Joey de Leon naglabas ng kanyang opinyon patungkol sa C0V1D-19 vaccine brands issue

Naglabas ng kanyang opinyon ang comedian, aktor at TV host na si Joey de Leon patungkol sa kontrobersyal na isyu ng iba’t ibang brand ng C0V1D-19 vaccines na gagamitin sa Pilipinas.
Joey De Leon / Photo credit: IG

Ayon kay Joey, Ang pinakamaayos magpaliwanag tungkol dyan para sa akin ay si Dr. Maria Rosario Vergeire. Basta may FDA approval na, WAG MATAKOT, MAKIBAKUNA!

Ang Food and Drug Administration (FDA) ang government agency na tumitiyak na ligtas ang mga gamot na kinokonsumo ng publiko.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Joey ang larawan ng isang piling ng saging kung saan ang isang pinilas na saging ay may guhit ng logo at initials ng kilalang fashion brand na Louis Vuitton.

Aniya sa caption, “Yung iba ang tingin sa mga brands ng bakuna ay parang Chanel, Louis Vuitton, etc.
Photo credit: Joey de Leon IG

At saka niya idinagdag ang quote ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kaugnay ng isyu ng bakuna:

TANDAAN: Ang importante basta inaprubahan ng Food & Drug Administration (FDA), equal footing o pare-pareho na mga yan, effective at safe!

Samantala, isang netizen ang nagbigay ng kanyang opinyon sa post ni Joey.

Nagbigay ng sitwasyon ang netizen: Halimbawa, may inutusan kang isang tao na bumili ng saging, na masarap naman.

Pero malalaman mo na may mas masarap at mas mura palang saging, at alam pala ito ng taong inutusang bumili.

Sinagot ito ni Joey: “Ang importante mabusog ka dahil [gutom] na gutom ka na!

Sa madaling salita, ang ipinupunto ni Joey, ang importante ay magkaroon ng epektibong bakuna.

Sa isa pang IG post ay ginamit ni Joey ang quote ni Vergeire sa isang interview nito sa “On the Spot.”

Pag lumabas sa FDA with EUA we are assuring you na ligtas 'yan at ito ay epektibo sa inyo. Hindi kailangan mamili.

Pantay pantay na po 'yan pag dumaan sa FDA. Pare-pareho pong ligtas at pare-parehong efficacious.”

Naging mainit na talakayan sa social media ang Sinøvac vaccine ng China na may mababa umanong efficacy sa pagiging epektibo.
Photo credit: GMA

Sa isang pag-aaral na ginawa ng Brazil, tinatayang nasa 50-70 percent lamang ang pagiging epektibo ng Sinøvac vaccine, mas mababa kumpara sa ibang brands ng C0V1D-19 vaccines.

Batay sa report ng GMA kaugnay sa presyo ng mga vaccines, ang Sinøvac ang isa sa pinakamahal na vaccine.


***
Source: PEP

Source: News Keener

No comments

Seo Services