GRAAAAABBBEEE! YouTube star na si Cong TV, ipinasilip ang kanilang bagong mansion

 Ipinasilip ni Lincoln Velazquez o mas kilala bilang Cong TV ang kanilang bagong "Payamansion" sa pamamagitan ng pag post ng video sa kaniyang YouTube channel.

Noong Biyernes, January 8, ay nag post ng video at ipinakita ni Cong ang kaniyang pamamaalam sa lumang payamansion at ipinasilip ang bagong titirahan ng kaniyang grupo na kung tawagin ay Team Payaman.

Bukod sa ganda at laki ng bagong mansyon ni Lincoln Velazquez, ipinakilala din niya ang kanilang bagong caretaker na si Kuya Inday. Kapansin pasin ang pagiging camera shy ni ng nasabing caretaker na tila kagigiliwan ng bawat miyembro ng Team Payaman at kanilang mga subscribers.
[Photo from Google Images]

Sa kasalukuyan, mayroong 7.55 million subscribers ang YouTube channel ni Cong TV at halos 3 million na ang nanonood sa video ng tampok ang kanilang bagong mansyon.
[Image from YouTube]

Bagamat hindi nabanggit ni Lincoln ang buong detalye ng bahay gaya ng lokasyon, sukat at dami ng kwarto sa kaniyang video, ay nag bahagi naman ng ilang mga larawan ang kaniyang girlfriend na si Viy Cortez sa kaniyang Facebook account.
[Photo credits Viy Cortez Facebook]

[Photo credits Viy Cortez Facebook]

Bumida naman sa video ang common area na ito na may pulang sofa kung saan nagkwentuhan at nagkatuwaan ang tropa.

[Photo credits Viy Cortez Facebook]

[Photo credits Viy Cortez Facebook]

[Photo credits Viy Cortez Facebook]

Tampok din ang eleganteng conference room na ito. Kung saan ayon kay Cong ay maaaring pag ganapan nila ng mga business meetings.

[Photo credits Viy Cortez Facebook]

[Photo credits Viy Cortez Facebook]

Panuorin sa ibaba ang viral na YouTube video ng Team Payaman.


Source: News Keener

No comments

Seo Services