Ilang segundo lamang, makikitang isang lalaki na lamang ang kausap ni Christine, habang naglalakad paalis ang dalawang lalaki at tatlo pang kalalakihan ang nagtitingin-tingin mula sa dulo ng pasilyo.
Sinusuri na ng mga pulis ang mga kuhang ito.
Natagpuang si Dacera sa bathtub, katanghalian ng ika-1 ng Enero.
“Hindi po natin masasabi. It could be possible na meron siyang na-take or it could be possible na merong pinainom sa kanya unwillingly or hindi niya alam,”ani Metro Manila police chief Police Brigadier General Vicente Danao Jr.
“Hindi pa natin masabi talaga kasi wala pong nakakita sa aktwal na pangyayari at wala rin pong makapagsabi kung siya ba ay na-r4pe or meron bang pinainom sa kanya,” dagdag nito.
Sa ngayon, tatlong katao na ang nadakip at hinablahan ng r4pe at h0micide, kaukulan sa kam4tayan ni Dacera, habang ang siyam na iba pa ay kasulukuyang pinaghahahanap.
“If you have nothing to hide, then siguro I would advise you to voluntarily surrender yourselves sa police station. Kung takot po kayong sumurrender, puwede po kayong magpasama sa mga abogado ninyo, puwede rin po kayong pumunta sa simbahan, samahan ng pari. Kasi kung wala naman kayong kasalanan, e bakit kayo magtatago?”giit ni Danao.
Binalaan niya din ang mga taong huling nakitang kasama ni Dacera na naghihintay pa nang matagal bago lumabas kaysa sa mga awtoridad.
“Kasi pag lumabas ‘yung warrant of arrest, e baka manlaban kayo. Alam niyo na sa’n kayo pupunta,”babala ni Danao.
Sinabi rin ng regional director na maaring managot ang hotel management kalakip sa insidenteng nangyari.
“If their room is only good for four, dapat dalawa lang [ang occupants] kasi GCQ (general community quarantine) pa tayo ngayon e. So why did they allow ‘yung gano’n karami? Two rooms, ten people. So it’s already a violation of the IATF rule,” anito.
Humingi rin ang Department of Tourism sa City Garden Grand Hotel nang paliwanag kung bakit hindi ito masususpinde dahil nga sa nangyari kay Dacera.
Ang pamilya naman ng biktima ay mayroon ding hinaing sa institusyon.
Samantala, sinabi ng Makati police na kakilala ni Dacera ang hotel manager, na siyang kasama pa raw nila sa kasiyahan nggabing iyon.
Wala pa namang pahayag ang hotel ukol sa pangyayari.
Source: The Relatable
No comments