Isang Lolang May Sakit, Iniwan Lang Sa Loob Ng Kotse Ng Mga Kasama Habang Sila Ay Nagsho-Shopping

Labis ang simpatyang ipinakita ng publiko ukol sa kaawa-awang kalagayan ng lolang ito na naiwan mag-isa sa sasakyan, kinakapos ng hangin at pawis na pawis., matapos itong maiwan umano ng mga kasama.

Ayon sa socmed post ng isang netizen na si Grace Samillano-Lacusong, nakita raw niya sa malayo ang isang lola na nasa loob ng sasakyan, patay ang makina at hindi halos nakabukas ang bintana nito. Hindi na raw ito makahinga at pawis na pawis.


Nagmakaawa na raw ang matandang babae na kaniya itong tulungang makalabas. Tinawag na rin daw niya ang atensyon ng security guards at iba pang staff ng SnR Alabang upang i-page ang may-ari ng naturang sasakyan. Ngunit sa kasamaang palad daw ay walang paging system ang naturang establisyemento. 

Sinabi pa ni Grace na nagugutom at nauuhaw na rin daw ang lola, kung kaya nama’y napagpasyahan niya itong bilhan ng pagkain at inumin. Habang inaantay pa rin ang may-ari ng sasakyan.


Makalipas ang ilang sandali’y dumating ang dalawang babae na silang mga kasa-kasama ng matandang babae. Nagpasalamat naman daw ang mga ito dahil sakanilang pagmamalasakit sa huli. Ngunit sinabihan daw siya ng isa rito na hindi niya alam na mayroong Alzheimer’s disease ang lola. 

Nagngitngit daw ang damdamin ni Grace sapagkat kung gayon daw ang kalagayan nito, hindi raw dapat itong iniiwang mag-isa.

Saad pa niya, masakit din daw umano sa kaniya ang pangyayari dahil tila galit pa ang dalawa sa kaniyang pagtulong na ginawa.

Lubos din ang dismayang naramdaman ni Grace sa babae dahil tila hindi ito sinsero sa pag-aalala sa lolang iniwan ng mga ito.  

Hindi rin nalinaw kung ano bang relasyon ng matandang sa dalawang babae.


Source: The Relatable

No comments

Seo Services