Lahat ng sobra ay bawal! Ito ang dapat lagi nating tandaan.
Sa panahon ngayon ay sobrang hightech na ng mga kagamitan. Katulad na lamang ng cellphone na nagbibigay sa atin ng mas madaling paraan ng komunikasyon.
Ginagamit rin ang cellphones upang malaman ang mga bagong balita na nangyayari sa ating kapaligiran.
Ang pinaka popular na gamit ngayon ng cellphones ay ang paghahatid nito ng entertainment lalong lalo na sa mga bata na maaaring manood at maglaro dito.
Ngunit hindi tama na pinapabayaan lamang natin ang mga bata na magbabad sa cellphone. Dahil lahat ng sobra ay bawal.
Katulad na lamang ng isang bata na nagkaroon ng karamdaman dahil umano sa sobrang paggamit ng gadgets.
Sa Facebook post ng netizen na si Lheean Alcantara Fronteras, ibinahagi nito ang mga larawan ng kanyang anak na nagkaroon umano ng bell’s palsy o facial palsy.
Pinaalalahanan ni Lheen ang mga kapwa niya magulang na huwag pabayaan ang kanilang mga anak sa paggamit ng gadgets.
Aniya, wala mang basehan ang doktor sa kung anong naging dahilan ng karamdaman ng kanyang anak, ngunit maaaring baka dahil daw ito sa radiation.
Narito ang kanyang buong post:
“FYI sharing is caring
BELL’S PALSY OR FACIAL PALSY its viral infection
"Over used of gadgets for kids is dangerous"
Hindi biro mag ka bells palsy especially for kids.. Makikita mo syang hirap uminum at kumain.. Nakaka awa pero dhil fault din nmin n magulang na pinababayaan sila mag cp mula umga hanggang gabi.. Its lesson learned masama tlga sa bata ang over sa gadgets every sunday n lng cla nag ccp pero nag ka ganyan pa.. Sa mga magulang na katulad ko wag nyu na po ako gayahin n ok lng pbayaan cla mag cp , kawawa ang bata kapag nag ka ganito ..
"Wala man basehan dhil maski doctor hindi alam kung anu tlga ang cause pero sinabi rin nila possible sa over gadgets because of radiation. Sa nag acupuncture sa anak ko un din sinabi na possible dahilan dahil malusog anak ko wla xa iba sakit, biglaan lng"
Over used of Gadget
Direct AC or electricfan is usually possible caused sa mga bata na nag kakaron ng bells palsy
Theraphy
Massage
Hot compress
Prednisone
Vit b12
Accupuncture ang mga paraan para maka recover cla”
FYI sharing is caring BELS PALSY OR FACIAL PALSY its viral infection "Over used of gadgets for kids is dangerous"...
Posted by Lheean Alcantara Fronteras on Sunday, January 10, 2021
***
Source: News Keener
No comments